Chapter 03

13 3 0
                                    

Lumipas ang mga oras, minuto, at Segundo ay uwian na. Inayos ko na ang mga gamit ko dahil uwing uwi na ko.

"Aj mauna na kami ni kendyl may dadaanan pa kasi kami eh." Si Brigette

"Ah ganun ba, sige ingat kayong dalawa 'wag pumunta kung saan saan." Payo ko sa kanila.

"Teka san ba kayo pupunta? Delikado pa naman mga babae kayo alam niyo namang mga rapist diyan sa paligid." Paliwanag ko sa kanila.

"Diyan lang may imimeet lang kami." Si Brigette.

"Saang diyan maraming diyan 'wag niyo nga kong lokohin san kayo pupunta parang di ko kayo mga kaibigan eh." Sabi ko.

"Diyan sa may Park malapit dito sa school doon lang naman kami, saka 'wag kang mag alala mag iingat naman kami."

"Oh sige na mag ingat kayo ah uwing uwi na ko eh gusto ko na munang matulog pag ka uwe ko sa bahay." Sagot ko sa kanila.

Umalis na kami sa school at pumunta na yung dalawang ulupong na yun.
Nakarating na ko sa bahay himala wala akong narinig na nag aaway. Buti naman sinunod nila yung sinabi ko.

Ewan ko ba dito sa mga magulang ko kaliit na bagay pag aawayan na kagad.
Di na ko kumain ng hapunan at dumeretso na sa kwarto at nahiga na kagad ako at hindi na naisipang mag half bath di na rin ako nakapag hubad ng uniform ko.

--

Kinabukasan...

Oh himala talaga wala akong narinig na away nila mama at papa. Bumaba na ko para mag almusal. Napatingin ako sa suot ko naka uniporme pa rin pala ako.
Pagkababa ko nakita kong nag aalmusal na si mama at papa.

"Oh himala di kayo maingay dalawa, tuwing umaga kasi almusal niyo sigawan eh."

Di pa rin sila umiimik na dalawa kaya di ko na mapigilang mag tanong. "anong meron ba't ang tahimik niyong dalawa?" Tanong ko.

"Wala lang anak naisil lang namin nang papa mo nanakakahiya nga yun para sayo na lagi na lang kaming nag aaway kahit kaliit na bagay lang kaya napag isipan namin nang papa mo na 'wag ng pag awayan yun." sagot ni mama.

"Yan! Dapat matagal niyo nang ginawa yang dalawa eh." Sabi ko naman sa kina mama at papa. 'Wag niyong mamasamain yung pag sigaw ko sa kanilang dalawa ah alam naman nila na ganito ako sa kanila saka mahal na mahal ko 'yang mga 'yan kahit na maingay sila may araw lang talaga na nakakarindi sila kaya di ko na mapigilang sigawan sila.

"Ah Alexis anak di ka pa ba tapos mag almusal baka malate ka niyan saka na ka uniform ka na?" Tanong ni mama

"Hindi ma maliligo pa ko di ako nag palit ng suot ko kagabi inantok na ko di na nga ko kumain eh." paliwanag ko sa kanila
"Sige po maliligo na ko."

Tumayo na ko at pumunta na sa Cr para maligo. Maya maya pa ay natapos na rin ako maligo at bumaba na para pumasok.

"Ma, Pa alis na ho ako tuparin niyo yung sinabi niyo na di na kayo mag aaway ah!" Sabi ko sa kanila sabay halik sa pisngi nilang dalawa.

"Oh sige anak mag ingat ka ah ipagluluto kita ng masarap na ulam mamaya." Si mama.

Pumara na ko ng tricycle para matungo ang skwelahan namin tutal medyo malapit lang naman. Nag lalakad kasi ako minsan pag pumapasok ako eh ngayon medyo mainit kaya nakakatamad talaga mag lakad.

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now