Chapter 2: Canteen

30 2 0
                                    

"Sino ba yung lalaking yon? Napaka yabang makapag sabi na nag lalandian." nasabi ko na lang sa sarili ko.

Nang makalabas yung lalaking mayabang ilang minuto bago kami sumunod. Habang naglalakad di pa din mawala sa isip ko yung lalaki kanina.

"Uy, patipat? Bat ang tahimik mo? May problema ka ba?" tanong ni yuan sa akin.

Di pa din ako makapaniwala sa sinabi ng lalaking yon. Syaka problema non, masyado ata siyang problemado.

"Patipat? May sakit ka ba?" nag aalalang tanong ni yuan at inilagay ang isang kamay sa noo ko.

Syaka lang ako bumalik sa ulirat dahil sa ginawa niya.

"Ha? Ano nga ulit yon?" taka kong tanong.

"Ang sabi ko kung may sakit o problema ka? Ang tahimik mo kase simula paglabas natin kanina" mahinang tanong nya sa akin.

"Ah wala ah! May iniisip lang ako" sambit ko habang naglalakad.

"Yung lalaki ba kanina? Mukhang mayabang yon ah" sabi ni yuan.

"Oo, nakakainis kase 'di naman siya inaano" sagot ko muli sa kanya.

"Hayaan mo na yun, oo nga pala kamusta na si kuya patrick?" tanong niya sa akin.

"Okay lang naman, ayun minsan nag aaway kame" sambit ko sa kanya.

"HAHAHAHA walang pagbabago si kuya patrick bully pa din siya sayo" natatawang sabi niya sa akin.

Hindi nagtagal nakarating na din kami sa canteen. Pag tingin ko sa pila ang haba, tumingin ako kay yuan at nagtaka ako kung bakit panay kaway to. Tiningnan ko kung sino kinakawayan.

"Hoy! Ano ba para kang tatakbong kandidato sa pag kaway kaway mo" sabi ko at tinulak siya ng mahina.

"Kase panay tingin at kaway ng mga kababaihan sa kabilang linya, tingnan mo." balik na sagot niya.

Agad ko namang tingnan, nakita ko na parang bulate na gustong makawala sa asin yung mga kababaihan sa pila.

"Ikaw ba naman magkaroon ng ganyang mukha ewan ko na lang talaga, yung mukhang unggoy HAHAHAHAHA" natatawang lait ko sa kanya.

"Grabe ka naman sa akin, wag ka daming nag hahabol sa akin" pag mamayabang na sabi niya.

"Oo na lang po, pumila ka na nga lang tayo na susunod" sabi ko sa kanya ng umiiling.

Nang matapos umorder na nauna sa amin, kami naman sumunod. Di pa namin nasasabi yung oorderin namin bigla na lang may sumingit sa harap namin.

"Isa ngang kanin at menudo samahan mo na ng isang tubig" sabi ng kung sino.

Tiningnan ko kung sino yung lintik na sumingit sa unahan namin. Pag tingin ko sa kanya sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Jusme! Akala mo kung sinong hari dito makasingit naman sa pila. Mukha siyang unggoy!" sabi ko na lang sa sarili ko.

Ako naman si tanga mukhang narinig niya yung sinabi ko, humarap siya at sinamaan na naman ako ng tingin.

"What do you call me?" Mukhang unggoy?" tanong niya.

Ay! Wala na englishero pala to. Mukhang mapapalaban ako sa pag eenglish.

"No, i mean there is line" sabi ko sa kanya.

"Gusto kong mauna baket may angal ka?!" maangas na sabi niya sa akin.

Pinagtitinginan na kame ng mga ibang estudyante. Nakakahiya sobra.

"Okay, you may go first" sabi ko na lang para di na humaba pa ang gulo.

Nang matapos siya sa pag order niya agad naman din kame umorder ni yuan. Para makakain na.

Di nagtagal nakuha din namin agad. Habang naglalakad kame papunta sa isang lamesa, tingnan ko ang mga kumakain sa kanteen at laking gulat ko na halos lahat nakatingin sa akin este sa amin pala.

Malapit kami sa lamesa namin bigla na lang may pumatid ng paa ko.

"Ops, sorry di ko sinasadya" sabi ng babaeng may kolerete sa mukha.

"Okay lang" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Patricia right?" tanong niya.

"Ah oo ako nga, baket?" sambit ko sa kanya.

"Kung di mo naman mamasamain di ka kase bagay makasama ng guwapong nilalang na 'to,baka naman pwede namin mahiram" sagot niya muli sakin.

"Teka! Di siya laruan para hiramin nyo" sambit ko sa kanya.

"Hindi mo ba ako kilala?  tanong niya sa akin.

"Ay gagi to! kung kilala kita edi sana tinawag na kita sa pangalan mo kanina pa." sabi ko na lang sa sarili ko.

"Sorry hindi" balik na sagot ko sa kanya.

"Ohmyghad di mo ako kilala? Okay para malaman mo kung sino ako...
Ako lang naman ang nag iisang ROXANNE ANABELLE  REYES ang queen bee dito sa campus" pakilala niya sa sarili niya.

Tingnan ko si Yuan ngiti lang ang sinukli niya sa akin. Pagtingin ko ulit dun sa Roxanne ang sama na ng tingin niya sa akin.

"Sorry, di kase pwede. May pag uusapan pa kami" sagot ko sa kaniya.

"Ohmyghad girl, kinakalaban ka ata ng babaeng to" sabi nung nakasama na may kolorete den sa mukha.

"Di naman kayo galit nan? Sobrang dami nyo maglagay ng make up" pabulong kong sabi.

"Sorry di talaga pwede, kaya pwede padaanin nyo na kami?" sabi ko sa kanila.

"Sorry girl, mahirap akong kalaban. Soo watch your step! Baka di mo namamalayan nasa akin na pala yan." sabi niya at tinuro si yuan.

Di ko na lang siya pinansin at tuluyan na akong naglakad papunta sa lamesa namin ni yuan.

Habang kumakain kame ni yuan biglang may pumasok sa kanteen. Maririnig sa loob ng kanteen ang sigawan ng mga babae.

"OMG andyan na siya!"
"Ang gwapo talaga nila"
"Bryan pakasalan mo na ako"
"Ian ang gwapo mo talaga!"
"Miguel Bryan ng buhay ko!"
"Aaaaaaaa ang gwapo nyo"

Hay nako! Bat ganto tong mga babaeng to estudyante din naman yung sinisigawan nila. Habang nakatingin ako sa papasok na dalawang lalaki napansin ko yung isa parang familyar siya sa akin.

"Teka! diba yun yung sumingit kanina sa pila at siya din yung mayabang na nag sabi na "naglalandian" tanong ko sa sarili ko.

"Uy, patipat? Diba siya yung kanina?" turo ni yuan dun sa nauunang lalaki.

"Oo siya din yung kaklase natin" balik na sabi ko sa kanya.

Di nagtagal tumahimik na ang kanteen, pero di pa din nakaligtas yung masasamang tingin nila sa akin.

Nang matapos na kame sa pagkain agad na kameng bumalik ni yuan sa classroom namin.

Pagka upo na pag kaupo ko may napansin ako sa upuan ko. May sulat ang arm chair ko at medyo sira na.

"Hala! Sino may gawa nito?"  Sabi ko na lang sa sarili ko.

"Yuan tingnan mo upuan ko" sabi ko kay yuan.

"Hala ka patipat anong nangyari sa upuan mo? Sino may gawa niyan? nag aalalang tanong ni yuan sa akin.

"Ako bakit? May angal kayo? sigaw ng kung sino.

A/N: hi readers!😊 thankyou sa pag support at pag vote ng story ko. Mali man ang grammar pagpasensyahan nyo na.😂Wag nyo kakalimutan ivote ang story ko pagtapos niyo basahin okay?😘Labyouu all❤

I Love You GoodbyeWhere stories live. Discover now