Kabanata 26

3.7K 106 9
                                    

Konting trivia lang iyong second name ni Azalea ay kinuha ko sa salitang Miracle. Hindi ko alam kung paano nabuo ang Mireille at parang ang layo sa Miracle pero basta dun ko kinuha haha. Remember when she was supposed to be with her parents? Pero hindi siya nakasama? Then naaksidente iyong parents niya. Tanda niyo din ba iyong mga attempt ni Kevin sakanya pero palagi siyang naliligtas ni Greed? Hanggang huli paninindigan natin ang second name niya.




Kabanata 26

Miracle

She could hear Greed crying and whispering to her to wake up. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses ng binata na tinatawag siya nito at palaging sinasabi kung gaano siya nito kamahal. She wanted so bad to wake up. She's been doing it for how long she can't remember. But she can't even move her body nor open her eyes.

Until she feel like floating. Hindi niya alam kung anong nangyayare hanggang sa masilaw siya sa liwanag and when her eyes open bumungad sakanya ang isang madilim at tahimik na lugar. Where is she? What happened to her? Sinubukan niyang kumilos pero hindi niya maramdaman ang katawan niya she's feeling languid and thirsty. Nanunuyot ang lalamunan niya at kahit na nanlalambot ang buong katawan niya at dumodoble ang paningin niya pinilit niyang makatayo but her first atempt failed. Miserable siyang bumagsak sa sahig at agad ininda ang sakit. She was too weak. Hinang-hina ang buong katawan niya at umiikot ang paningin niya. Where am I? Then she tried again to stand up this time ginawa niyang suporta ang pader at nagawa niyang makatayo na pasuray-suray. Hindi niya maalala kung anong nangyare sakanya. O kung bakit ganito ang pakiramdam niya. She feel like she was shot o nabunggo ng ten wheeler truck. At mas lalo ng hindi niya alam kung bakit siya andito at kung nasan ba siya? Where is Greed? Nasa hospital ba siya?

"G-Greed,"tila siya lang ang nakarinig ng tawagin niya ang pangalan ng binata dahil parang bumuga lang siya ng hangin ng magsalita pero wala talagang boses na lumabas doon. Thirsty. Then she continued walking trying to find any water she could drink.

Pero nakakailang lakad na siya at malayo na din ang narating mula sa silid kung saan siya nagising ay wala pa din siyang makitang tubig o kahit na ang binata ay hindi niya mahagilap. At nasan ba siya? Walang katao-tao sa lugar. Para siyang nasa isang abandonadong gusali. And why would she be here? Hindi naman siguro siya nakidnapped while she was sleeping? And why is she sleeping? Anong oras na ba?

Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit hinang-hina na at parang anumang oras ay bibigay na ang katawan niya. She finds the place creepy and scary. I need to get out of here. Hindi niya din makita doon ang binata na nakakapagtaka. She needs to find him.

Greed.

Nang hindi niya na kaya ay parang nauubusan ng hangin siyang sumalampak ng upo sa kung saan na lamang. She was sweating bullets, panting heavily and feeling frail.

"SHIT! SHE ESCAPED!"she heard a loud noise that makes her back to her senses. Muntik na siyang mawalan ng malay habang nakaupo at nanghihinang nakasandal sa pader. Sje tried to stand up but she failed miserably. Wala ng lakas na natitira sakanya. She don't know that voice she heard but it's definitely from a man. Her survival instincts tell her to get out of the building pero dahil sa kalagayan niya ngayon ay mahihirapan siya. She tried to take a deep breath before to calm herself. She can't stand nor walk. The only option she got is to crawl. Gagapang siya. Bigla ay napalingon siya sa hagdanan pababa.

Wala na siyang oras para magisip she have to move o maabutan siya ng lalaki na narinig niyang sumigaw kanina. Pagkatapos ay nagsimula na siyang gumapang pakiramdam niya ay sobrang layo ng hagdanan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Pinagpapawisan siya na naiinitan. Gusto na niyang sumuko. Hindi niya na kaya. Pero mas nanaig pa din sakanya ang kagustuhan na makaalis at makita ang binata.

Greed TatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon