CHAPTER SEVEN

941 38 0
                                    

KASAGSAGAN ng dami ng tao sa restaurant ni Reiji ng biglang dumating ang tatlong malapit na kaibigan niya. Mayamaya ay sumunod naman si Aiko. Dahil common friends nilang dalawa ang tatlo, kaya alang-alang sa pagkakaibigan ay saglit na sinantabi ni Reiji ang nakaraan nila ng dating nobya. Okay naman si Aiko sa mga naunang oras na nag-uusap at nagtatawanan silang lima. Kaya nagulat na lang siya ng bigla nitong yumapos sa braso niya at naging sweet ang pakikitungo sa kanya na para bang may relasyon sila. Ilalayo na sana ni Reiji ang babae ng bigla niyang makita si Andie. Susundan sana niya ang dalaga pero pinigilan siya ni Aiko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Aiko.

"Kailangan kong sundan si Andie!"

"Nandito ang mga kaibigan natin! Ngayon lang tayo nagkita-kita ulit! Iiwan mo sila dahil lang sa babaeng iyon?"

"Importante si Andie sa akin! Ayokong mamis-interpret niya ang nakita kanina!"

"So, what if she misinterprets it?"

Doon natigilan ang binata. Napakunot-noo siya.

"Umamin ka nga, sinandya mo bang maging sweet kanina dahil alam mong nakatingin siya?"

Hindi nakakibo si Aiko.

"You're unbelievable," inis na sabi niya.

"I won't apologize, if that's what you want me to do. Ginawa ko 'yon para iparating sa kanya na ipaglalaban kita at hindi ako basta papayag na makuha ka niya sa akin!" determinadong sagot ng babae.

"Walang inaagaw si Andie, Aiko. Nakalimutan mo na ba? O gusto mong ipaalala ko sa'yo? Ikaw ang tumalikod sa relasyon natin, sa akin! Ikaw ang umalis, wala ng tayo ng dumating si Andie sa buhay ko."

"Reiji!"

"Gaya ng sinabi ko sa'yo noong una pa lang na sinabi mong gusto na makipagbalikan. I honestly told you that I already like someone else," sabi niya.

Napatingin siya sa kamay ng hawakan iyon ni Aiko.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil galit ka sa akin, sa mga ginawa ko noon. Kaya nga nandito na ako, pumapayag na akong magpakasal sa'yo! Puwede na natin ituloy ang relasyon natin, Reiji!"

Binawi niya ang kamay mula sa babae.

"I'm sorry, Aiko. But you already missed your chance when you left me," walang gatol na sagot niya, saka bumalik sa loob ng restaurant.

Tinapos lang ni Reiji ang pakikipag-usap sa iba nilang mga kaibigan, bago umalis at sinundan si Andie sa bahay na tinutuluyan nito. Mula doon sa kotse at tanaw niya ang silid ng dalaga na bukas pa ang ilaw. Tinawagan niya ito.

"Let's talk, nandito ako sa tapat ng bahay n'yo," bungad niya pagsagot ni Andie.

"Sige, bababa ako."




DOON SA apartment ni Reiji sila pumunta. Nakaupo sila ngayon sa sofa habang tinitingnan ang mga laruan na nasa box pa. Ngunit hindi niya ma-appreciate iyon ngayon dahil nasa eksenang naabutan ang kanyang isip.

"So, are you back together?" tanong niya.

"No. Hindi ko na mahal si Aiko," sagot nito.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Where stories live. Discover now