the childhood memories

748 15 2
                                    


Si Althea at Ella ay magkababata at matalik na magkaibigan sila ang laging magkasama sa school at maging sa lugar nila dahil magkapit bahay lang ang dalawa.si Ella ang naging sandalan ni Althea sa panahon na wala ang Parents nya dahil pareho itong OFW at nagiisang anak lang sya.habang si Ella ay anim silang magkakapatid at ito ang bunso pero kahit may kapatid ito madalas si Ella ang maging kawawa sa magkakapatid sya ang ginagawang utusan ng mga ito dahil puro lalake ang kapatid ni Ella.kaya sya lahat ang gumagawa sa Bahay nila at natulong sa kanyang Ina..mahirap lang si Ella hindi tulad ni Althea na isang anak lang at nasa ibang bansa ang Magulang kaya naman madalas ay si Althea ang nanlilibre sa kaibigan nyang si Ella dahil minsan napasok itong walang baon sa school.

magkasama ang dalawa sa school habang patungo sila sa Canteen dahil break time na din

"Ella may baon ako dito pinasobrahan ko na para sayo share tayo"

sabi ni Althea at nakaupo na sila sa canteen

"salamat thea ah kasi lage mo ako dinadamay sa Baon mo nakakahiya na minsan sayo."

sabi ni Ella na nahihiya sa kanya

"ano kaba parang iba ka sa akin kapatid na ang turing ko sayo since ako naman ay only child db"

sabi ni Althea habang nilalabas ang baon nya na dalawang friedchicken at freshfruits na dessert.ang tanging baon lang ni Ella ay kanin sagot na ni Althea ang ulam at minsan may baon din itong dessert nila.

hindi kasi kayang bigyan lage ng baon si Ella ng magulang nya dahil lahat sila ay nag-aaral ang mga kuya nya ay highschool at dalawa ay nasa kolehiyo maliit lang din ang sahod ng tatay nya bilang isang Visor sa maliit na kumpanya ng garments at marami din silang utang ang mama naman ni Ella ay sa bahay lang at walang trabaho.


Elementary palang si Ella at Althea mula grade one ay magkaklase na sila sabay din silang pumasok at umuwi ng bahay kaya naman super close ang dalawa.si Althea ay masaya pagmagkasama sila ni Ella dahil nakakalimutan nya na mag-isa lang sya at walang kapatid ang tanging kasama lang nya sa bahay ay ang tita Grace nya na kapatid ng Mommy nya.


si Ella naman ay sabik din sa kapatid na babae kaya kay Althea nya na oopen ang mga sama ng loob nya sa limang kuya nya na lage syang inuutusan at hindi pinapansin.ang Papa naman ni Ella ay Paborito ang Panganay nyang kuya at ang Mama naman nya ay ang Pangatlo.kaya kahit bunso si Ella ay hindi sya espesyal sa Pamilya nya napapansin lang sya ng mga ito Pagmay iuutos sa Kanya .kaya minsan nagtatampo na din sya sa Pamilya nya dahil sa kulang na atensyon ng mga ito sa Kanya.


"Ella kumain kana kanina kapa tulala?anu bang iniisip mo?"

tanong ni Althea

"uhm kasi nagsasawa na ako sa Pamilya ko alam mo ako ang bunso at elementary pero ito ni wala nga akong Baon lage nilang sinasabi na andyan kanaman daw magbibigay ng pagkain sa akin at sabi ni Mama pag uwi naman daw ay kakain din ako pero pag-nauwi ako utos agad si Mama at sila kuya na umuubos ng Pagkain kaya sa huli sa Gabi nalang ako nakakain."

malungkot na sabi nya

"hayaan mo na tska andito naman ako wag kanang mahiya at db tinutulungan mo naman ako sa homework naten Lalo na sa math napaka galing mo Ella"

sabi ni Althea na nakangiti sa kaibigan nya si Ella ay matalino sa lahat ng subject nila Lalo na sa Math lage itong honor sa school nila matalino din naman si Althea pero pagdating kay Ella wala talaga syang binatbat sa utak nito.

"buti nga andyan ka thea lage mo ako binibigyan ng kung anung meron ka pati padala ng Mommy mo na damit sa akin binibigyan mo ako."

sabi ni Ella natutuwa din kasi ang Mommy ni Althea kay Ella kaya Pagnagpapadala ito ng Damit kay Althea ay meron din si Ella..

Permanent ScarWhere stories live. Discover now