Kabanata 4
Supportive
Halos mapigil niya ang hininga niya ng siya na ang sumalang sa broadway. Nang lumabas siya sa backstage ay parang nanibago siya sa larangan ng trabaho niya. Hindi niya mapigilan ang maging emotional mabuti na lamang at hindi napansin ng mga media iyon. Sa kabila ng issue ng hiwalayan nila ni Kevin ay madami pa ding umattend sa fashion runaway event nila. Walang nagbago. Hindi siya nawalan ng supporters at parang mas dumami pa ito. Puno ang buong venue and all of them are cheering for her as soon as lumabas siya ng backstage.
Nagsimula na siyang magmodel ng bikini and everyone admire her lalo na ang katawan niya na simula ng pumasok siya sa pagmomodelo ay inalagaan na niya ang katawan niya. Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa unahan. Nakita niya ang binata at may kasama itong tatlong lalaki.
What is he doing here?
Nabanggit niya kasi sa binata noong nakaraang linggo na may fashion runaway event siyang gagawin at babalik na sa pagtratrabaho hanggang matapos ang kontrata at pending na mga offer sakanya tinanggap niya pero hindi naman nito nabanggit sakanya na pupunta ito.
After the half day of event ay pinuntahan siya nito sa backstage. At first, she was surprised pero ng makabawe ay nakangiti niya itong sinalubong.
"Greed...I mean Doctor Greed."she gulped. Napatingin siya sa gawi ng manager niya na kakaiba sakanya tumitig bago bumalik ito sa ginagawa. Inaasikaso kasi nito ang susunod niyang susuotin. Hands on talaga ang manager niya kapag may mga event siya and she's thankful for that.
"I didn't expect you're going here."she shooked her head.
"It's my free time."sagot sakanya ng binata.
"Ahh..."she gave him a silent nod.
"Hi Azalea! It's fancy meeting you. I'm Ian De Castrano, I'm a businessman."biglang pakilala ng kaibigan ni Greed sakanya.
Hindi pa siya nakabawi sa gulat ay sumunod naman ang isa pa.
"You're great in this field. I'm Phoenix Artemis, I'm a chef."he winked at her.
Chef ?
"And I'm Hence Martin. I'm a lawyer. And Greed told me you're looking for an attorney to file a case on your ex-boyfriend. I just want you to personally know that I'm in, just tell me when are you free so we can talk about further details."seryoso nitong sabi sakanya at professional siya nitong kinamayan.
"S-Salamat, Mr. Martin."she smile and then she glance at Greed na marahang tumango din sakanya.
"No need to be formal, Azalea. You can call me Hence. And also hindi kana iba you're staying in my friend's house."mahina ang boses nito sa dulong bahagi ng sinabi at parang may ibig sabihin doon pero sa huli ay hindi na lang niya binigyang kahulugan.
"O-okay."
"Ah, excuse lang gentlemen we need Azalea. She's next."nakangiting singit ng Manager niya sa usapan nila.
Napabaling naman ang lahat sa manager niya dahil doon at tumango naman ang apat na lalaki dito. Ngumiti naman siya sa mga ito bago inexcused na rin ang sarili para sumama sa manager niya.
"He knows Mr. Martin? He's a powerful attorney, Azalea. Mr. Hence Martin I heard wala pa siyang kaso na natalo. He's the best pero pili lang din ang mga kasong tinatanggap niya. Kumpara sa mga mabibigat na kasong nahawakan niya ay walang-wala lang ang kaso natin!"chismiss sakanya ng manager niya ng sumunod siya dito sa pag-alis.
"Ang suwerte mo kay Doc!"pahabol na komento ng manager niya sakanya.
At hindi niya mapigilang sumangayon dito.
The whole day event was successful. Wala ding mga reporters ang nagtanong tungkol sa hiwalayan nila ni Kevin and that's great!
