Chapter 01

37 4 0
                                    

Ang aga-aga naman ang ingay ingay. Palagi na lang bang ganto sa tuwing umaga pag gigising ako lagi na lang silang nag aaway ni papa.

So kamusta naman ako, walang pake sa mga nangyayari sa bahay.

Makapag asikaso na nga lang papasok pa ko mamaya.

"Ma! Pa! Di pa po ba kayo tapos mag away kakain ako kaya ayaw kong may maingay."
Pagkasabi ko nun tumigil silang dalawa.

Walang palag eh. Kaliit liit na bagay lagi na lang nilang pinag aawayan. Tsaka maya maya mag babati na rin yang dalawang yan. Maingay lang talaga silang dalawa sa umaga.

Kumain na ko at naligo na rin mag iisang buwan nung pumapasok ako.

Natapos na rin ako sa pagaayos at nag paalam na sa kanilang dalawa.

"Ma! Pa! Papasok na ho ako! Baka mag away nanaman kayong dalawa baka pag uwe ko nag aaway din kayo." Sabi ko sa kanila saka hinalikan sila sa pisngi.

Hindi ko na silang hinintay na magsalita at baka nag aantay na sakin yung mga kaibigan kong ulupong.

"Aj! Ang tagal mo namang dumating kanina ka pa namin inaantay ni Kendyl dito!" Si Brigette.

"Aray ko naman baka mabasag ear drums ko niyan ang lapit mo teh Sakin di mo na kailangan pang isigaw!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Tama na nga 'yan kailangan na nating pumasok mamaya sabihin nanaman ni Fernandez nag kacutting tayo." Usal ni kendyl.

"Wow! Maka Fernandez ka nga naman oh teacher natin yun teh! Kahit ganun satin yun galangin mo pa rin yun!" Si Brigette.

"Tara na nga! ang daldal niyong dalawa mas lalo tayong malelate niyan eh!" Sabi ko sa kanila.

Lagi kasi kami pinagiinitan ng ulo nun ni ma'am Fernandez eh kaya ganun na lang hindi galangin ni kendyl yun eh pinaglilihian siguro kaming tatlo. Hehehe sa tanda niyang yun naglilihi.

"Hoy! Mga babaita! Ano tutunganga na lang kayo diyan! Kahit kelan talaga kayong tatlo kayo pasaway kayo." Si ma'am Fernandez.

"Opo ma'am papasok na po inantay lang namin si Aj." Aba't ako pa talaga sinisi.
Yari ka sakin kang Brigette ka ikaw ah namumuro ka na sakin ah sabi ko sa isip ko.

Pumasok na kami at halos ng mga kaklase namin samin nakatingin.

Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan mag kakalayo kasi kami nang upuan.

Nag umpisa ng mag turo si ma'am at lumipas na rin ang oras nakatapos na kami ng tatlong subject. At break time na.

"Uyy Aj! Tara baba tayo gutom na ko eh." Si kendyl. Bumaba na kami at bumili na nang mga kakainin namin.

Maya maya biglang lumayo samin si Brigette pumunta roon sa may nakapaskil.

"Uyy Aj! Sali ka na tignan mo oh may singing contest bawat section kailangan may representative." Si brigette

"Oo nga ang ganda ganda ng boses mo! Sasabihin ko kay Sir ikaw na lang ang sumali sa section natin." Prisinta ni kendyl

"Ano ba kayong dalawa alam niyo namang hindi ako mahilig sumali sa mga ganyang contest okay na sakin yung pumapasok araw araw at nakikinig ako sa mga lessons!" Giit ko sa kanila

"Bakit ba ayaw mo sayang yung talent mo saka may plus grade naman yan eh!" Si kendyl

"Oo nga Aj sayang yung talent mo tsaka maganda ka pa!" Si Brigette

"Sige maya na lang pag isipan ko pa." Sabay alis dun, di ko na sila inantay pa at pumunta sa tahimik na lugar.

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now