P.S 6

177 9 0
                                    



Althea'sPOV

It's been 2yrs nung mangyari ang Aksidente sa amin ni Ella and now I'm graduated in College sa kursong pangarap ni Dad para sa akin Ang Business Management..at dahil sa nangyari sa amin ni Ella matapos ang car Accident pinag buti ko ang pag-aaral naging masunurin din akong anak kala Mommy at Daddy and right now I'm working and learning more to our Business..

Sa araw na ito dadalawin ko ang best friend ko sa hospital May dala din akong fresh na mga bulaklak para kay Ella.

"Hi Ella..kamusta ka naman ang buong araw mo?alam mo ang dame kong natutunan sa negosyo namen at sa trabaho ko ..kahit na sa maliit muna ako nilagay ni Dad ok Lang para sa akin mas magandang magsimula sa baba bago tumaas db Ella.."
Sabi ko kay Ella na hangang ngayon ay hindi padin nagigising sa comatose nya.sobrang miss ko na ang best friend ko ang mga kwentuhan namen ang mga tawanan at yung mga advice nya sa akin..sobrang hoping padin ako na isang araw magigising sya kahit si Mom at Dad suko na pero ako still hindi ko bibitawan si Ella kahit anong mangyari.

Sa kabila ng lahat Nadalaw din naman ang Pamilya ni Ella ang mga kapatid nya at mga magulang Doon ko nakausap at natanong ng maayos sa mga magulang nya ang tungkol sa totoong magulang ni Ella kung San ba talaga sya nakuha ng mga kinalakihan nyang Magulang..at binahagi naman nila sa akin ang totoong istorya kinuwento ng Papa ni Ella kung pano sya nakuha nito noon.

Sabi ng Papa ni Ella ng mga panahong yon ay lumuwas sya sa maynila para asikasuhin ang ilang Documento at napadaan sya sa isang Bangko kung saan ay nagkakagulo.naki balita sya doon hanggang sa nakita nya na may nabaril na lalake sa bangko at sinugod iyon sa hospital matapos maaresto ng mga pulis ang mga holddaper..doon nya nalaman na hinoholddap pala ang bangko kaya May mga pulis..ng matapos ang pag aresto sa mga ito.pumasok din sya sa loob ng bangko at nakita nya May isang sanggol na nasaupuan at naiyak ito..dAli Dali naman nya itong kinarga at nilabas ng bangko..nagpalinga linga din sya kung May magulang bang nag hahanap sa bata pero wala syang nakitang naghahanap.kaya naman nagpatuloy sya sa paglalakad at nakita nya ang muka ng bata nalaman nyang babae pala ito at napakagandang bata..sa mga Oras na iyon nagtatalo ang isip nya kung Ibibigay nya ba sa DSWD ang sanggol o iuuwi na lang nya sa bahay ..dahil sabik din sya na magkaroon ng anak na babae dahil puro lalake ang anak nya at sinabihan na silang mag-asawa ng Doctor na delikado na sa misis nya kung Magbubuntis pa ito..nalungkot naman sya dahil wala sila ni isa man Lang anak na babae..at feeling nya na si Ella ang bigay ng Diyos para matupad na ang gusto nyang anak na babae.kaya naman inuwi nya si Ella sa bahay nila Mag-asawa..pero sa kabilang Banda hindi naging madali sa asawa nya ang tanggapin ang bata May hinala kasi ito na anak daw nya ito sa labas sa ibang babae..nuon daw kasi nagkaproblema na sila mag-asawa sa pagkakaroon nya ng ibang babae pero hindi naman iyon nagtagal at hindi nya yon na buntis.sadyang hindi Lang talaga mawala sa isip ng asawa nya na baka nga niloko nya ito.kaya pala Ganun nalang ang Turing ng Mama ni Ella sa kanya inaakala pala nito na anak sya sa labas..

Naging malinaw na din sa wakas ang kwento kung pano napunta si Ella sa pamilya nila..tinanong ko kung May alam ba ang Papa nya kung pano Mahahanap ang tunay na magulang ni Ella pero sabi nya ay wala daw syang alam kung sino ba talaga ang magulang ni Ella ..ayaw nya nga daw sana malaman ni Ella ang totoo dahil ayaw nya itong masaktan pero sabi nga walang lihim ang hindi nabubunyag..pero para sa akin ok nadin na nalaman ni Ella ang totoo para naman May dahilan na yung mga tanong nya minsan kung bakit Ganun sya tratuhin ng pamilyang kinalakihan nya.

Sa mga Oras na ito pinagmamasdan ko si Ella habang nakapikit sya at walang malay..sa isip ko paggising nya anu kayang una nyang gustong gawin ang Mag-aral o kumain medyo Natawa din ako sa iniisip ko miss ko Lang talaga si Ella na minsan alam kong mahilig din syang kumain at mag-aral..sana magising na sya ..

Matapos kong dalawin si Ella ay hinalikan ko ito sa noo bago ako umalis.

"Goodnight Ella uuwi muna ako ah..bukas papasok ulit ako sa work basta magpagaling ka at sana bukas pag dalaw ko magising kana."

Permanent ScarWhere stories live. Discover now