CHAPTER FIVE

1K 39 2
                                    

MODERN ang istilo ng dalawang-palapag na bahay ni Imee at ng asawa nitong si Hitoshi. Katamtaman lang ang laki ng kabuuan ng tahanan ng dalawa, pero maayos naman at maganda. Sa loob ay makikita ang mga tradisyunal na Japanese interiors.

"Pasok ka," yaya sa kanya ni Imee.

Tinulungan siya nito na magdala ng mga bagahe niya. Agad napangiti si Andie ng bumaba mula sa second floor si Hitoshi. Kitang-kita dito ang saya na makita siya.

"Hitoshi-san!"

"Andie-chan!"

Nag-bow siya sa paglapit nito.

"Konnichiwa!" bati niya sa lalaki.

"Watashinoie ni yokoso!" sabi ni Hitoshi.

"Welcome daw sa bahay namin!" pag-translate naman ni Imee.

"Arigatogozaimashita!" sagot niya.

"You're Japanese is good," ani Hitoshi habang natatawa.

"Not really, Imee just taught me few words," sagot niya.

"Feel at home, girl!" sabi pa sa kanya ni Imee.

"Salamat," aniya.

Pagdating nila sa living room, naamoy agad ni Andie ang masarap na amoy ng pagkain na nanggagaling sa kusina.

"Wow, ang bango naman no'n!"

"I'm so sure magugustuhan mo ang dinner mamaya. Nagpaluto pa kami sa favorite Chef namin," sabi ni Imee.

"Ay wow! Na-touch naman ako. Thank you, hindi ko akalain na ganito ka warm ang magiging welcome n'yo sa akin. Dapat pala bumili ako ng something para sa inyo," aniya.

"Naku, wala 'yon! Excited lang talaga kami dahil sa wakas ay nandito ka na!"

Biglang natigilan si Andie ng mula sa kusina ay lumabas si Reiji.

"Ikaw 'yong cook?"

Nagkibit-balikat ito saka ngumiti.

"Kaya pala sabi mo sa akin kagabi, hindi ka na makakasama sa paghatid sa airport sa mga kaibigan ko. Iyon pala may plano kayo," natatawang sabi ni Andie.

"Ang mabuti pa, iakyat na natin itong bagahe mo para makapagpahinga ka na rin muna habang hindi pa luto 'yung pagkain," anang pinsan niya.

"Sige, iwan ko muna kayo."

"I'll help you," prisinta ni Reiji saka mabilis na lumapit sa bagahe niya.

Pinagtulungan ni Hitoshi at Reiji ang dalawang bagahe niya. Bumaba agad ang asawa ng pinsan kaya naiwan sila doon. Pagpasok niya sa kuwarto na hinanda ng mag-asawa para sa kanya ay napangiti siya. Para kasing kuwarto iyon ng teenager na babae, kulay pink ang pintura ng dingding at halatang bago ang mga gamit sa loob.

"Maiwan muna kita, babalikan ko pa 'yung niluluto ko sa kusina," anang binata.

"Salamat."

Nang maiwan sa loob ng silid ay agad siyang lumapit sa bintana at binuksan iyon. Napangiti si Andie ng salubungin siya ng malamig at sariwang hangin. Nang mga sandaling iyon ay sobrang saya ang nararamdaman niya habang nakatanaw sa magandang view ng Tokyo. Nasa isang Village nakatayo ang tahanan ni Imee at Hitoshi na malapit lang sa isang park, kaya tanaw na tanaw ni Andie ang mga puno na iba't iba ang kulay ng Autumn leaves.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Where stories live. Discover now