P.S 3

197 10 1
                                    




Ella'sPOV

Ngayong lingo ay nagtungo kame ni Thea sa simbahan at nag Dasal..matapos ang Misa ay niyaya ko syang puntahan ang Pamilya ko.ang tagal na kasing hindi ko sila nakikita at nakakamusta.

"are you sure Ella?ikaw nalang mag-isa ang papasok sa bahay nyo?"

sabi ni Althea habang nakasakay kame sa kotse nya at naka park ito malapit sa bahay namen.

"yah'ako nalang Althea kaya ko naman na gusto ko lang Makita sila Mama at Papa"

sabi ko at bumama ako ng kotse

nakita ko andoon si kuya Vin Panganay sa amen Magkakapatid nakita ko andon din ang Asawa nya at ang baby pa nilang Anak..hindi nakagraduate si kuya sa kolehiyo dahil nakabuntis ito at sa bahay na nakatira ang babae.

"Ella?"

bungad ni kuya ng Makita ako.

"hi kuya Vin..uhm kamusta na po kayo lahat?"

tugon ko naman kay kuya habang nakatayo ako sa pintuan ng bahay namen.

"halika pasok ka muna"

pag-aaya ni kuya

"ah sige kuya"

tugon ko at pumasok ako sa loob ng bahay namen

"uhm may kasama ka ba Ella?"

tanong ni kuya

"uo kuya si Althea pero nasa kotse sya ok lang naman ako na ang nagpunta dito."

sabi ko naman.napansin ko na abala ang asawa ni kuya sa pag-aalaga sa anak nila at nag titimpla ito ng gatas..ngumiti lang ito sa akin.

"tagal mong hindi nagpunta dito Ella uhm kamusta ka naman doon kala Althea?"

sabi ni kuya.habang ako naman ay nakaupo sa sala

"ok naman ako kuya..nasa College na ako at Business Management ang kinuha ko."

sagot ko kay kuya

"ah mabuti naman maganda yan Pagbutihan mo Ella sa Pag-aaral para makagraduate ka"

sabi nya

"uhm uo kuya salamat ..nasaan nga pala yung iba sila kuya cholo?at si Mama at Papa?"

tanong ko sa kanya

"uhm nasa work sila cholo at Gab..si Dexter naman ayun tambay sa computeran alam mo naman yun db napakabulakbol ayaw ng mag-aral ..si johny naman kasama nila Papa at Mama nag simba sila .."

sabi ni kuya

"ah ganun ba kuya ..sunday ngayon db bakit nasa work sila kuya Gab?"

tanong ko naman

"ah madame lang sigurong trabaho ngayon sa site"

sabi ni kuya.

"ah ganun ba kuya"

sabi ko at ngumiti.maya- maya napansin kong may padating na sila Mama at Papa kasama si kuya johny.

"oh Ella anung ginagawa mo dito?"

bungad ni Mama sa akin at naka kunot noo pa ito

"Ma'..Pa'?namiss ko po kayo"

sabi ko at niyakap ko sila..pero si Mama ay nagpumiglas sa yakap ko

"Ano ba Ella db sabi ko sayo wag kanang uuwi dito"

sabi ni Mama sa akin

"Na miss ko na po kasi kayo Ma'..hindi nyo po ba ako na miss?"

tanong ko kay Mama at naluluha na ako..

"Namiss ka din naman namen Anak pero Mas magandang buhay ang meron ka sa kanila kesa saamen dito.lalo ngayon wala na akong trabaho Anak sila kuya Gab mo Naman sa Constraction site lang sila nag trabaho hindi ko na kasi sila napag-aral..kaya ikaw Ella mag-aral ka ng mabuti habang may natulong sayo."

sabi naman ni Papa

"Opo Pa'..hayaan nyo Pag nakatapos ako at may trabaho na ako tutulungan ko po kayo Pa"

sabi ko naman

"salamat Anak napakabuti mo sa amin kahit marami kameng Pagkukulang sayo"

sabi ni Papa

"hai!..nako tama na ang Drama nyong Dalawa..ikaw Ella wag kanang babalik ulit dito db dun kana nakatira sa mayaman mong kaibigan kaya ano pabang habol mo sa amin?tska wag mo na kaming isipin at tulungan kaya namen to kahit wala ka umalis kana dito at wag kanang babalik Ella.."

sabi ni Mama

"Ma' bakit po kayo ganyan sa akin parang hindi nyo ako mahal..?Anak nyo naman po ako db wala na po ba akong lugar sa puso nyo?..uo nag layas ako Ma' pero bata pa po ako nun pero pinabayaan nyo nalang din ako agad na sa ibang tao tumira.."

sabi ko habang naluluha pa..sa sakit ng nararamdam ko.

"Ella hindi kita Anak hindi ka namen anak ng Papa mo..Ampon kalang..ngayon Alam mo na tigilan mo na kami ahh ..pwede.."

sabi ni Mama na parang wala lang sa kanya ang Lahat..habang ako ay nagulat at parang hindi makapaniwala sa mga narinig ko kay Mama ganun din si Papa at kuya ay nagulat din..

"Helena ..ano kaba bakit mo sinabi yan kay Ella..nababaliwa ka na talaga"

galit na sabi ni Papa..habang akoy tulala padin at hindi makapaniwala sa naririnig ko

"totoo po ba yun Pa? Ampon lang ako?"

tanong ko kay Papa at naiiyak na ako

"Ella patawarin mo kame at ang Mama mo alam mo hindi ko na dapat to sasabihin sayo at kung sabihin ko Man hindi sa ganitong Pagkakataon..sorry Anak "

sabi ni Papa at na ngingilid nadin ang luha sa mga mata nya.

"so totoo nga?..Alam din po ba to nila kuya?"

muling tanong ko..

"uo Ella lahat kame Alam namen ikaw lang ang hindi kaya nga sinabi ko na sayo para naman hindi kana bumalik dito sa amin"

sabi naman ni Mama na parang hindi naman nasasaktan sa mga nasabi nya sa akin.

"ganun po ba Ma'?wala lang talaga sa inyo ang Mararamdaman ko eh no..sabagay bakit nga ba ako nag tataka eh hindi nyo nga pala ako anak.."

pagka sabi ko nun ay hindi ko na napigilan ang sarili at umalis ako Agad binilisan ko ang lakad ko at hindi ako lumingo sa kanila dahil sa sobrang sakit ng nalaman ko.narinig ko din ang bahagyang tawag ni Papa sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa..

nagtungo ako sa kotse ni Althea at nag madaling sumakay..nagulat naman si Althea at naiiyak ako..
———————————————————-
A/N:sorry Ella😔

Permanent ScarWhere stories live. Discover now