Chapter 4: Playground

17 2 0
                                    

Habang nag mamaneho si yuan panay ang tingin ko sa labas. Namamangha pa den ako sa mga nakikita ko. Parang kailan lang nung huli akong magpunta dito at makilala si yuan.

Flashback...

10 years ago...

Umiiyak at panay ang punas ko sa luha at sipon ko na tumutulo. Ang saket lang alam nya na crush ko sya pero bat ganon sya? Bat may iba syang crush.

"Sabe nya crush den daw nya ako pero bat ganun sya di man lang nya ako kausapin....sabi ko habang humihikbi .....bakit palagi na lang si Cynthia? crush ko sya"

"Sa t'wing nakikita ko sila na mag kausap naiyak na lang ako" sabi ko at panay ang pahid sa mga luha.

Maya maya pa'y may batang lalaki na tumigil sa harap ko. Gwapo sya hawig nya yung dati kong crush pero mas pogi pa din yung crush ko.

"Hello bata, bat ka naiyak? may umaway ba sayo?" tanong nya at sinisilip yung mukha ko.

"Wala to, alis ka na" pagtataboy ko sa kanya.

Sa totoo lang ayoko na may nakakakita na naiyak ako. Parang tingin kase nila sa akin kawawang bata.

"Bata wag ka na iyak, laro na lang tayo" nakangiting sabi ng bata.

"Laro? Sige wala akong kalaro" sabi ko at tumayo na.

Nagpagpag ako ng pwetan ko puro buhangin kase. Pinunasan ko yung luha ko. At nakangiting humarap sa kanya.

"Hello ako pala si Xyriel Yuan Tuazon..nakangiting bati nya at inabot yung kamay para makipagshake hand sa akin .....ikaw ano pangalan mo?"

"Ako si Patricia Irah Gonzales" balik kong sabi sa kanya.

Ngitian nya ako at inaya ako sa duyan. Di mawala ang ngiti sa labi ko at panay tingin ko den sa kanya.

Ang sarap siguro na magkaroon ng lalaking kaibigan. Yung ipagtatanggol ka sa mga umaaway sayo, sa mga nambubully sayo.

"Patricia taga saan ka? nakangiting tanong nya. ..... ako dyan lang sa subdivision" dagdag pa neto.

"Subdivision din ako dyan sa may malapit sa guard house" sambit ko sa kanya.

"Edi magkapit-bahay lang pala tayo yehey! may makakalaro na ako" nagtata-talon na sabi nya.

"Yes, may makakalaro na ako" nakangiting sabi ko sa kanya .... edi bestfriend na tayo?" dagdag ko.

"Oo, bestfriend na tayo" saad nya at muling nagsalita. ....pwede bang patipat na tawag ko sayo? nag aalangang sabi nya habang nakayuko.

"Patipat? Oh sige ba basta tawag ko sayo yuantot" natatawang sabi ko.

Di nagtagal sabay na kame tumawa ng malakas. Marameng nangyari kung ano ano pa pinag gagawa namen. Ilang minuto pa tinawag na si yuan ng kanyang yaya.

"Yuan, tara na nandyan na mommy at daddy mo hinahanap ka na. Aalis na daw kayo." sabi ng yaya nya.

Bago umalis si yuan, tinanguan nya muna yaya nya bago lumingon sakin.

"Patipat? Kailangan na namen umalis. Susunduin pa namin kase yung kapatid kong babae galing states." pag papaalam ni yuan.

"Sige okay lang ingat kayo sa byahe ha?" saad ko sa kanya.

"Ipapakilala kita pag dumating na sya panigurado matutuwa yun at magkakasundo kayo." nakangiting sabi ni yuan.

Ngitian ko na lang sya. Bago sya tuluyang umalis may binigay syang kuwintas sa akin. Tiningnan ko sya ng pagtataka.

"Para saan to? Bat mo binibigay sakin to?" taka kong tanong sa kanya.

"It's simbolize as a friendship. nakangiting sabi nya. .... para kapag lumaki na tayo di mo pa din ako makakalimutan."

Infinity necklace yung binigay nya. Nag isip ako ng pwedeng ibigay sa kanya. Napansin ko na may nakasuot na bracelet sakin. Tinanggal ko yon at binigay sa kanya.

"Sayo na lang den yan, para di mo din ako.makalimutan pag laki natin." nakangiting sabi ko.

Muling tinawag si yuan ng yaya nya at nagpa alam na kame sa isa't isa. Pinagmasdan ko yung kwintas na binigay nya sakin.

Ilang buwan ang lumipas maging malapit kami sa isa't isa. Kilala na din sya ng pamilya ko. Napakilala na din nya ako sa pamilya nya at lalo na sa ate nya.

Nang pumasok kame sa school wala pa ring pagbabago close pa din kame sa isa't isa. Mas lalong naging makulit at energetic si yuan since nung pumasok kame sa elementary.

"Patipat, may logic ako sayo." sabi nya habang naglalakad kami sa hall way.

"Ano na namang kalokohan yan yuantot." sabi ko.

"Ih sige na sagutin mo na lang ha? Eto na, May barko sa loob ng barko may platito sa ibabaw ng platito may baso sa loob ng baso may piso, eto yung tanong. Ano yung nasa gitna ng piso?" pataas taas na kilay na sabi nya.

"Huh? Ano nasa gitna ng piso? Eh wala namang nakalagay don sa gitna ah?" nagtataka kong tanong.

"HAHAHAHA meron kaya isipin mong mabuti." natatawang sabi nya.

"May sapak ka ba sa utak ha yuan? Panong magkakaroon e wala naman talaga. Ako ba'y pinagloloko mo? Sasapakin na kita e." naiinis kong sabi sa kanya.

"HAHAHA di mo talaga alam? Edi sabihin ko na nga nahihirapan ka na eh." natatawang sabi nya sabay mahinag hampas sa balikat ko.

"Oh sige ano? Pag yan di ako natuwa ihuhulog kita dun sa fountain." naiinis kong sabi sa kanya.

Tumigil sya sa paglalakad at inayos yung suot nyang uniform. Tingnan nya ako ng seryoso at muling nagsalita.

"Edi tao yung sagot don HAHAHAHAHA yun lang di mo pa alam? Akala ko ba matalino ka?" nakahawak sya sa tyan habang natawa.

"Eh siraulo ka pala e panong magiging tao yung nasa gitna non aber? Eh wala ngang nasa gitna." nakapamewang kong sabi.

"HAHAHA yun yung nasa gitna... nagpost sya sa pag sasalita at tiningnan ako. .... di mo alam noh? Palagi ka kaseng busy kaya pati madali na logic di mo alam." dagdag nya.

End of Flashback....

Tiningnan ko sya na may pagtataka. Pero binalewala ko na lang yung sinabe nya. Nagpatuloy kame sa paglalakad hanggang makarating sa room.

It's been a month since nung magkulitan kame. At simula ng pumasok kame as a highschool student. Marame ng nagbago.

A/N. Hi guys? Sorry if natagalan yung update ko. Sobrang busy na kase kame. Sabay sabay yung event namen this month kaya di na ako masyado nakakapag update. But i try my best para mag update. Keep voting and read. I hope magustuhan nyo yung story ko kahit di masyadong maganda. Pede din kayo mag commnet if di nyo gusto or may konting mali sa mga grammar ko. Lab yah readers!😘😘

I Love You GoodbyeWhere stories live. Discover now