Kabanata 15

3.9K 106 3
                                    

Kabanata 15

Second

Nakakatakot na nakakaexcite ang panunuod ng karera that's what Azalea felt. Kahit hanggang matapos na ang karera ay hindi nawala ang kaba sa dibdib niya. Pero kahit na ganoon ay naenjoy naman niya ang panunuod. And she's thinking to come here again to watch another race. Sa isiping iyon ay mas lalo siyang naexcite.

"So did you had fun?"nakangiting tanong ni Troy sakanya."I hope so."habol pa nito bago siya sumagot.

Mahina siyang natawa bago tumango sa binata. Akala niya kanina ay hindi na siya muling kokontakin ng lalaki kagaya ng mga nagdaang nakadate na nangakong tatawagan siya kinabukasan pero hindi naman nangyare at nganga lang siya dahil wala namang napala.

"Kain tayo? I'm sure you're starving?"Troy wiggled his eyebrows.

"Sige."ngumiti siya dito.

"I know a place! And you would love it there."nakangising sabi nito at hinila na siya papunta sa sasakyan nito.

Dalawang oras ang biniyahe nila kaya medyo nalayuan siya. Hindi naman siya ganon kagutom pero naiisip niya na baka masiyado na silang gabihin mamaya pauwi at baka pagod na sa kakadrive ang lalaki.

"Welcome to Phoenix's restaurant!"masayang anunsyo nito ng makarating sila sa isang magarbo at labas palang ng restaurant ay halata ng mamahalin.

"Sorry ang haba ng binyahe natin. Medyo malayo kasi ang restaurant ni Phoenix pero sulit naman dahil sobrang sarap ng mga pagkain dito."Troy chuckled, combing his messy hair using his fingers.

"Restaurant ito ni Phoenix?"gulat na tanong niya kay Troy. Kung maganda na sa labas ay mas maganda pa ang loob ng restaurant ni Phoenix.

Nagkikintaban at kumikinang ang loob. Pati na ang mga kumakain doon halatang mga sobrang yaman at bigatin.

Mukhang hindi lang basta-bastang restaurant ang pagmamay-ari ni Phoenix. Kung titignan ay pangworld class na ito.

"Kelan lang ito nagbukas. Sa pagkakatandaan ko two months palang pero ang dami na agad tao."Troy said."Nadala kana ba ni Greed dito?"tanong ni Troy na siyang nagpagulat sakanya, sumulyap ang lalaki sakanya ng hindi siya sumagot.

Alam nito ang naging relasyon niya kay Greed? Hindi naman nakakapagtaka dahil maliit lang ang mundong ginagalawan ni Troy at Greed. Minsan ng naikwento ni Troy na isa din siyang race car driver at kateam nito sila Greed. Now she wonder if it's fine seeing them together? Baka mamaya ay may masamang masabi ang mga kaibigan nito dahil sakanya?

Pero ramdam naman niya na hindi romantiko ang pakikitungo nito sakanya. He's happy accompanying her. Pakiramdam niya ay parang kaibigan ang trato sakanya ng lalaki kahit pa na sinabi nito noong una nilang pagkikita na humahanga ito sakanya. And that...somehow...make her feel at ease. Troy is the best date she'd ever had. Syempre maliban kay Greed. And she also like Troy's accompany. She feel like she found another friend in Troy. Hindi niya din naman gustong saktan ang lalaki kaya sa tingin niya mas mabuti ng maging magkaibigan na lang sila. She want...at some point...to keep Troy as her friend.

After their dinner it is time for the desserts that's what Troy told her. Sobrang sarap ng mga pagkain at talaga namang highly recommended ang lahat ng nasa menu.

"Ah, I'll just go to the bathroom."she excused herself and went straight to the girls restroom at pumasok siya sa isa sa cubicle doon.

Pagkatapos ay naghugas siya ng kamay at napatingin sa harap ng salamin. She is smiling. Hindi na niya natandaan kung kelan siya tumawa ng totoo. These past few weeks she's been through hell.

At ngayon nakukuha na niyang tumawa ng kusa at bukal sa loob. And that...is thanks to Troy.

Napangiti siya lalo at napatango-tango.

"You'll be fine, Azalea."you don't need Greed. Wala na siyang pakialam kahit magpakasal pa ang lalaki sa Kiara na iyon.

Nagdesisyon na siyang lumabas ng restroom ng makasalubong niya si Kiara.

Napatigil siya sa gulat pero ng makabawe ay akmang aalis na sana siya ng magsalita ito.

"I know you know who I am."malamyos ang boses nito. Mahinhin ang bawat galaw.

Kahit ayaw niyang huminto at kausapin ang babae ay napilitan siya.

"Yes. You're all over the news."walang emosyon niyang sagot dito.

Napatango ito."You know that's not what I meant."sabay ngiti nito, there's something in her smile. Napailing na lang siya sa mga napapansin sa babae at iwinaksi na iyon.

"What do you mean?"

"You're that woman,"Kiara pointed out."Ang babaeng nililigawan ni Greed."

So the girl knows?

Hindi siya umimik. Ayaw niyang kompirmahin ang sinabi ng babae lalo na at hindi naman niya alam ang pakay nito sakanya. Ayaw niya ng eksena at mas lalo na ayaw niya ng gulo sa restaurant ni Phoenix. At kasama niya si Troy ayaw niyang madawit ang pangalan nito kung magkataon.

"Kahit na hindi mo sagutin alam ko naman."marahang sinabi ni Kiara sakanya.

"I'll go now."iyon na lang ang nasabi niya at malapit na sana sa pinto ng muli itong nagsalita.

"Greed is a doctor and I'm a patient. And you see I love Greed. I'll fight for him."matapang na sinabi ng babae sakanya.

Wala sa sariling naikuyom niya ang kamao sa narinig sa babae.

"And if you really love her, Azalea I want you to fight for him too."hamon nito sakanya.

Nang hindi niya napigilan ang sarili ay napahalakhak siya na para bang may narinig siyang nakakatawa.

"Madami pa namang lalaki sa mundo. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa isang lalaking ikakasal na."sagot niya.

Nakita niya ang pagdaan ng gulat sa mukha nito pero mabilis ding nakabawi.

"So you won't even put a fight?"tanong nito sakanya.

Napailing naman siya bilang sagot."I'm not that desperate. If Greed chose you. Then I respect that. Hindi ko na kailangan ibaba ang sarili ko para sa pagmamahal."

"Do you really mean that?"Kiara asked her.

"Yes. And don't stress yourself too mucj. Kung iniisip mo na baka bigla akong sumulpot sa kasal niyo ni Greed para manggulo I won't do that. Kaya wag ka ng masiyadong isipin ako lalo na at buntis ka hindi ba? Makakasama iyan sa bata."pagkatapos bumaba ang tingin niya sa tiyan ng babae. May maliit na umbok na doon.

"Don't you love Greed?"she asked, confused.

Imbis na sagutin niya iyon ay nginitian na lamang niya ang babae at nauna na siyang lumabas.

"Ang tagal mo naman sa restroom. Susundan na sana kita doon dahil akala ko nakatulog kana doon."biro ni Troy ng makabalik siya sa table nila.

"Silly."komento niya. Napatingin siya sa lamesa nila na may lamang mga iba't ibang klaseng desserts agad siyang natakam dahil sa mga nakikita.

"I recommend this one. Try this."he smile at her at sabay lapag sa harap niya ng isang plate.

"Thank you."she smile at him.



Greed TatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon