I Lied

8 0 0
                                    

Kinagabihan, di ko maiwasang mag-isip sa mga nangyayari.

Jusko naman. Sa dinami-dami na pwedeng kumontak sa'kin para mahanap si Juan dito sa Davao 'yung kakambal pa talaga niya. Pwede namang iba, mga kakilala niya di ba? Mga kaibigan, ganun. Tsaka siya lang din talaga 'yung sumubok na kumontak sa'kin. Ang weird. Sobrang weird. Sa dinami-daming flyers na pinaskil ko, jusmiyo. Siya lang! Si Simoun lang.

Ilang ulit ko lang siya nakita at nakausap pero ba't parang sobrang tagal na naming magkakilala. Na para bang kilala ko na siya dati pa. Jusko naman, Patreng. Ano 'tong mga nagyayari?

Naudlot ang pag-uwi ko sa Agusan del Norte dahil sa kanya. Lagot talaga ako kina mama at papa pag-uwi. Masinsinang pag-uusap at walang humpay na katanungan ang naghihintay sa'kin. Hindi kasi nila alam na nag-leave ako sa trabaho para lang dito. Tama nga talaga si Simoun. Na sinasayang ko 'yung meron ako doon sa'min at pinagpalit lang sa paghahanap sa taong wala. Pero heto siya't pinipigilan ako. At nagpapigil naman ako. Napakasiraulo.

Naisip ko rin naman 'yung sabi niya. Babayaran niya naman daw ako kaya okay, sige. Tsaka, ilang buwan na akong nandito at unti-unti ng nauubos ang perang dala ko. At least may pagkakakitaan ako.

Pero di parin maalis sa isip ko na masama 'tong gagawin namin eh. Di pa naman din namin sinisimulan pero nakokonsensya na agad ako. Paano kapag nalaman ng lolo niya na di pala totoo? Baka may sakit 'yun sa puso at bigla nalang aatakihin tapos ako pa sisihin. Jusko naman.

Bakit ba kasi ako pumayag? Magba-back out nalang ako. Tama. Yun ang gagawin ko.

To: Simoun

Magba-back out na ako. Huwag nalang natin ituloy. Uuwi na ako sa'min bukas.

Sent

Tama lang 'yun. Ngayon, matutulog na ako at uuwi na ng Agusan. Nahiga na ako at nakapikit na nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko na't tinignan.

Simoun calling..

Accept or Decline

"Patricia naman. Akala ko ba okay na. Ano 'to?"

Sabi niya matapos kong sagutin.

"Simoun naman eh. Nakokonsensya ako." sagot ko.

"Hindi ka aalis, okay? I will not let you leave. Ang usapan ay usapan, Patricia. Matuto kang tumupad."

"Simoun nam-" napatigil ako sa pagsalita nang bigla nalang nawala siya sa linya. Tinignan ko ang cellphone ko at nag-hang up na pala. Napaka talaga ng taong yun. Ang lakas. Ang bastos.

Nakakainis. Bahala siya. Buo na ang desisyon ko. Yun na yun. Uuwi ako ng Agusan. Tapos.

Kaya naman di na ako nag-isip pa ng kung ano-ano at natulog na.

Kinaumagahan habang hinahanda ang mga gamit ko pauwi ay pumasok si lola Pistang, ang land lady ng tinutuluyan ko.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, hija?" tanong niya habang naupo sa kama.

"Opo, la. Kailangan ko na pong umuwi eh. Salamat po sa discount ah." sabi ko nang may ngiti.

"Sus, wala 'yun. Di ka naman na din iba eh. Simula nung dumating ka medyo naging magaan na ang gawain ko sa bahay na 'to. Salamat sayo." sabi niya ng may ngiti.

"Lola ah. Ayaw mo lang yatang umalis ako eh." sabi ko at tumabi sa kanya tsaka niyakap.

"Syempre naman. Para na kaya kitang apo." pag-amin niya.

Napangiti lang ako habang nakayakap pa rin sa kanya. Nakaka-miss nga talaga si lola. Mami-miss kong magkaroon ng lola.

"Hayaan niyo po. Babalik po ako rito. Tsaka may cellphone naman po kayo kaya pwede po tayong magtawagan di po ba?" pagsa-suggest ko pa.

"Oo na. Sige na." sabi niya at kumalas na sa yakapan namin nang nakangiti. "Mag-ayos ka na baka maiwan ka ng bus. Malayo-layo pa naman ang babiyahehin mo." sabi pa niya.

"Opo. Salamat po." napangiti kong sabi.

"Sa baba lang ako maghihintay." sabi niya.

Napatango lang ako hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.

Mami-miss ko ang bahay na 'to. Sobra.

Matapos ang pagse-senti ay naligo na ako at matapos nun ay nagbihis na. Naka-jeans lang ako at nag-t-shirt ng kulay navy blue na may print na shield ni Captain America tsaka nagsapatos. Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na.

Pagkababa ko sakto namang andun naghihintay si lola sa sala na naupo sa couch kasama ang isang lalake. Nag-uusap sila at di ko maaninag kung sino ang lalakeng yun.

"Ah, excuse me po, lola." pagtawag ko kay lola ng may galang. Nakakahiya naman kasi may kausap siya eh.

Napalingon naman si lola at 'yung lalake.

Nagulat ako kasi nandito si Simoun. Siya pala 'yung kausap ni lola. Jusko naman.

"Oh, andyan ka na pala. Nandito na pala si Simoun. Siya daw ang maghahatid sayo sa bus terminal." sabi ni lola.

Huh? Talaga?

"Ah, o-opo. Sige po. Tuloy na po ako. Magkikita pa po tayo. Huwag kayong mag-alala." sabi ko at nagpaalam na. Tumango lang si lola.

"Ingatan mo si Patricia, hijo ha." bilin niya kay Simoun.

"Opo, lola. Wala pong problema." Ewan ko lang ah.

Kinuha ni Simoun ang mga gamit ko at pinilit na siya ang magdala kaya hinayaan ko na. Bahala siya.

Nang makalabas na kami ay bigla niyang nilapitan ang isang kotse na itim. Binuksan ang likuran at nilagay dun ang mga gamit ko.

Uy, teka. Akala ko ba..

"Uy, kaninong kotse 'to? Tsaka di ka marunong mag-drive di ba? Paanong.." naguguluhan kong sabi.

"I lied." sabi niya matapos ilagay ang mga gamit ko sa likuran ng sasakyan na 'yun. Tsaka pumasok sa driver's seat.

Hala, gago. Seryoso nga? Di ko mapigilang umasa na si Juan 'tong kasama ko. Tsaka, paano kung di talaga siya marunong mag-drive, ikamamatay ko pa.

Habang nasa labas pa't nag-iisip sa mga nagyayari ay bigla nalang akong nagulat sa busina ng kotse niya. Bwesit talaga.

"Hey, what are you waiting for?"

Siraulo. Tsaka, paano kung di talaga siya marunong mag-drive, ikamamatay ko pa.

"Di ba ako mamatay?" tanong ko.

"I can drive, Patricia. Get in." utos niya. Napaka talaga.

"Ito na." sabi ko. Pumasok na ako nang may kaba sa dibdib. Ito na yata ang katapusan ko.

Naisip ko lang bigla, kung si Juan 'to, pagbubuksan niya kaya ako? Jusko, naisip ko pa talaga 'yun?

"Buti naman at nag-impake ka na." sabi niya at nagsimula ng buhayin ang sasakyan.

"Syempre, uuwi na nga ako diba? At salamat dahil ihahatid mo ako sa bus terminal." sabi ko sa kanya. Buti naman at naisip niya 'yun. Siguro nagbago na ang isip niya dahil nakonsensya rin.

"I'm not going to send you there, Sinta." napangisi niyang baling sa'kin.

Mas lalo akong kinakabahan sa mga sinabi niya.

Bwesit. Katapusan ko na.

----------
And I'd sing,

I don't think that passenger seat
Has ever looked this good to me

Hahahaha

Wanted and MissedWhere stories live. Discover now