P.S 2

234 8 0
                                    


Althea'sPOV

nagmamadali ako sa pag-pasok na late na kasi ako nakatulog at nakalimutan kong mag alarm nagtungo ako sa dinning area at nakita ko si Mommy at Daddy na nag aalmusal umupo na din ako muna kahit Late na ako.

"goodmorning Mom Dad'"

bungad ko sa parents ko at kumuha ako ng hotdog at sunnyside up

"Mom una na po ako late na po kasi eh"

sabi ko matapos sumubo ng kaunti.

"wait Althea.."

sabi ng Daddy ko

"yes Po Dad"

sabi ko at naiisip ko anu kayang sermon nanaman sakin ni Daddy

"nakita ko ang Grades mo at bakit may bagsak ka?Ano hindi kaba mag-aayos sa Pag-aaral mo..gusto mo sa states kita Paaralin para magtino Ka"

galit nasabi ni Dad

"Dad alam nyo naman pong ayaw ko ng Course na ito pero pinagpipilitan nyo Padin ayoko ng Business Management.."

sabi ko kay Daddy

"at anong Gusto mo Althea?Agriculture?yun ba..anu Magtatanim ka Ganun..nagsasayang ka ng Oras sa walang kwentang gusto mo na yan..alam mong ikaw lang ang anak namen ikaw ang magmamana lahat ng Business naten ..mabuti pa si Ella napakagaling sa School alam mo sana naging tunay na anak ko nalang sya eh para hindi na kita aasahan pa."

Sabi ni Daddy at hindi na ako sumagot nag paalam nalang ako na late na ako kaylangan ko ng pumasok.

"I need to go Dad late na po ako"

sabi ko kay Daddy

"sige at siguraduhin mo lang na sa School ka pupunta ayokong mababalitaan na nag Cutting ka ng klase mo ah ..mag-uusap pa tayo Althea "

sabi ni Daddy at tuluyan na akong Umalis ng bahay hinatid na ako ng driver namen dahil gusto ni Daddy na siguraduhin papasok ako kaya hindi muna ako pweding gumamit ng kotse.

habang nasa byahe napapaisip padin ako sa sinabi ni Daddy bakit hindi nya ako pagbigyan sa gusto kong Course yun talagang Agriculture ang gusto ko pero sabi nya dapat Business namen ang intindihin ko dahil lumalaki ang kumpanya namen kame ang may ari ng leading Clothing Brand dito sa Pilipinas at sa ibang bansa ay nag iistart na din makilala ang Brand namen..kaya yun lage ang bukang bibig ni Daddy maging responsible ako at pareho kame ni Ella ng kinuhang course Business Management din sya pero ok lang naman kay Ella ang Course nya at gusto din nyang sundi sila Daddy at makatulong sya sa Parents ko.napakabuti ni Ella sobrang masunurin nya sa Parents ko at hindi sya maluho minsan nga hindi nya tinanggap ang mamahaling Cellphone na bigay ni Daddy sabi nya ay ok pa naman ang Cp nya at ayaw nya daw ng masyadong Mahal baka manakaw daw ..

"ma'am Althea andito na po tayo sa School nyo.."

sabi ng Driver

"ok kuya salamat at nga pala wag mo na ako sunduin mamaya mag cocomute nalang ako"

sabi ko kay kuya Driver

"eh Ma'am sabi po ng Daddy nyo sunduin ko Daw po kayo "

tugon naman nito.

"bahala kayo pero mamaya mag cocomute ako sige na late na ako"

sabi ko na nakakunot noo at mabilis na bumaba ng kotse nababadtrip padin ako sa ginagawa ni Dad sa akin para akong bata kung ituring nasa college na ako wala padin syang tiwala as if naman magkakaroon ng tiwala yun lalot may bagsak pa akong subject..

Permanent ScarWhere stories live. Discover now