Kabanata 16

31.1K 736 42
                                    

Kabanata 16

Leon

"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa ama kong narito na naman.

"Leon, kilala mo ba si Sonata Winston?"

Napakuno't noo ako dahil sa sinabi nya. Bakit nya kilala iyon?

"Oo, syota ni Hammer.." tumingin ako sa files na binabasa kong pinasa ng secretary ko. Wala akong oras sa matandang ito.

"Anak, posible kaya sya si Lala.."

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Napakuyom ako ng kamay at masama syang tinignan.

"Ano bang pinagsasabi nyo? Kung gumagawa lang kayo ng kwento para makalapit sa akin ay makakaalis na kayo.. Pati si Lala--"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ng sumingit sya dahilan para matigil ako.

"Dahil ang alam ko na ginagamit ni Larry na apelyido ay Winson. Hindi ako pwedeng magkamali."

Sumandal ako sa kinauupuan kong recliner at tinignan ko sya ng seryoso.

"Tingin nyo ay may basehan ang haka-haka nyo? Malay nyo magkaapelyido lang sila ng tarantad*ng Larry iyon."

Lumakad sya palapit at may nilapag ito sa desk ko. Kaya kinuha ko iyon. Mga litrato ni Sonata at litrato ng isang babae pa.

"Ano namang ibig sabihin nito?" bagok kong tanong at binitawan ang litrato.

"Tignan mo maigi ang mga larawan." bagok na kinuha ko muli ang mga larawan at tinignan isa-sa. Natigilan ako ng makita ang larawan ni Larry na may kasamang isang batang babae, "Yung nag-iisang larawan ng bata ay si Sonata. At yung larawan ni Larry na may kasamang bata, tignan mo kung si Sonata."

Hindi si Sonata ang bata na kasama ni Larry habang kitang-kita si Larry na masayang kasama ang bata habang may hawak na baril ang bata.

"Yung batang kasama ni Larry ay ang tunay nyang anak kay Rebecca. At si Sonata.."

Hindi ko na sya pinatapos dahil napatayo ako habang nakatingin sa ama ko.

"I-Ibig sabihin ay si Sonata si Lala." bulalas ko.

Ngumiti sya, "Hindi pa sigurado pero kailangan natin na ipa-dna test sya. Ngunit hindi ko alam kung papaano dahil laging nasa tabi ni Sonata ang Senyorito."

Hindi ko mapigilan ang panginginig ko at tuwa. Niluwagan ko ang kurbata na suot ko at muling naupo bago napatingin sa ama ko. Sa muling pagkakataon ay pinasaya nya ako. Akala ko ay wala syang pakialam kay Lala. Pero gumagawa pala sya ng paraan at naunahan pa nya ang private investigator ko.

"Ako nang bahala na kumuha ng dna sample ni Sonata.. Sa ngayon ay kailangan muna nating mag ingat dahil hindi natin alam kung kelan muli manggugulo si Larry."

"Alam ko na hindi pababayaan ni Senyorito si Sonata kaya panatag ako patungkol d'yan. Pero ang inaalala ko ay baka hindi na tayo tanggapin pa ni Sonata."

Nang gabing makilala ko si Sonata bilang girlfriend ni Hammer ay nakita ko na sobrang lamig ng expression nya at para bang kumikilos sya na parang isang robbot. Pero kapag nakakausap ko sya ay alam kong mabait si Sonata.

Napakuyom ako ng kamay dahil tila merong ginawa si Larry kay Sonata kaya ganun ito. Oras na malaman ko ang ginawa ni Larry ay hindi ako titigil hangga't mahanap sya at mapatay. Hay*p sya! Ilang taon nawala sa amin si Lala. At dahil sa kanya kaya nawala si Mama. Pagsisisihan nya ang lahat ng ginawa nya. Sisiguraduhin ko iyon.

-

"Sir, heto ang na-imbestigahan naming patungkol kay Miss Soul Kingston o mas tamang sabihin ay Miss Sonata Winson."

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon