CHAPTER THREE

1K 42 0
                                    

NAMILOG ang mga mata ni Andie ng makarating sila sa first stop ng Food Tour nila sa Tokyo, Japan. Ang Tsukiji Fish Market na kilala sa mga fresh seafoods na binebenta doon, at maging ang Street Foods. Bigla siyang napakapit kay Alona na abala rin sa kakalingon sa paligid.

"Beks, this is it!" sabi pa ni Alona.

"This is heaven, beks!" sagot ni Andie.

Huminto sa paglalakad si Erika saka humarap sa kanila.

"Shall we start working, girls?" nakangiting tanong.

"Oh, I love my job! Let's go!" bulalas niya.

Natawa ang dalawang kasama ni Andie maging si Reiji sa sagot niya. Pinasyal muna sila ni Reiji sa loob ng Fish Market. Namangha silang tatlo sa iba't ibang klase ng fresh seafoods na nakita nila. May mga kinausap si Reiji doon na mukhang kakilala nito.

"Ang dami mo palang kakilala dito?" tanong niya habang naglalakad sila.

"Sa kanila ako kumukuha ng mga seafoods na binebenta ko sa restaurant," sagot ni Reiji.

Tumatango-tango siya habang panay pa rin ang lingon niya sa paligid. Matapos pumasal sa loob ng market. Sa wakas ay dinala na sila ni Reiji sa parte ng Tsukiji Market kung saan matatagpuan ang street foods. Una nilang stop over ay ang vendor kung saan nagtitinda ng steamed oysters. Bumili silang apat ng tig-iisa, nang matikman ni Andie iyon. Bigla siyang natigilan pagkatapos ay tumitig kay Reiji. Napakunot-noo ito.

"Why? Hindi mo nagustuhan?"

Nagkunwari siyang naiiyak saka sinandal ang noo sa balikat ni Reiji.

"Ang sarap, nakakaiyak sa sarap!"

Nagtawanan na naman ang mga kasama niya. Habang panay ang kuha ng

picture ni Erika. Samantala kinuha naman niya ang phone at pinicturan din ang steamed oysters, pagkatapos ay nagtype sa memo sa kanyang cellphone.

"Ano 'yong sinulat mo?" tanong ni Reiji.

"'Yong mga information na isusulat ko sa article mamayang gabi."

"Marami pa tayong madadaanan na masarap na street foods diyan," sabi nito.

"Ready ako! Hindi ako nag-breakfast para maraming space ang tiyan ko," sagot niya, saka tinapik ang tiyan. Natawa na naman si Reiji.

"Na-miss ko ang pagka-witty mo."

"Ay oo, Reiji! Kaya masarap kasama 'yang si Andie eh! Palagi kang tatawa, 'yan ang babaeng pinanganak na umaapaw sa positive energy! Pero iyakin din naman, mababaw ang luha," sabad ni Alona.

"Wow, bentang-benta ko ah," aniya.

"Mabuti ng sa akin manggaling para humble ang dating, di ba?"

Siya naman ang natawa sa sagot ng kaibigan.

"I love that kind of people. Those who make me smile, parang ang gaan ng buhay kasi kapag mga kagaya mo ang kasama ko," sabi ni Reiji.

"Hayaan mo, habang nandito ako sa Japan. Pasasayahin ko buhay mo," biro pa niya.

"Being with you right now is more than enough, Andie. Isang malaking bonus 'yong makasama ka mahigit isang buwan," sabi ng binata.

Natigilan sa pagtawa si Andie sa narinig, paglingon niya kay Reiji ay titig na titig ito sa kanya. Hindi niya alam kung gaano katagal na silang nakatingin sa isa't isa, nakabawi lang siya ng tingin ng marinig na tumikhim si Erika.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Where stories live. Discover now