Kabanata 15

32.7K 749 50
                                    

Kabanata 15


Sonata

Hindi mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Martin Hidalgo na kahawig ko ang nawawala nyang anak. Kaya hindi rin tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi pagkauwi namin.

Bumaling ako kay Hammer na sarap na sarap parin sa pagtulog. Bumaling ako ng higa patagilid para makaharap sya ng tuluyan. Tinignan ko sya at kahit saan mo anggulo sya tignan ay napakakisig nya. Natigil lang ako ng dumilat sya at tinignan ako.

"Pinagnanasahan mo ako kahit tulog, ha."

Bigla namang nag-init ang ulo ko.

"Hindi. Pinagpaplanuhan ko kung paano kita ililibing ng buhay."

Bumangon na ako habang sya ay tumawa ng mapang-asar.

"Hindi ka na mabiro, Babe." aniya at bumangon rin bago ako yakapin at halikan sa pisngi.

"Bitawan mo nga ako, magbabanyo ako."

"Samahan na kita." aniya.

"Hindi na. Ipagtimpla mo na ako ng gatas."

Umalis na ako ng kama ng maalis ko ang yakap nya. Inayos ko ang suot kong silk night dress dahil makitaan pa ako ng manyak na si Hammer.

Hindi na nga ako ang nasusunod sa mga naisusuot ko. Dahil pati sa suot ko ay pinakialaman na nya. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang pagbabago ni Hammer na mas nakakaasar. Pero naisip ko na baka masyado lang talaga syang over protective sa pinagbubuntis ko. Masaya ako na makitang ganyan na si Hammer sa magiging anak namin. At least alam kong aalagaan nya ng mabuti.

Nang magawa ko ang morning ritual ko ay nagtungo ako sa walking closet para magpalit ng damit. Napansin ko na wala na pala akong masyadong isusuot para bukas.

"Hammer, may pasok ka ba sa hospital ngayon?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya na nakaupo sa sofa habang humihigop ng kape.

"Yes, why?"

Napahinga ako ng malalim dahil kailangan kong maglaba ngayon. Kahit na pinapalaba ni Hammer sa laundry department ang mga damit nya ay hindi ko hinahayaan na iba naman ang maglaba nang sa akin.

"Wala.."

Kinuha ko ang gatas at ininom. May healthy bread din na ginawa nya kaya kumuha ako at kumagat.

"Wag kang mag-alala, uuwi din agad ako. Sasaglit lang ako sa hospital." aniya kaya tumingin ako sa kanya.

"Wag na.. Hindi ba nakakasira sa hospital nyo ang palagi mong pagliban at sandali na pananatili lamang sa trabaho mo?"

Ngumiti sya at binaba ang tasa ng kape bago sya umusog palapit sa akin at dumikit na naman.

"Ako ang director kaya kahit na lumiban ako o sandali lang doon ay kaya kong patakbuhin ang hospital kahit nasa bahay ako. Tsaka alam naman ni Lolo na buntis ka kaya walang kaso iyon."

"Ano namang kinalaman ng pinagbubuntis ko? Tsaka hindi pa naman ako masyadong hirap."

Hinaplos nya ang tiyan ko at hinalikan nya ang expose kong balikat.

"Babe, maigi nang parati akong nasa tabi mo. Kesa naman wala ako kapag oras na may mangyari sa'yo? Naturingan pa naman akong doctor tapos hindi naman kita kayang alagaan."

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Sumaya ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya na nasa tiyan ko.

"Salamat."

Ngumiti sya at hinawakan nya rin ang kamay ko kaya magkasiklop ang kamay namin.

"Hindi ko alam pero kinakabahan ako tuwing magpapasalamat ka."

The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon