CHAPTER EIGHT

916 43 2
                                    

NAGISING si Andie mula sa isang marahan pagkatok sa labas ng inookupahan na silid.

"Andie," narinig niyang tawag ni Reiji.

Nag-inat muna siya bago bumangon at halos nakapikit na binuksan ang pinto saka mabilis na tumalikod. Hihiga pa lang sana siya ulit ng yumakap sa beywang niya ang matipunong braso ng binata.

"Good morning," bulong nito sa tapat ng tenga niya.

Napangiti siya saka sinandal ang ulo sa balikat nito.

"Good morning, inaantok pa ako," sagot niya.

"Gusto mo gisingin kita?" bulong ulit nito.

Nakapikit pa rin na tumango siya. Naramdaman na lang ni Andie na hinawi nito ang buhok niya saka hinalikan siya sa leeg. Literal na nawala ang antok niya ng maramdaman ang kamay ni Reiji sa ilalim ng suot niyang blouse. Napamulagat siya ng di oras ng maalala na wala nga pala siyang suot na bra. Agad siyang lumayo sa nobyo saka tinakpan ang sarili. Sa inis niya ay tumawa si Reiji.

"What?" natatawang painosenteng tanong nito.

"Loko ka! Tsansing ka pa ah?"

Kumunot ang noo ni Reiji.

"What's tsansing?"

"Tse! Huwag ka nga magkunwari na hindi mo ako naiintindihan!"

Tumawa na naman ito.

"Seriously, I don't know that word. I just want to hold you," sagot nito.

Nang humakbang palapit sa kanya si Reiji ay niyakap siya nito. Napangiti si Andie saka gumanti ng yakap. Bahagya itong lumayo sa kanya at tumingin sa mukha niya. Nang akma siya hahalikan nito ay bigla niyang tinakpan ang bibig.

"Hindi pa ako nagtu-toothbrush," sabi niya.

Natawa si Reiji saka binaba ang kamay niya.

"The hell I care. I want to start my day by kissing you," sagot nito saka agad na sinakop ang labi niya.

Mabilis na tumugon si Andie sa halik ni Reiji. Hanggang sa naramdaman na lang niya na hiniga siya nito sa kama at nasa ibabaw niya ito. Mayamaya ay huminto ito pagkatapos ay muli siyang tinitigan sa mukha.

"You are so beautiful, Andrea," halos pabulong na sabi nito habang hinaplos ang buhok niya. Ngumiti siya dito. Nang muli siyang hahalikan nito ay pinigilan niya ito.

"Baka biglang kumatok ang Mommy mo," aniya.

"Busy siya, nasa ibaba 'yon."

"Kahit na!"

Bumuntong-hininga si Reiji saka tumayo.

"Sige na nga," anito.

"Mauna ka na sa baba. Mag-aayos lang ako."

"Okay."

Dumukwang pa ito sa kanya saka mabilis siyang hinalikan sa labi bago lumabas ng kuwarto niya.

Kung nakakamatay lang ang pagiging sobrang sweet at mapagmahal. Baka nalunod na si Andie. Daig pa niya ang teenager na first time na-in love. She already had a couple of relationship in the past, pero ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng saya. Parang sasabog ang puso niya sa kilig sa tuwing nilalambing siya ng husto ni Reiji. Nakahanda si Andie na kausapin ang kanyang Lolo, gagawin niya ang lahat tanggapin lang nito ang lalaking mahal.

Hanggang sa maputol ang pag-iisip niya sa tunog ng kanyang cellphone. Agad kinuha iyon ni Andie, napangiti siya ng makita ang message ng nakababatang kapatid na si Makoy sa chat. Sigurado na naman may naisip itong ipabili sa kanya. Simula kasi ng dumating siya doon sa Japan, panay ang send nito ng message sa kanya at nagbibilin ng pasalubong. Pag-open niya ng chatbox, biglang napalis ang ngiti niya sa nabasa.

Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love)Where stories live. Discover now