Kabanata 7

42.4K 974 61
                                    

Kabanata 7

Sonata

Napakapit ako sa hawakan ng kabayo habang nakasakay sa unahan at nasa likod ko si Hammer.. Napahigpit ang kapit ko dahil ramdam ko ang katahimikan ni Hammer. May karapatan naman syang magalit sa akin. Napilay kasi ang alaga nyang kabayo na puti nang sumadsad ito sa lupa sa biglang pagsagip sa akin ni Hammer.

Huminto ang kabayong sinasakyan namin ng narito kami sa parteng tanaw ang kabundukan. Bumaba sya ng kabayo at tinignan ko sya na lumapit sa parteng ilog. Bumaba rin ako at huminga ng malalim bago tumabi sa kinatatayuan nya.

"I'm sorry. And thank you for saving me."

Natawa sya kaya napatingin ako sa kanya. Ngumisi sya at tumingin sa akin.

"Ngayon ka lang nagsalita ng malumanay."

Umirap ako at tumingin sa bundok. Nung bata pa ako ay kaya kong makisalamuha sa mga kaedaran ko noon pero mula nang mamatay si Mama ay pinagbawalan na ako ni Papa at ginawa ako ni Papa na unti-unting maging manhid. Hanggang makasanay ko na wag dumepende sa iba at makipaglapit dahil sabi ni Papa ay wala daw mapagkakatiwalaang tao sa mundo.

Naupo ako at humawak sa mga binti ko. Napansin ko ang pag-upo nya rin habang nakasandal ang mga kamay sa tuhod nya.

"I understand you, Soul."

Napatingin ako sa kanya at napamaang dahil sa sinabi nya.

"Nang una kitang makita ay nakita ko na agad ang sarili ko sa'yo. All people they thought that I am cold hearted, but I admit I am cold to others, but not to my family and friends. Iyon lang ang gusto kong ipakita sa iba para hindi ako maisahan. Kapag ganun ako ay pakiramdam ko ay walang makakasakit sa akin.."

Natigilan ako sa sinabi nya. Kagaya nya ay ganun ang iniisip ko. Na kaya ako malamig sa iba ay dahil ayokong makita ng iba na mahina ako at may makakasakit sa akin. Pero kahit na kagano pa ako kalakas tignan sa physical ay kaya naman saktan ng sarili kong ama ang kalooban ko.

"But I'm hurting right now.." napatingin muli ako sa kanya at nakatingin na sya sa akin ng malalim, "I'm hurting because the girl I love is not inlove with me."

Napaiwas ako ng tingin ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"But I have patient to you. I'm waiting until you realize that I am the only guy for you."

Natawa ako at umiling, "Hindi mo ako mahal dahil nasasaktan lang ang ego mo dahil baka ako palang ang babaeng tumanggi sa'yo."

"No, don't estimate my feelings." napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang baba ko at ipatingin nya ako sa kanya, "My heart is so possessive to you. My heart wants only you."

Tumitig sya sa akin at hindi ko maintindihan ang puso ko kung bakit bumibilis ito habang para akong nanlalambot sa titig nya. Lumapit ang mukha nya at natulala ako ng maramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa akin.

Napahawak ako sa balikat nya at napakapit ako sa suot nyang leather jacket dahil para akong nanghihina sa halik nya. Lumalalim ang paghalik nya at natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumugon sa halik nya.

Naramdaman ko ang damo ng mapahiga ako. Napayakap ako kay Hammer dahil para bang nawala ang atensyon namin sa paligid at ang tanging nangibabaw ang palitan namin ng halik.

Bumitaw si Hammer kaya unti-unti akong napadilat ng hindi ko namalayan na nakapikit na pala ako at dalang-dala sa halik nya. Habol ang hininga namin at napatingin ako sa kanya ng titigan nya ako habang nakangiti.

"I promise that I'll never leave you. I love you so much."

Napaiwas ako dahil ayoko sa lahat ang pinapangako na hindi ako iiwan. Lahat ng taong dating mahalaga sa akin ay iniwan ako. Si Mama at ang kaisa-isang kaibigan kong babae na hindi ko alam kung bakit biglang nawala ng walang paalam.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon