Welcome

7 0 0
                                    

"Simula ngayon, dito ka na titira kasama ko." prenting sabi niya matapos kaming makapasok sa bahay nila.

Nakakainis. Akala ko ba ihahatid niya ako sa bus terminal? Eh, ano 'to?

"Napakasinungaling mo." tiningnan niya ako saka nakangisi nang sabihin ko 'yun.

"I know, Patricia. I am much aware of that." sabi niya na para bang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko.

"Sinabi ko ng ayoko na nga di ba?" angal ko sa kanya.

"Sinabi ko ring hindi ka aalis." pasimpleng sagot niya. Napaka talaga ng taong 'to. Ibang klase.

"Alam mo naiinis akong makita ka kasi di ko maiwasang mainis din kay Juan." pag-amin ko sa kanya.

"Well, that's better. Nang sa ganun ay matauhan ka." sagot naman niya. Nakakagago na talaga.

"Sarap mong bugbugin talaga."

"Sige lang, Patricia. Sige lang. Gawin mo ang gusto mo." pangiting sabi niya.

Hinahamon ba ako nito? Gawin ko pala gusto ko ha. Sige. Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad paalis.

"Hey, nasa taas kwarto mo."

"Sinong nagsabi na pupunta ako sa kwarto? Uuwi na ako." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad palabas nang inagaw niya yung mga gamit na dala ko saka dinala ito sa taas.

"Simoun! Ano ba!" aagawin ko na sana yung mga gamit ko na binitbit niya pero di niya ako hinayaan na makuha yun.

"Hindi ka aalis, okay? You're not going anywhere unless kasama ako." sabi niya't nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila.

"Nababaliw ka na. Sana alam mo 'yan." sabi ko . Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya. Ni hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon sa buhay ko.

"Alam ko. Sana alam mo din na ikaw rin." banat naman niya.

Napaka talaga.

Sinundan ko nalang siya at namangha nalang sa kwarto na pinasukan niya. Napakagara.

"This will be your room." pag-anunsyo niya.

"Kaninong kwarto 'to, uy?" tanong ko na nagmamasid pa rin sa kagandahang nakikita ko. Di naman kasi ganito 'yung kwarto ko sa'min. Maliit lang 'yun tsaka kasama ko pa 'yung kapatid kong babae matulog dun. Ito, ang laki. Parang kalahati na nga 'to ng bahay namin eh.

"It's my sister's room." Napalingon ako sa kanya nang sagutin niya ang tanong ko.

Seryoso ba? Sa ate nila?

"Huy, sa sala niyo nalang ako matutulog. Nakakahiya dito. Baka ayaw nun na may ibang pumapasok sa kwarto niya." sabi ko. Napakaayos ng kwartong 'to at napakalinis.

"Hindi pwede. Paano kapag biglang pumunta dito si lolo tsaka maabutan kang dun natutulog? Baka isipin nun di kita tinatrato ng maayos." sabi niya tsaka binaba ang mga gamit ko sa kama ng ate niya. Baka madumihan. Ang linis-linis pa naman.

"Oo nga. Girlfriend. Magpapanggap lang akong girlfriend mo. Hindi ibig sabihin na titira tayo sa iisang bahay. Kaya kung pwede, aalis na ako. Babalik nalang ako kay lola Pistang."

"Don't trick me, Patricia. Alam ko na ang mga gagawin mo. Tatakasan mo lang ako. Kaya hindi ka pwedeng hindi dito tumira."

"Hindi."

"Shut up. Nagawa mo nga akong takasan kanina diba? Kung di lang ako maagang dumating dun baka di na kita maabutan."

Tama nga naman. Tsaka kaya pala maagang nandun. Akala ko pa naman magmamagandang loob. Yun naman pala may pinaplano. Sinungaling talaga.

"Ang daming paraan sa problema mo Simoun."

