Kabanata 21

31.6K 749 118
                                    

Kabanata 21

Narrator

Isang napakalungkot na pangyayari ang nangyari kay Hammer at Sonata. Mula sa labas ng operating room ay nakatayo si Hammer sa labas habang nakaharap sa pader. Hindi n'ya kayang ipakita sa mga taong nasa paligid n'ya ang emosyon n'ya. Napahawak s'ya sa kuyom n'yang kamao na nanginginig pa habang kinakabahan sa bawat paglipas ng oras ng operasyon.

Gusto n'yang magwala dahil bilang isang doctor ay wala man lang s'yang magawa. Parang napakaduwag din n'ya dahil hindi man lang n'ya kayang operahan si Sonata.. Napasabunot s'ya ng buhok at napapikit sa sobrang pagkamunhi sa sarili.

Kita naman nila Leon kung gaano ka-miserable ngayon si Hammer. Naiintindihan n'ya ito ngayon lalo't kung s'ya rin ang nasa posisyon ni Hammer ay baka panghinaan din s'ya ng loob. Akala n'ya noon na walang pakialam si Hammer sa ibang tao basta magawa lamang nito ang gusto nito. Kahit nga kaibigan n'ya ito ay hindi naman n'ya mabasa ang iniisip nito. Nasaksihan na rin n'ya kung paano magpaiyak si Hammer ng mga babae. At kung paano ito magsalita ng maanghang na salita sa ibang tao.

Pero ngayon ay nalaman n'ya na ang kapatid lang pala n'ya ang may kayang kumontrol kay Hammer. Ngayon ay kita n'ya kung anu-anong emosyon ang nakikita n'ya ngayon kay Hammer.

"Senyorito.."

Napatingin s'ya sa kanyang ama ng tawagin nito si Hammer. Hindi lumingon si Hammer dahil nakadukdok ito sa pader habang kuyom ang mga kamay na nakalapat sa pader. Tumayo ang ama n'ya at nilapitan ito.

May nilabas na litrato si Martin at nilahad kay Hammer. Kopya iyon ng litrato mula pa noong nineteen years ago.

"Naaalala n'yo ba ito, Senyorito?" tanong ni Hammer.

Napatingin si Hammer sa larawan at kinuha n'ya iyon. Napahaplos s'ya sa larawan na matagal na panahon nang kinuhanan.. Nang ipa-imbestigahan n'ya noong mga nagdaang buwan si Sonata ay doon n'ya nalaman na ito ang nawawala n'yang first crush. Kaya nga hindi na n'ya muling hinayaan na umalis ito sa tabi n'ya dahil baka mawala na naman ito bigla.

Kahit na alam na n'ya noon pa ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi n'ya muna binalak na sabihin kela Martin. Dahil gusto n'yang masolo si Sonata at ma-protektahan ito laban kay Larry.

"This is the first time that she's smiling at me." aniya.

Tumango si Martin at hinawakan sa balikat si Hammer bago tinapik tila pinapalakas nito ang loob ni Hammer.

"Kung ano man ang mangyari ay wala kayong kasalanan. Kapalaran siguro ng diyos na mangyari ito. Alam ko na mauunawaan ni Lala ang bagay na iyon, kaya sana ay ganun din kayo."

Hindi n'ya alam kung kaya n'yang tanggapin ang sinabi ni Martin. Gusto n'yang pagtawanan ang sarili dahil siguro karma ito sa kanya. Noon ay nasabi n'ya kay Nicole na ipalaglag ang pinagbubuntis nito. Isang biro lang iyon pero hindi n'ya akalain na masama ang balik nito sa kanya.

Mas lalo s'yang nainis sa lahat ng nangyayari. Ayaw n'yang mawalan ng anak pero kung ganun ang nais n'ya ay si Sonata naman ang mawawala..

Napahawak s'ya sa dibdib at pinisil dahil pakiramdam n'ya ginuguhit sa sakit ang dibdib nya. Napasuntok sya sa pader dahilan kung bakit nagdugo muli ang sugat nya.

"Bakit ba nangyayari ito?!" sigaw nya at sinipa ang pader.

"Son.." ani ni Jam.

Agad na lumapit si Hera sa anak at hinagod ang likod nito.

"Anak, wag mo namang saktan ang sarili mo. Gusto mo bang ikaw naman ang magkasakit? Wag mo nang hilingin iyon, dahil paano mo maalagaan si Sonata pagkatapos ng operasyon?"

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon