Chapter 6: Film

11 2 0
                                    

Dahil nga sinabi ni Mrs. Garcia na gagawa kami ng film para sa Film Fest namin. Habang nag gagawa kami ng script para sa film namin bigla na lang ako nagutom kaya nag pasama ako kay Yuan.

"Yuan, nagugutom ako samahan mo naman ako" sabi ko.

" Ah sige saglit lang patipat tatapusin ko lang muna tong tatlong sentence" saad naman nya.

"Okay sige antayin na lang kita sa labas ah? bilisan mo" sabi ko at tuluyan ng lumabas

Habang inantay ko si yuan nilabas ko muna cellphone ko at nag laro. Di ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil sa nag text sakin.

from: 0930*******
" Hello miss beautiful, how are you?"

Gusto kong matuwa kase after 1week may nag text na din sakin. Kase naman bukod kay Yuan sila mommy at daddy at kuya lang naman nag tetext sakin. Pero paano ako matutuwa kung hindi ko naman kilala yung nag text sakin. At isa pa wala naman akong naalala na pinag bigyan ako ng number ko bukod sa mga friends ko.

to: 0930*******
" sino ka? saan mo nakuha number ko?"

from: 0930*******
"hindi na mahalaga kung saan ko nakuha ang mahalaga maha kita"

Wait? mahal? isa lang naman alam ko nag sasabi sakin na mahal ako. Nang magawi yung tingin ko sa tapat ng room namin nakita ko si Miguel na papalabas at nakangiti pa.

Bago pa man sya makalabas sa room namin hinarangan ko na sya at tinanong.

"Hoy unggoy! ikaw ba yung nag tetext sakin? ikaw lang naman nag sasabi sakin na mahal ako saan mo nakuha number ko?" inis kong sabi

"Wait what?me texted you? are you insane?" naguguluhan nyang tanong

"Wag mo 'kong ma english english dyan, sasapukin kita" sabi ko sa kanya.

"Teka lang miss, gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo. sabi nito sakin.

"Alam mo Mr. Buenaventura wala akong panahong makipag lokohan sayo. Kaibigan? kung gusto mo pala makipag kaibigan bakit mo ako palaging pinagtitripan? usal ko sa kanya.

"Hindi kita pinagtitripan okay? ang ganda mo kasi pag naiinis" nakakalokong sabi nya sabay kindat.

Bago pa man ako makipag away sa mukhang unggoy na 'to, tinawag na ako ni yuan.

Habang naglalakad kami sa hallway bat ang tahimik naman nitong katabi ko. Di man lang nag sasalita samantalang ako malapit na maubusan ng sasabihin.

"uy yuan, bat ang tahimik mo?" sabi ko sa kanya sabay tulak na mahina

"ay ano yon? may sinasabi ka?" naguguluhan nyang tanong

"Kaya naman pala, tulala ka ano ba yang iniisip mo?" tanong ko sa kanya.

"Iniisip ko lang kung tama ba na ilagay kita dun sa leading lady?alam kong hindi mo kakayanin yun" sabi nya sakin

I Love You GoodbyeWhere stories live. Discover now