Chapter 7: Partner

10 2 0
                                    

Nang makabalik kami sa classroom namin ni yuan, hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinis dahil sa lalaking nasa upuan ko.

"Mr. Buenaventura, ang pagkaka alam ko ay upuan ko yang inuupuan mo. Kaya pwede? umalis ka na at uupo nako"  naiinis kong sabi sa kanya

"oh! sorry miss gonzales akala ko upuan ko, magkatabi kasi." nakangisi nyang sabi

"Arrggghhh! nakaka inis na talaga sya ah? wala pang kalahati ng taon ganto na sya pano pa kaya pag tumagal na" nasabi ko na lang sa isip ko.

Umalis na sya sa upuan ko at lumipat sa upuan nya. Nang matapos ang pagpaplano namin para sa film nag siayusan na kami para sa next class namin.

Ilang minuto ang lumipas at pumasok ang subject teacher namin.

"Goodmorning class, i'm Sir Jo Angeles and i'm your subject teacher for PE. For today let me explain kung anong mga gagawin natin for the whole year sa PE natin.

Salita lang ng salita si sir Jo sa harap pero lutang pa din ako dahil iniisip ko kung ano bang dapat gawin ko sa Film namin para mapaganda.

"Okay for today, i'll pick your partner for this week. I have a list for that, if i call your name go to your partner."

Kinakabahan ako sana si yuan ang makapartner ko, pero parang iba kutob ko na hindi sya. Magaling kami parehas sa ano mang sports, kahit sa dancing, singing or sa madaling salita talented kami parehas.

"Mr. De Vera and Ms. Smith
"Mr. Chavez and Ms. Del Rosario
"Mr. Hans and Ms. Devilla

Habang tinatawag ni sir by pair lalo lang ako kinakabahan wala pang natatawag samin ni yuan. Ilang minuto pa tinawag na si yuan at kapartner nya si Roxanne, bigla tuloy akong nanlumo.

"Mr. Tuazon and Ms. Reyes

Parang ayoko na pumasok sa PE class ko ng marinig ko kung sino makakapartner ko. Sinadya ba talaga 'to ni Sir. Angeles? Ghaaad!

"And last Mr. Buenaventura and Ms. Gonzales" aniya ni sir. "Any questions?" pahabol pa nya

Gustong gusto ko mag tanong kay sir pero baka hindi din sya pumayag sa gusto kong mangyari. Kaya no choice ako kundi makasama yung unggoy sa PE class.

Okay lang naman kahit makasama ko sya, remember na one week lang naman so kaya naman. Kapag hindi related na lang sa PE syaka lang ako iiwas.

Ilang oras na lang ay mag be-bell na hudyat na uwian na ng hapon. Alas tres pa lang pero ang aga na mag pa awas.

Dahil ilang oras na lang eh mag bebell naman na kaya nag muni-muni na lang ako. Kinulbit ko si Yuan para sabihin na mag gala muna kami.

"Uy yuan, tutal mag uuwian naman na mag gala na lang muna tayo maaga pa naman" yaya ko sa kanya

"Teka hindi ka ba papagalitan ng kuya Ian mo?Baka pagalitan ka non sige ka" panamakot na sabi sakin ni yuan

"Ang OA mo naman hahaha syaka mag papaalam naman ako sa kanya eh. Itetext ko na lang si kuya na kasama kita, para makapag kwentuhan pa tayo tagal tayong hindi nagkita eh" sabi ko at tumayo na dahil nag bell na

I Love You GoodbyeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant