Wakas

74.8K 1.5K 234
                                    

Wakas

Narrator's POV

LAHAT ay masaya sa pagdalo sa kasal ng isang sikat at respetadong doctor na si Hammer. Lahat ng malapit sa kanila ay imbitado. Nagharap ang dalawa, si Hammer at Lala para tuldukan ang kasal.

Napangiti naman si Lala habang hindi mapigilan ang saya na kanina ay puno ng kaba ang pakiramdam niya. Inalis ng napakagwapong lalakeng nasa kanyang harapan na ngayon ay asawa na niya ang belo sa kanyang mukha.

"You're so beautiful, Babe."

Sa wakas ay nasunod na ang gusto ni Hammer. Ang matali sa kanya ang babaeng simula palang pagkabata ay kanya nang ninanais. Iba ang pagkahumaling at pagmamahal niya kay Lala. Iyong tipong hindi parin siya mapalagay na baka mawala na naman ito sa kanya. Pero ngayon ay sagradong isasalin na sa pangalan nito ang kanyang apelyido kaya kampante na siya na hindi na ito makakaalis pa sa kanya..

"I love you so much.." hinaplos ni Lala ang mukha ni Hammer habang unti-unti itong lumapit. Naglapat ang kanilang labi at napuno ng palakpakan ang simbahan. Napangiti sa isa't-isa ang dalawa habang puno ng pagmamahalan na humalik sa isa't-isa.

"Kainggit naman." hindi maitatanggi na natutuwa si Aliyah sa kasalan ng tinuring na niyang kaibigan. Masaya siya't makita na mahal na mahal talaga ni Hammer si Lala. Napatingin siya sa kabilang upuan kung saan naroon ang mga inabay na kalalakihan. Hindi na siya nakatanggi ng gawing brides maid siya ni Lala, ang kaso ay i-partner ba naman siya sa kinaiinis niya na si Theo. Alam niya na plinano ng dalawang kinasal iyon. Ambang titingin sa kanya si Theo ay agad siyang umiwas ng tingin. Inaamin niya na may bitterness parin siyang nararamdaman tungkol sa paghihiwalay nila na matagal na ring nakalipas pero dahil sa palagi niyang nakikita ito ngayon ay hindi niya alam kung paano iiwasan ito at kung paano niya patutunguhan ito. Pinapakita niya lang na wala siyang pakialam kapag nasa paligid ito pero ang totoo ay pakiramdam niya ang lahat ng sakit at pagmamahal nya dito ay namumbalik. Hindi naman niya alam kung ano parin ang feelings nito para sa kanya pero ayaw na niyang umasa dahil baka masaktan lang muli siya.

-

MATAPOS ang kasal sa simbahan ay ang lahat ay tumuloy sa reception sa JARA, hotel na hawak ni Jace Harvey Esteban. Masaya naman na sakay ng kotse sina Hammer at Lala habang magkahawak ang kamay.

"I'm happy that you are mine now, babe. Wala ka nang kawala sa akin." hinalikan ni Hammer ng kamay ni Lala habang nagmamaneho siya.

"Kahit naman hindi tayo ikasal ay hindi mo parin naman ako pakakawalan, 'di ba?"

Ngumisi si Hammer, "Gumagaling ka na sa pagbasa sa akin, Babe."

Ngumiti naman si Lala at napailing. Naliwanagan siya na hindi porket nangyayari sa iba ang hiwalayan ay mangyayari din sa kanila. At naliwanagan din siya na mahalaga sa diyos na dapat kasal ang gustong mag pamilya. Hindi man siya maka-diyos pero gusto niyang sumunod sa utos nito. Lalo't nakita naman niya sa pamilya ni Hammer kung gaano rin tumatagal ang relasyon. Tulad nang lolo't lola nito na kahit magkalayo man ng edad ay hanggang ngayon magkasama parin at patuloy na nagmamahalan. Ganun din sa magulang ni Hammer na kita niya na mahal na mahal parin ng mga ito ang isa't-isa. At nakausap niya ang dad niya at sinabi nito na kahit wala na ang Mama niya ay mahal parin nito iyon at hindi na daw ito humanap ng iba dahil para rito ay nag-iisa lang ang Mama niya.

Nagkaroon siya ng inspirasyon sa mga taong nasa paligid nila. At kung hindi naman sila ni Hammer talaga, edi sana hindi na sila muli pinagtagpo ng kapalaran. Isang senyales lang na nagkahiwalay sila noon pero nagkabalikan muli.

Pagdating sa reception ay binuhat siya ni Hammer na pa-bridal style paalis sa sasakyan. Napangiti siya na humawak sa leeg nito. Agad na may nagtapon sa kanila ng mga bulaklak pagkapasok palang nila.

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon