CHAPTER TWO

1K 36 0
                                    

"LOLO, bukas na po ang alis ko," paalam ni Andie paglapit niya sa matanda.

Napangiti siya ng lumingon ito na malungkot ang ekspresyon ng mukha. Naroon na sila sa bakuran ng hapon na iyon.

"Gaano ka ba katagal doon sa Macau?" tanong nito na para bang may tampo sa boses nito.

Yumakap siya dito. "Isang buwan at kalahati lang naman po pagkatapos ng project namin ng boss ko. Deretso bakasyon na ako doon," paliwanag ni Andie.

"Hmp, ang tagal naman."

Natawa na naman si Andie dahil para itong bata na nagtatampo.

"Saglit lang po iyon promise! Pag-uwi ko, may pasalubong ka sa akin."

"Baka pagbalik mo, wala na ako. Sumunod na ako sa Lola mo."

"Hala siya, Lolo naman eh! Ikaw talaga, nagda-drama ka na naman! Malakas ka pa, di ba usapan natin one hundred years old ka pa susunod kay Lola?"

Nang mga sandaling iyon ay napangiti na ito.

"Maiba ako, Andrea. Ikaw ba ay wala pang nobyo?"

"Po? Wala pa!" sagot niya.

"Aba ay wala ka bang balak mag-asawa?"

"Lolo talaga, bakit minamadali mo ako?"

"Ay, hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang kasi makita ang magiging apo ko sa tuhod bago man lang ako lumisan sa mundo na 'to," anang abuelo.

"Ayan ka na naman eh, bakit lagi mo na lang bukambibig 'yan? Pero malay mo, Lolo. Doon sa pupuntahan ko, may makilala ako," sagot ni Andie.

"Basta ang mahalaga sa akin ay hindi ka lolokohin, mamahalin ka at hindi ka iiwan. Kahit anong lahi pa 'yan, basta huwag Hapon," sabi ni Lolo Julio.

Napakunot-noo si Andie.

"Naku, napasok na naman sa usapan 'yan mga Hapon."

"Wala akong tiwala sa kanila! Sasaktan ka lang nila!" galit na sabi nito.

Natawa na naman ang dalaga sa biglang pagpapalit ng mood nito.

"Oh? Nabanggit lang ang mga Hapon, nagalit ka na agad?"

"Ah basta! Kahit sino huwag lang sila," giit nito.

"Eh paano Lolo kung Japanese na mabait?"

"Huu kalokohan! Pare-pareho lang sila! Ikaw Andrea, tumigil ka diyan! Hindi ko 'yan tatanggapin kapag Hapon 'yan!"

"Joke lang po," tatawa-tawa pa rin na sagot niya.

Napakunot-noo si Andie ng mapansin na titig na titig sa kanya ang Lolo.

"Lo, bakit ganyan po kayo tumingin?" nagtatakang tanong ni Andie.

"Ikaw ha? Alam kong pareho kayo ni Makoy, mahilig manood ng mga Japanese cartoons na 'yan! Baka mamaya sa Japan talaga punta mo at hindi sa Macau," naghihinalang sabi nito.

"P-po? Hindi po, si Lolo talaga. Tamang hinala na naman," tanggi niya.

"Mabuti na 'yong nakakasiguro ako. Magagalit talaga ako sa'yo kapag nalaman ko pumunta ka doon sa Japan," sabi pa ng abuelo.

Binalot ng guilt sa dibdib si Andie. Kung puwede nga lang sabihin ang totoo. Kaya lang, kinailangan niyang itago iyon sa Lolo dahil una, para iyon sa trabaho niya. Pangalawa, buong buhay ni Andie ay pinangarap na niya ang makapunta sa Japan. Ngayon na dumating ng kusa sa kanya ang pagkakataon, hindi na hahayaan niya hahayaan mawala pa iyon. Bahala na, kung sakaling dumating ang panahon na malaman ni Lolo Julio ang totoo, magpapaliwanag na lang siya ng mabuti dito. Napalingon silang mag-Lolo ng lumabas ang Mama niya.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu