Chapter 06

11 3 0
                                    

"Uy Aj saan ka galing?" Tanong ni Brigette "Diyan lang sa tabi-tabi." Sagot ko naman
Di na nila 'ko tinanong pa dahil andiyan na yung kasunod na teacher.

Biglang naghiyawan yung mga kaklase ko eh sa tuwing mag tuturo kasi 'tong teacher namin sa AP laging inaasar ng mga classmate ko. Ewan ko ba diyan sa mga 'yan kung anong dahilan nila kung bakit nila ginaganyan 'yan si Sir.

Minsan nga naawa din ako minsan naman naasar din natawa tuloy ako sa naisip ko. HAHAHA tatlong tawa para sa naisip ko.

Nagulat ako nang biglang lumabas si Sir Gualvez at tumahimik naman ang mga kaklase ko nung lumabas si Sir at nag ingay ule.

Di ko na pinansin kung ano pa ang ineemote ni Sir oh bakit siya nag walk out.
Tutal wala namang teacher sinubukan ko munang umiplip sandali medyo ang hapdi kasi nang mga mata ko.

"Ms.Eva! Ms.Eva!" Nagising ako sa pagtawag sakin "Makagising naman kasi eh wagas kitang natutulog yung tao eh!" sigaw ko sa gumigising sakin.

"Kung ganon go to the guidance office now!" Sigaw sakin napabalikwas ako nang tayo, ano daw guidance office pagkatayo ko nakita ko si ma'am Fernandez nakatayo sa harap ko habang nakahawak sa magkabilang beywang niya at galit na galit na nakatingin sakin.

Naiimagine niyo ba itsura niya naka puson ang buhok na nakahawak sa magkabilang beywang niya na may suot na salamin habang galit na galit na nakatingin sakin.

"Ano Ms.Eva! Titigan mo na lang ba'ko diyan?" Galit na talagang tanong niya.
Kaya di nako nag paligoy ligoy pa at tumayo na deretso sa guidance.

Nandito ako ngayon sa harap ng pinto ng guidance. Ano naman gagawin ko dito? Tanong ko sa sarili ko.

Biglang bumukas yung pinto kaya tinignan ko kung sino yung nagbukas nang pinto.
Lumabas ang matandang babae na maikli ang buhok pero ang ganda niya kahit na matanda na siya.

"Ahm anak may kailangan ka ba?" tanong sakin nung matandang babae na parang in charge ata dito sa guidance. "Ah pinapunta po ako dito ni ma'am Fernandez dito nakatulog po kasi ako eh." sagot ko naman

"Kung ganon pumasok ka na dito, kayo talagang mga bata kayo oh ang laki laki niyo na nagpapasaway pa kayo." pinakinggan ko lang yung sinabi nang matanda saka isapa di naman ako nag papasaway ngayon lang pati ako na guidance.

Tumuloy na 'ko sa pag pasok at umupo na ko sa may kabilang upuan may nakaupo kasi saka di ko nakita kasi nakatalikod siya parang may sinusulat.

"Maupo ka anak." Sabi nung babaeng matanda "ahm sige po." Umupo nako at may inabot saking notebook at ballpen.

Ano namang gagawin ko dito? Tanong ko sa sarili ko. First time ko lang ma guidance kaya wala akong alam kung anong gagawin dito.

"Ahm iha titigan mo na lang ba 'yang notebook at ballpen sa harap mo?" Sabi sakin nung matandang babae. "Ah eh ano po bang gagawin?" Medyo nahihiya kong tanong.

"Isusulat mo diyan yung mga kalokohan mong ginawa." Sabat naman nung lalaking nasa harapan ko naka sideview kasi kaya di ko makita eh.

"Teka nga anong kalokohan ang sinasabi mo diyan saka di ako loko lokong estudyante ah! Baka ikaw loko loko?!" Depensa ko naman.

"Kung ganon ba't ka nandito?" Tanong sakin nung lalaki sabay harap sakin.

Wait parang nakita ko siya kani kanina lang. Teka san ko nga ba siya nakita?
Ah ayun na alala ko na.

"Boy yabang na magaling mag gitara ikaw ba 'yan?" Tanong ko na parang gulat pa.

"Eh ano naman sayo?" Tanong niya naman Ang yabang niya talaga kahit kelan.

"Sa likod pala nang maamo mong mukha loko loko ka pa lang Boy yabang ka ah!" Natatawang sabi ko sa kanya.

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now