P.S 4

206 10 0
                                    



ELLA'SPOV

Nagmadali akong sumakay sa kotse ni Thea habang patuloy ang pag-iyak ko..

"Anong ginawa nila sayo?pinagbuhatan ka nanaman ba nila ng kamay?..sama talaga ng ugali ng Nanay mo sabi ko sayo dapat sinama mo ako sa loob eh"
Nag-aalalang sabi ni Althea..pero na natili padin akong walang kibo at patuloy ang pag iyak.

"Thea please Don tayo sa lugar kung saan mawawala ang sakit na nararamdaman ko please."
Sabi ko kay Althea na gusto kong mawala ang sakit nanararamdaman ko ngayon.

"Ok Ella I know that place na mawawala yan lahat ng sakit na nasa dibdib mo."
Sabi ni Althea at Pinaandar na n'ya ang kotse.

Mahaba din ang biniyahe namen ni Althea ewan ko kung San n'ya ako dadalhin siguro kahit sa bar n'ya ako dalhin ngayon at yayain uminom ay ok lang iinom talaga ako ito yung Moment ng buhay ko kung saan walang rules gagawin ko lang lahat para lang maging masaya at makalimot sa sakit.

Hininto na ni Althea ang kotse at mukang dito na ata n'ya ako dadalhin.

"Althea ito yung rest house n'yo sa Tagaytay db?"
Sabi ko kay Althea ng makababa kame sa kotse.

"Yup ito nga yon..pero sa akin na to hehe"
Nakangiting sabi ni Althea at binuksan ng isang lalakeng katiwala ata ni Althea ang Gate.

"Hello po Ma'am Althea tuloy po kayo"
Sabi ni kuya at nakangiti sa amin.

"Salamat kuya Baldo..nga pala kamusta naman ang hardin ko?"
Tanong ni Althea habang papasok na kame sa loob ng rest house nila..malaki ang rest house na ito at may malawak na bakuran na pwedeng mag gawa ng maliit na Hardin siguro meron nga si Althea na Hardin dito.

"Ok naman po ma'am palagi po namin nililinisan yon"
Sabi ni kuya Baldo

"Ah ganun ba sige salamat uhm ..tara Ella may papakita ako sayo"
Sabi ni Althea at isinama n'ya ako sa Garden n'ya nakakagulat ang ganda nito puno ng sari-saring bulaklak at namumukadkad ang ganda ng mga ito may nakita din akong mga ibon na iba't iba ang kulay may mga Paro-Paro din..para itong maliit na paraiso kung titignan.

"Halika dito Ella "
Pag Aya ni Althea sa akin at umo po kame sa swing na napakaganda rin..at nakaka relax ang huni ng ibon at nakakawala din ng stress ang mga Paro-paro na makikita dito..napansin ko din na may wishing well dito..ang cute ng pagkakagawa.

"You look Amaze Ella "
Sabi ni Althea.

"Ang ganda naman kasi ng lugar na ito Thea tska may ganto ka palang Garden akala ko doon lang sa bahay meron ka eh"
Sabi ko naman.

"Hehe uo binigay na sa akin ni Dad ang rest house na ito naalala mo yung natalo s'ya sa pustahan namen sa NBA finals? Hahaha ako ang nanalo db kaya ayun sabi ko sa kanya sa akin nalang tong rest house sa Tagaytay.pumayag naman S'ya tska balak na nga daw n'ya itong ibenta eh..madami na din kasing nabiling rest house si Dad sa tingin n'ya hindi na to ganun ka ganda ..pero para sa akin tamang tama to para mag gawa ako ng secret place ko hehe or secret Garden.."
Sabi ni Thea.

"Kaya nga tska ang ganda din ng klima dito sa Tagaytay nakakarelax.kaya pala hindi na tayo nag pupunta dito binigay na pala sayo ng Dad mo ito.Alam naman n'ya ang ginawa mong ito sa rest house n'yo?"
Tanong ko Kay Althea

"No sabi ko kaya Dad na ako ang bahala dito at ok naman sa kanya na gawin ko kung anong gusto ko ..ngayon hindi na ito secret Garden kasi nakita mo na hehe."
Pabirong sabi n'ya.

"Ah ganun naglilihim kana sa akin ngayon Thea ah"
Sabi ko sa kanya.

"Haha balak ko naman din dalhin ka dito pero hindi pa sa ngayon ..kaso sabi mo ngayon gusto mo pumunta sa lugar kung saan magiging ok ka kaya dito kita dinala..ako kase pag andito nawawala na lahat ng problema ko eh"
Sabi n'ya.

Permanent ScarWhere stories live. Discover now