CHAPTER SIX

927 42 3
                                    

MATAPOS pumunta sa Ueno Park, dumeretso silang dalawa ni Reiji sa Tokyo Skytree. Doon ay nakita ni Andie kung gaano kaganda ang buong syudad sa gabi. Puno ng magagandang ilaw ang paligid.

"I don't believe this," sabi pa niya habang hindi maialis ang tingin magandang tanawin.

"Ang alin?" tanong ni Reiji, pagkatapos ay pumwesto ito sa bandang likod niya.

"Na nakikita ko lahat ito ng live! Iyon bang hindi na sa TV o sa anime?! Gosh, I really am in Tokyo Skytree!"

"Sinadya kong dalhin ka dito ng ganitong oras, because it's way better to come here at night time. Mas ma-appreciate mo ang view," sabi pa ng binata.

"Tokyo is really a gorgeous city," aniya.

"Just like you."

Bigla siyang lumingon saka mahinang siniko ito sa tiyan.

"You're saying nice things about me too much, Reiji! Stop it," natatawang sagot niya.

"Why? Ayaw mo bang maniwala?"

"Ayoko!"

Napailing na lang ito saka natawa.

"Bahala ka," anito.

"Reiji, gusto kong pumunta sa ibang lugar sa labas ng Tokyo," sabi niya.

"Okay, pero saan? Maraming magagandang lugar dito sa Japan," anang binata.

"Kahit saan, basta maganda."

"If that's the case, you want to come with me in my hometown?"

Muli siyang lumingon dito.

"Saan?"

"Sa Kyoto, my Mom lived there with my Grandma. Nasabi ko na sa'yo dati na marunong siya mag-tagalog, di ba? Mayroon din kami doon na maliit na resthouse. Pinaparentahan namin 'yon sa mga tourist," sagot niya.

"Sige, punta tayo doon!"

"I'll ask your cousin's permission first, baka sabihin ni Imee tinanan na kita!" biro pa nito.

Natawa si Andie matapos marinig ang salitang "tanan" kay Reiji.

"Paano mo natutunan 'yung salitang 'yon?"

"Sa Nanny ko, palagi niya kasi kinu-kwento sa akin noon na lumayas daw siya noon para sa sumama sa boyfriend niya. Tanan daw tawag doon," kuwento nito.

"You really amaze me. Kapag may ibang Filipino na nakarinig sa'yo, iisipin nilang may lahing Pinoy ka rin."

"It will be an honor. I already met a lot Filipinos, and I have other Filipino friends besides Imee. You are all nice," sagot nito.

"Thank you," aniya.

"Halika, umikot tayo dito," yaya nito sa kanya.

Naglalakad silang dalawa ng biglang mapahinto si Reiji, napansin niya ang isang babae na nakahinto rin sa di kalayuan at nakatingin sa binata. Pagtingin ulit niya kay Reiji ay biglang sumeryoso ang mukha nito. Hindi pa nakikita ni Andie si Aiko, pero ng mga sandaling iyon, malakas ang pakiramdam niya na ang babaeng ito ay ang dating nobya ng binata. Lumapit ang babae sa kanila at binati nito si Reiji, pagkatapos ay tumingin sa kanya.

The girl looks elegant and sophisticated. Mas maikli na ang buhok nito ngayon. Unang tingin pa lang ay alam na agad ni Andie na may sinabi sa buhay ito. She moves with class, at iba rin ang paraan ng tingin nito sa binata. Mayamaya ay nagsalita ang babae ng Japanese pagkatapos ay sumulyap sa kanya. Bumuntong-hininga si Reiji.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Where stories live. Discover now