"For me?"tumango ang manager niya at ibinigay sakanya ang bouquet ng red roses.
"Kanino galing?"
"Bigay ni Doc."nakangising sagot ng manager niya.
"Si Tatus?"paninigurado niya.
Tumango ito."Yup. May iba ka pa bang kilalang doctor maliban kay Doctor Tatus?"nanunuksong tanong nito sakanya.
"Manager naman e."she pouted.
Humalakhak ito at napailing."Sige na. Guys pack up na!"anunsyo ng manager niya sa lahat.
She's ready to go when her phone rang.
"Hello..."
"...Greed."napalunok siya.
"Are you done?"
"Y-yeah. Paalis na ko sa venue."
"Okay. I'm waiting outside."nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Nasa labas ang binata at hinihintay siya?
Nang makalabas sila ay agad niyang nakita ang sasakyan ng binata na nakaparada.
"Saan ka papunta, Azalea?"usisa ng manager niya ng makitang doon ang punta niya sa sasakyan ng binata.
"Ah..."
"Bagong sasakyan? Where's your old car?"nagtatakang tanong nito sakanya.
"Ah hind. I didn't bring my car. Sasabay lang ako."paliwanag niya.
Tumango ito na parang nagets ang ibig niyang sabihin at ngumiti na lamang ito sakanya at sumakay na sa sasakyan nito.
Siya naman ay tinahak ang nakaparadang sasakyan ni Greed. Nang makasakay siya sa sasakyan ng binata ay pinaandar na nito ang sasakyan paalis.
"Thank you sa flowers."she said shyly, trying to open up a topic habang nasa biyahe sila.
"Did you like it?"sumulyap ito sakanya." I didn't give it to you personally because I don't want the media to make it a fuss about us specially about you."he reasoned out.
He is thinking about that? Kaya hindi siya ang personal na nagbigay ng mga bulaklak?
"Oo nagustuhan ko."she smiled.
"That's good. I searched on the internet of what's your favorite flowers mabuti at tama ang lumabas sa internet."he chuckled, bahagyang humigpit ang pagkakahawak sa manibela.
Her eyes widened. Nag search pa ito!?
"A-Ano?"gulat na sambit niya. Hindi siya makapaniwala na ang isang busy na doctor tulad ni Greed ay nagawa pang mag-search sa internet ng paborito niyang bulaklak para bigyan siya nito. She feel like her heart move because of that simple effort pero sa parte ng lalaki hindi iyon simple lalo na at abala ito sa trabaho.
Kumindat sakanya si Greed bago tumango."Nagpareserved din ako sa isang exclusive restaurant doon na tayo kumain. Let's celebrate!"
"C-Celebrate?"
"Yeah. For your successful fashion runaway event."saglit itong bumaling sakanya bago ibinalik muli ang tingin sa daan.
"S-sige."
Akala niya simpleng dinner lang pero it's special for her. Never niya pang naexperience kumain sa isang rooftop. Nasa isang rooftop sila ngayon ng mamahalin at sikat na restaurant. Madalas kasi ay sa set or sa backstage o minsan sa pad niya siya kumakain ng breakfast, lunch o dinner dahil gawa ng busy na schedule niya at dahil pagod na din siya kaya hindi na nagagawang lumabas pa.
"Wow!"bulalas niya nang makita ang ayos ng rooftop at magandang tanawin dito.
"You like it? They have a nice view here I thought you may like it."
"I love it..."wala sa sarili niyang komento and sigh dreamily. "I haven't eat in a rooftop before."she confessed.
"Well, there's always a first time for everything."
BINABASA MO ANG
Greed Tatus
RomanceGreed Ryder Tatus is an excellent Doctor in morning and a Reckless racing driver at night that's his life...BEFORE. Dahil guguluhin ni Azalea Mireille Sandejas ang buong sistema niya sa pagdating ng dalaga sa buhay niya. Mapigilan niya kaya ang ma...