Chapter 1: First Day of School

46 5 0
                                    

"Kuyaaaaaaa!"sigaw ko mula sa kwarto ko.

Maya maya biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ano na naman ba?! Bat bigla ka na lang nasigaw?!" galit na tugon sa akin ni kuya.

"Kasi naman di mo ako ginising malalate na ako first day of school pa naman" sagot ko habang nakapout.

"Ako pa ngayon sisihin mo, ikaw tong panay nood ng Kdrama na yan" balik na sagot sa akin ni kuya.

"Eh naman kase nakakainis ka, ayaw mo pa kase ako pagbigyan kagabe kaya yon alas diyes na ako nakapanood" pagmamaktol ko sa kanya.

"O sige na! Maligo at mag ayos ka na ihahatid kita, dame mo pang arte!" sabe niya at padabog na sinarado ang pinto.

Pagkasarado ni kuya mabilis naman akong nagpunta ng banyo para maligo. Nang matapos ako maligo sunod kong ginawa naman ang daily routine.

Pagkatapos ko mag ayos ng lahat ay agad akong lumabas ng kwarto para puntahan si kuya sa kwarto niya.

"Kuya Ian tara na" sabi ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya.

"Oo palabas na ko, mag intay ka wag kang atat" sigaw ni kuya mula sa loob ng kwarto miya.

"Ayy grabe naman to! akala mo kung sinong gwapo mukha namang unggoy!" bulong na lait ko sa kanya.

Hindi ko na siya inintay nagderetso na lang ako sa labas ng bahay.
Di nagtagal lumabas na din yung kuya kong unggoy.

"Ang tagal mo naman lumabas daig mo pa babae sa pag aayos eh!" sabi ko habang nakapamewang.

"Hiyang hiya naman ako sayo, ikaw nga tong dinaig pa ang pagong sa sobrang bagal kung kumilos" sabi niya at pumasok na sa kotse.

Di na ako nagsalita pa at pumasok na lang ako sa kotse

"Kuya, bat dun ako sa school mo dati? Bat di na lang ako sa school ko dati, may Senior High din naman don ah" sambit ko kay kuya habang nagmamaneho. siya.

"Dun kita ipinasok para may magbabantay sayo andun yung dati kong kaibigan si Fiona" sabi ni kuya ng hindi tumitingin sa akin.

"Si ate Fiona nandun siya? Diba graduate na kayo? Bat andun pa din siya?naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Oo graduate na nga kame pero siya yung magmamanage ng school nila kaya magtatrabaho muna siya don bilang teacher" balik na sagot sa akin ni kuya.

"Masaya yon andun si ate fiona

"Anong masaya ka dyan! Babantayan ka niya, pag gumawa ka ng kalokohan humanda ka sa akin"sambit niya sa akin at bigla na lang akong binatukan

"Kainis ka naman eh! Tyaka kalokohan agad? Makapag ano to e!" sabi ko habang hinihimas yung ulo ko.

Malapit na kame sa school kaya inayos ko na ang sarili ko. Malay ko ba kung magmukha akong pulubi pagpasok ko, mabully pa ako.

Nang tumigil ang kotse sa mismong tapat ng school agad na akong lumabas ng kotse. Bago pa man ako makapaglakad ay agad na akong tinawag ni kuya.

"Hoy babaita!uuwe ka agad pag awasan nyo. Wag ka ng mag lakwatsya pa" sambit ng unggoy kong kapatid.

"Opo, akala mo naman gagala ako! Uy, di ako kagaya mo na gabe na nauwe noon!"sabi ko ng medyo pasigaw

At tuluyan na ako naglakad papasok ng campus. Dahil sa malalate na talaga ako, nanakbo na ako paakyat ng building namin dahil nasa second floor ang room.

I Love You GoodbyeWhere stories live. Discover now