Chapter 5: Roxanne

27 2 0
                                    

Pagbalik namin sa room tahimik at parang dinaanan ng angel sa sobrang tahimik.

"Anong nangyare bakit tahimik?May angel atang dumaan." pabulong kong sabi kay yuan.

Hindi ako pinansin ni yuan. Dali dali siyang pumasok at naupo sa upuan niya. Habang papalapit ako sa upuan ko may napansin akong nakayuko.

"tsk. tulog na naman kaya napapagalitan eh" usal ko sa isipan ko.

Ilang minuto pa'y dumating si Mrs. Garcia ang mataray na teacher dito sa campus. Parang laging may dalaw sa t'wing papasok sa room namen.

"Goodmorning class! I have a announcement magkakaroon kayo ng film at sa film na yon kayo yung gaganap at ito ay unang proyekto ninyo sakin. Bawat groupo may pitong miyembro at sa pitong yon kabilang na ang leader ninyo. At ipapanood nyo ang film nyo sa araw  School Fair. Isasubmit ninyo sa akin bago kayo mag field trip. May apat na buwan pa kayo para mag asikaso."

Jusmeee! film na naman? yung huling film na ginawa namen di napasama sa pinanood non kase parang walang kabuhay buhay ang mga gumaganap don. Siguro kung kaklase ko si yuan non. Nakapasok siguro, magaling si yuan mag derek ng isang film.

Sana si yuan makasama ko sa groupo para  naman kahit papaano may magaling kame. Hoy! magaling den ako ah pero iba talaga si yuan, pag kase sya nag derek seryoso kaya bilib ako sa kanya.

"okay class, ibibigay ko na mga list na mag kakagroupo. Pag tinawag ko kayo tumayo kayo at pumunta sa mga kagroup nyo. Naiintindihan nyo ba?"

Nag tingin na si Mrs. Garcia sa  attendance sheet namin. Isa isa nyang binabasa ang mga apelyido namin at magiging leader para sa film.

"Mr. Tuazon, Ms. Almodiel, Mr. Alvarez, Ms. Reyes, Ms. De Castro, Ms. Gonzales....."

Diko alam kung anong nararamdaman ko ng banggitin ni Mrs. Garcia ang apelyido ko akala ko hindi ko makakagroupo si Yuan.

Nang huli akong matawag ni Mrs. Garcia tumingin ako kay yuan, ngitian lang nya ako. Sobrang saya ko ng kasama ko si yuan.

Ngunit napawi din ang ngiti sa aking labi ng banggitin ni Mrs. Garcia yung taong akala ko hindi na kasama.

"at si Mr. Buenaventura, kumpleto na kayo  ang magiging leader ninyo ay si Mr. Tuazon dahil alam ko na kaya nya. Tama ba Mr. Tuazon?"

"yes po ma'am"  saad naman ni yuan.

Nagtayuan naman kami at nag simula na bumuo ng groupo. Hindi pa din maiaalis sa isipan ko na napasama si Buenaventura sa groupo namin. Hindi naman sa ayaw ko, pero kaya nya kaya? iba kase si yuan pag seryoso dapat seryoso din ang pag gagawa. 

Nakapabilog na kami, at nag umpisa na mag salita si Yuan. Napapangiti na lang ako kapag nag eexplain si yuan.

"okay, bago tayo mag umpisa gusto ko lang sabihin sa inyo na seryosohin nyo 'to. Grade natin nakasalalay dito, isa pa pag napili itong film natin malaking dagdag yon sa mga grade natin lalo na sa mga may mga bagsak na subject" sambit nya sa lahat.

Nakatingin ako kay yuan ng mahagip ng mata ko ang lalaking walang ginawa kundi bwesitan ang buong maghapon ko.

Nakatingin siya sa akin at panay kindat na may kasamang pag nguso pa.

"Arrrrggghh! nakakainis siya" sabi ko na lang sa sarili ko.

Dahil sa pagkainis ko sa kanya, tumayo ako at lalabas. Bago pa man ako lumabas napatingin sa akin sila Yuan at aming mga ka member.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni yuan sakin ng mapansin nyang tumayo ako sa tabi nya.

"Ahh dyan lang sa labas mag papahangin nakakabanas na kasi yung isa dyan."

Hindi ko na nga sya nilingon at tuluyan na lumabas sa room namin at pumunta sa may garden ng school.

Ilang oras pa lang ako nakalalabas naramdaman ko na lang na may tumabi sakin.

"Ikaw na naman? hindi mo ba talaga ako titigilan ha?!" sabi ko sa sobrang inis sa kanya.

"Bakit ko naman titigilan yung taong mahal ko?" sabi nya sabay kindat na naman sakin.

juskoo! kung nakakamatay lang ang masamang tingin malamang patay na tong katabi ko. Nakakainis! Hobby ba nya talaga ang mang inis?

"Mahal? nahihibang ka na ba?  di nga kita masyadong kilala tapos mahal mo na ako kaagad? aba'y may sayad ka ba sa ulo? inis kong sabi sa kanya.

"Okay! Let me introduce my self to you, I'm Miguel Jordan Buenaventura son of owner of this school and your future husband someday baby" sabi nya at kinindatan pa ako.

"Can you please stop, i'm not your baby, Patricia Irish po ang pangalan ko at hindi baby." iritang sabi ko sa kanya.

Hindi ko na inantay pa yung magiging sagot nya. Dali dali akong pumasok sa room para takasan sya. Ilang minuto lang din ay nakasunod na sya sakin.

Pag upo ko agad namang tumayo si Roxanne at tumapat sa harapan ko. Hindi ko dapat sya papansinin pero diko na gustuhan yung tinawag nya sakin.

"Hey bitch! can you please move to other chair and i sit beside yuan" maarteng sabi nito.

"Wag mo akong tawaging bitch dahil hindi ako katulad mo" nakatingala kong sabi.

Habang nag sasagutan kaming dalawa ni Roxanne pansin ko nakatingin na samin ang iba naming kaklase at pati na rin si Yuan at yung unggoy.

"Oh come on bitch! do what i said okay? move to other chair" pagpipilitan nyang sabi.

"Bakit naman ako lilipat e sa dito ako nakaupo? gusto mong makatabi si yuan diba? edi ikaw mag adjust" mataray ko ding sabi

Hindj porket Queen bee sya dito sa campus pag sasalitaan nya ako ng hindi maganda?Pinalaki yata akong palaban ng mga magulang ko.

"why don't you get it? i said move to other chair and i sit beside yuan, and i know you are friend of mine of yuan right? soo move now!" mataray na sabi nya

"Pag hindi talaga ako nakapag timpi sayong babae ka, lalabas ka sa room na to na may black eye dyan sa mata mo" sabi ko sa isip ko.

Ilang minuto bago mag simula ang next class namin ay inawat naman na ako ni yuan para hindi na maabutan pa ng teacher.

Wala na akong nagawa kundi umupo at manahimik na lang sa tabi ni yuan. Habang nakatingin ako sa black board ay pansin ko na nakatingin na naman ng masama sa akin si Roxanne.

Juskoo po! kelan ba to matatapos. Nakakasakit na ng brain.

A/N: Hello readers😊 Sorry for long long update. Super busy kasi kaya now lang nakapag update. But i try my best para makapag update ng 3 chapters this week or kahit 2 chapters 😍Pag hindi masyadong busy okay? hihihi thankyouuu and don't forget to vote and comment 😊❤ More exciting and kilig moments ang mababasa nyo 😍 hihihi thankyouuu readers!😘

I Love You GoodbyeWhere stories live. Discover now