KABANATA 5

44.1K 966 129
                                    

KABANATA 5

Sonata

Napakuyom ako ng kamay habang pabalik ng condo unit ko matapos kong puntahan ang department ng building na ito para tignan ang record ng cctv nila.

"I'm sorry, Ma'am, pero may nag-break ng cctv sa floor niyo, kaya wala kaming record na nakuha kagabi."

Wala akong makuhang sagot sa lahat ng nangyari. Gusto kong malaman ang taong pinaglalaruan ako pero paano ko malalaman kung wala man lang kuha ng cctv kagabi.

Napahinto ako ng makalapit na ako sa condo ko. Napatingin ako bigla sa cctv na nakakabit sa room ni Hammer. Bigla ay mabilis akong lumapit sa tapat ng condo ni Hammer. Nag-doorbell ako ng maraming beses at ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. At niluwa no'n ay Hammer na nakaroba at halatang bagong ligo.

"Yes, Soul?"

Tumigil siya sa pagpunas ng buhok at ngumiti sa akin habang tinitignan ako ng mabuti. Mas lalong hindi ko siya mabasa.

"Pwedeng makita ang record ng cctv mo kagabi?" walang emosyon kong pakiusap.

Ngumiti siya at niluwagan ang bukas ng pinto tila sinesenyasan akong pumasok.

"Sure."

Kaya pumasok ako at agad na tumungo sa living room niya. Kinuha ko agad ang remote niya.

"Saan dito ang switch ng cctv mo?"

Napatingin ako sa kanya na nagtungo sa likod ko at napatingin ako sa kamay niya ng humawak siya sa baywang ko at sa kamay ko na hawak ang remote.

"Ito." bulong niya sa tenga ko.

Pinindot ko ang yellow button at tumingin sa t.v. Pinindot ko ang backward at tinignan mabuti ang record. Hininto ko ng makita ko ang pag-aaway pa namin ni Hammer sa harap ng pintuan ko. Tapos dinala niya ako sa condo niya. At ilang saglit nga ay lumabas ako mula sa condo at pumasok sa condo ko. Bigla akong naging maagap ng makita ko siyang pumunta sa labas ng pinto ng condo ko pero nang hindi niya mabuksan ang pinto ko ay umalis na siya.

Pero wala nang iba pang pumasok ng condo ko hanggang sa mag umaga na at si Abe nga lang ang huling pumasok.

Napaisip ako kung paano makakapasok ang lalakeng gumahasa sa akin.

"Are you satisfied?"

Napaidtad ako ng bumulong si Hammer at dalawang kamay na niya ang nakahawak sa baywang ko. Inalis ko ang kamay niya dahil naalibadbaran ako sa paghawak at pagdikit ng katawan niya sa akin.

"Thanks. I have to go."

Maglalakad na sana ako ngunit napahinto ako ng hapitin niya ako sa baywang. Napalingon ako sa kanya habang nakahawak sa braso niya para alisin.

"Since you are my girlfriend now, I want you to kiss me.."

Matalim na tinignan ko siya habang pilit na kumakawala.

"Let me go."

Ngumisi siya at hinarap niya ako sa kanya. Tinulak ko ang dibdib niya pero mas lalo lamang niya ako hinapit. Hinawakan niya ako ng mariin sa batok at malakas na binayo ko ang dibdib niya ng halikan niya ako.

"Hmmp!"

Bigla ay nakaramdam ako ng takot sa kinikilos niya. Parang gusto kong maiyak dahil naalala ko ang nangyaring pang rape sa akin na wala akong alam.

Huminto siya sa paghalik at tinignan ako na umiiyak. Tinulak ko siya pero ayaw pa rin niya ako bitawan.

"Let me go." mariin kong sabi.

Pinunasan niya ang luha ko, "Don't cry." aniya.

"I said let me go!" ulit ko.

Tinignan niya ako at napahawak ako sa balikat niya ng bigla niya akong pangkuin.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon