P.S 7

174 8 0
                                    



Althea'sPOV

Kasalukuyan akong nasa office ng marinig ko ang isang employee namen na nag-uusap.

"Ui alam mo ba mukang palugi na ng palugi ang kumpanya na ito lipat na kaya tayo sa ibang trabaho?"
Sabi nung isang girl.

"Muka nga eh tapos yung loan ko hindi pa maaprove baka kasi hindi kaya na ng company naten..hai mag try tayo na humanap ng ibang matatag na kumpanya."
Sabi naman nung isang baklang employee namen.

Hindi ko na napigilan at nagpakita ako sa kanila nagulat naman ang mga ito.

"Uhm Ma'am Althea kayo po pala"
Sabi nung isang girl at tense na tense.

"Yah..ako nga uhm sana lang pag oras ng trabaho wag kayong mag chismisan maging productive kayo..alam n'yo hindi babagsak ang kumpanya na ito kung lahat kayo nag fofocus sa trabaho..asan na yung inuutos ko sa inyong report?db sabi ko mag research kayo ng mga bagong design."
Sabi ko sa kanila.

"Uhm opo Ma'am wait po ito na"
Sabi naman nung baklang kausap n'ya.

Tuluyan ko na silang iniwan at nag tungo ako sa office ko..hawak ko na ngayon ang Marketing  Department kaya naman mas pinagiigihan kong mapaangat ulit ang brand namen dahil sobrang nahuhuli na kame.

Habang binabasa ko ang mga report nila ay saglit naman akong napahinto at nag isip..naalala ko si Ella kung andito s'ya malaki ang maitutulong n'ya sa amin dahil napaka talino n'ya at magaling s'ya sa mga idea..4yrs na din pero hindi pa nagigising si Ella..nakikita kong hirap na din sila Dad at Mom..nagbawas na kame ng tauhan sa bahay mga Maids at driver..naibenta na din ni Daddy yung ilang properties namen..dahil sa mga loan na kaylangan ng bayaran..hindi ko din masisi kung napapa isip na ang ibang employee namen na lumipat sa ibang kumpanya lalo't feeling nila pabagsak na talaga kame..

Late na akong lumabas sa office dahil sa gusto kong mapaangat ang kumpanya todo trabaho ako ngayon..

Hindi na din ako nakadaan ng hospital dahil medyo pagod na ako at gusto ko muna magpahinga agad..bukas ko nalang dadalawin si Ella.

Nang makauwi ako nakita ko si Dad nakaupo sa Garden namen at may hawak na beer..mukang nag iinom nanaman to siguro dahil sa mga problema sa kumpanya.nilapitan ko si Dad.

"Dad.,gabi na po mukang naparami na ang inom n'yo magpahinga na kayo"
Sabi ko.

"Althea andyan kana pala..hayaan mo ako ito na lang ang paraan para makalimot ako sa Mga problema naten."
Sagot naman n'ya.

"Dad ilang araw na din kayo nainom makakasama po sa inyo yan tska wag po kayong mag-alala aangat uli ang kumpanya naten lahat po gagawin ko para mapalago ang kumpanya."
Sabi ko naman.

"Anak salamat alam ko naman na hindi talaga yan ang pangarap mo pero sinakripisyo mo iyon lahat para sa kumpanya at sa amin ni Mommy mo..alam mo kung gusto mo na pag patuloy yung pangarap mo hindi na naman kita pipigilan kung doon ka magiging masaya."
Sagot naman ni Dad.

"Daddy..hindi po ito na ang gusto kong gawin sa buhay ko ang hawakan ang kumpanya naten at pa unlarin ulit ito..yung mga dating gusto ko tska na yun makakahintay naman po yun."
Sabi ko kay Daddy.

"Salamat Anak ikaw nalang ang pag-asa namen hayaan mo ititigil ko na tong pag-inom wag kanang mag alala ."
Sabi ni Daddy at sabay na kame pumasok sa loob hininto na din n'ya ang pag -inom..

Nasa kwarto na ako at nakahiga pero hindi padin ako dalawin ng antok..ang daming gumugulo sa isip ko..
Hindi ko na kayang nakikita si Daddy at Mommy na nahihirapan alam kong maraming pera na ang naubos sa amin sa bayarin sa hospital para kay Ella ..at lalo na ngayon na hindi pa nakakabangon ang kumpanya kaylangan namen na magtipid sa mga bagay na gastusin namen..milyon na din ang nababayad namen sa hospital pero kahit ganun hindi padin sila Dad nag dedeside ako padin ang inaalala nila kung hanggang kelan ko kaya pang ipaglaban si Ella..minsan naiisip ko ako nalang ba ang kumakapit na meron pang chance na bumalik si Ella o baka dahil hindi ko din Ma let Go si Ella kaya hindi rin s'ya maka alis..siguro nga nakakapagod nadin ang 4yrs na pakikipag laban ni Ella..siguro nga dapat ko ng tanggapin ang lahat at maluwag na pag pahingahin ko na ang best friend ko..
Ng mga sandaling iyon tumulo na din ang luha ko sa mga naiisip ko..ayoko na mag suffer ang pamilya ko at si Ella siguro ito na yung tamang panahon para I let Go ko na si Ella.

Kinabukasan habang nag -aalmusal kame nila Dad at Mom
Ay naisipan kong mag sabi sa kanila ng plano ko para kay Ella.

"Uhm Dad ,Mommy may gusto po sana akong sabihin sa inyo..tungkol po kay Ella."
Sabi ko.

"Hmm..anu yun Althea.?"
Sabi naman ni Daddy.

"Uhm kagabi po nakapag isip Isip ako at na realized ko po na siguro tama na yung Apat na taon para pahirapan pa ang best friend ko..siguro ako na din yung nagpapahirap sa kanya kaya hindi s'ya makapagpahinga na tuluyan."
Sabi ko at hindi ko namalayan tumulo na ang luha ko.ganun din si Mommy..

"Althea alam kong mahirap sa iyong magdesisyon nyan kahit kame nahihirapan pero kung yun ang makakabuti para kay Ella siguro dapat na nga naten i let Go si Ella."
Sabi naman ni Mommy.

"Anak buo na ba ang loob mo..wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari hindi mo yon ginusto kita naman namen ng Mommy mo kung pano ka nag suffer..4yrs kang hindi sumuko anak kaya wag mong isiping nagkulang ka para kay Ella"
Sabi naman ni Daddy.

"Opo Dad sure na po ako sa disisyon ko ..salamat po lagi kayong naka suporta sa akin"
Sabi ko naman na maiyak iyak pa.

Nagtungo kame ng Daddy at Mommy sa hospital kasama din ang Pamilyang kinalakihan ni Ella andon ang Papa at Mama n'ya ..lahat naman kame nag kasundo at pinaliwanag ng Doctor na ang gagawin namen ay mercy killing hindi namen ginustong gawin pero para sa pasyente na dapat na ata talagang mapahinga ay dapat ng ibigay sa kanya ng maluwag sa aming kalooban..

Lahat kame natunghayan kung pano unti unting tinatanggal ang mga aparatong nakakabit kay Ella..sa mga oras na iyon parang dinudurog ang puso ko..ang panuorin kung pano unti unting mawawala si Ella sa akin ang pinaka masakit na nangyayari sa buhay ko..naalala ko yung mga panahon na kasama ko s'ya yung mga bata pa kame na lage kameng hati sa baon ko hanggang sa tumira na s'ya sa amin..yung mga kalokohan ko sa School noon at lage n'ya ako pinagtatakpan kala Mommy at Daddy at lahat lahat ng good memorise namen na gugunita ko sa mga oras na ito..nakakapang hina hindi ko na din napigilan na umiyak habang nakikita si Ella na unti unting nawawalan na ng buhay.. ganun din sila Dad at Mom hindi na napigil ang pag luha nila..nakita ko din na nalungkot ang buong pamilya ni Ella ..napakabuti kasi ni Ella bakit s'ya pa ang kinuha sa amin..

Sa araw na ito ang huling pag kakataon na makapag paalam ako sa best friend ko..ito ang araw kung saan s'ya inihatid na sa huling hantungan..

"Ella Im sorry sa mga kasalanan ko sayo at salamat kasi lahat ng kalokohan ko nuon pinagtakpan mo..at binago mo yung buhay ko..kung hindi kita nakilala siguro wala ako bestfriend at kapatid na maituturing at magiging malungkot ang childhood ko..kahit sa maiksing panahon na ginugol mo dito sa mundo nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nagkakilala tayo..mahal na mahal kita Ella ..magpahinga kana at sana maging masaya kana San kaman na roon."
Sabi ko at inihagis ang bulaklak para kay Ella habang unti unti ng ibinababa si Ella..

Matapos ang libing ni Ella at marami nadin ang umuwi ay naiwan padin ako na nakatayo sa libingan n'ya..

"Anak Althea tara na uwi na tayo"
Sabi ni Mommy.

"Opo Mommy uhm ang hirap lang po kasing mag pa alam sa bestfriend ko."
Sabi ko at patuloy ang pag iyak.
Niyakap naman ako ni Mommy.

"Althea wag kanang mag-alala Im sure masaya na at peaceful na si Ella San man s'ya no roon ngayon."
Sabi ni Mommy sa akin.

"Opo Alam kong masaya s'ya at babantayan naman n'ya tayo Mom."
Sabi ko at tuluyan na kameng umalis sa Cemetery.
————————————————————
A/N:malungkot ang kwento naten ngayon😪

Salamat ulit sa mga readers😊
Sana nag enjoy kayo sa kwento..

Permanent ScarWhere stories live. Discover now