"Marami nga kung di lang agaran ang solusyon. Ikaw lang meron ako ngayon. Ikaw ang pwedeng tumulong sa'kin. Kaya pwede, gawin nalang natin 'to. Pareho naman tayong makikinabang eh. Ako, may ihaharap na akong girlfriend kay lolo at ikaw, may kikitain kang pera. Kaya win-win tayo dito." pagklaro pa niya. "Look, Patricia.  Two months. Yun lang. Dalawang buwan ka lang titira dito kasama ko at magpapanggap na girlfriend ko." dagdag pa niya.

"Eh, paano kapag nahuli tayo?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi yun mangyayari." sagot niya na parang wala lang talaga sa kanya.

"Paano nga kapag nangyari 'yun?" posibleng mangyari yun at sobrang nakakatakot. Natatakot ako sa bunga ng mga gagawin namin. Masama 'to at alam kong masama din ang idudulot.

"Bakit, may plano ka bang magpahuli?" sagot niya sa tanong ko. Bwesit talaga. "Tsaka mamayang gabi na tayo magsisimula. Galingan nalang natin." dagdag pa niya na wala lang talaga sa kanya. Tsaka umalis.  Napakayabang naman talaga ng taong 'to. Akala niya talaga madaling magpanggap. Jusko.

"Huy, teka lang." pagpipigil ko sa kanyang huwag munang umalis.

"Patricia, huwag mo kong mami-miss agad. Nasa baba lang ako."
Pangisi niyang litanya.

Ibang klase din tong isang 'to ah. Ang gago.

"Miss mo mukha mo. Tsaka gusto ko lang itanong kung kailan tayo gagawa ng ground rules." sabi ko nang nakakunot-noo. Siraulo talaga tong taong 'to. Naiinis ako kasi kamukha niya si Juan. Bwesit. Gusto kong nakikita ang mukha niya kasi parang nakikita ko si Juan sa kanya pero ayoko sa ugali niya.

"Sus. Miss mo naman talaga ang mukhang 'to diba?" napangisi niyang sabi. Nang-aasar talaga tong taong 'to. Sarap tadyakan.

"Ulol mo." yun nalang ang nasabi ko sa sobrang asar ko.

"Ayusin mo nalang muna 'yang mga gamit mo. I'll just cook for our lunch tapos gagawa na tayo ng ground rules." sabi niya. Wow. Magluluto daw para sa tanghalian namin. Ayos ah.

"Weh? Marunong ka?" di makapaniwala kong sabi. "Baka lasunin mo lang ako eh. Ako nalang kaya magluluto. Total kasali naman yun sa trabaho ko sayo eh." dagdag ko ba. Mahirap na.

"Patricia, chill. I'm not going to kill you, okay? Marunong akong magluto. Tsaka pakikinabangan pa muna kita bago yun mangyari." patawa niyang sabi. "Joke." dagdag pa niya.

"Nakakatawa yun?" sabi ko nang nakataas ang isang kilay.

"Oo, naman. Isa kang malaking joke eh." patawa na naman niyang sabi. Sumusobra na talaga tong taong 'to. "Tsaka sabi ko naman sayo di ba, di ka totally magiging katulong." pangiti niya pang sabi.

Inirapan ko nalang siya at di ko nalang pinansin at sinimulan ko nalang ang pag-aayos ng mga gamit ko gaya ng sabi niya. Nakakainis.

"Sige. Ipagpatuloy mo lang 'yan. I'll just call you kung nakahanda na." sabi niya na para bang walang iniindang problema para mamaya sa pagkikita nila ng lolo niya. Eh kahapon lang sobrang baliw kakakumbinsi sakin para tulungan lang siya.

Kaya di ko parin siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Nabubwesit ako.

"Welcome to my life, Sinta." sabi niya sa huling pagkakataon at tuluyan nang umalis nang masara ang pinto ng kwarto.

Bwesit.

---------
And I'd sing,

You don't know what it's like
Welcome to my life

Hahahaha

Wanted and MissedWhere stories live. Discover now