Chapter 10

11 3 1
                                    

Pag pasok ko sa room nakita kong walang tao sa room. San kaya pumunta yung mga 'yun tanong ko sa sarili ko. Pati yung mga ulupong wala din.

"Grabe ang pogi talaga nila lalo na yung matangkad sa lahat grabe di ko maimagine I want to marry him!" Kinikilig na sabi nung classmate ko habang pumapasok sa room.

"Uy Aj 'san ka galing di mo tuloy nakita yung mga hot guy grabe ang gwapo nila!" Kinikilig ding sabi ni Brigette. "Ano naman kung di ko sila nakita mamatay ba ko pag di ko sila nakita." Tugon ko naman. "Baka nga pag nakita mo sila mamatay ka talaga eh." Si kendyl naman.

Di ko na sila pinansin pa dahil nandiyan na si Sir Gualvez Mapeh time na.

"Ms. Eva magpractice practice ka na para sa contest at maghanda ka na rin ng kakantahin mo." Sabi ni Sir sakin. "Okay sir." Sagot ko naman.

Tamang tama makakapag practice ako habang tumatambay kasama si Boy yabang, siya na lang kaya kunin kong minus one? Tama siya na lang. Natuwa naman ako sa naisip ko.

Ang bilis ata nang oras at nag uwian na. Pero maganda na rin yun uwing uwi na ko eh. "Mga ulupong mauna na ko sa inyo natatae na'ko eh." Pag sisinungaling ko at kunyari hawak hawak ang tiyan sa sakit.
"Ah ganun ba sige sasabay pala samin si Alyanna paguwe." Sabi naman nila. "Sige ingat kayo. Bye!" Nagmamadali kong paalam.

Nakarating na ko sa bahay at nakita kong nanonood si mama ng balita. "Ma nandito na ko ano ulam natin?" Tanong ko "Wala pa anak nakalimutan kong wala na palang ulam diyan sa ref." Sagot naman ni mama.

Pumunta akong kusina kung anong pwedeng maulam. Nakita ko yung bagoong isda. Kinuha ko yun at naglagay sa platito nag tingin din ako ng kalamansi at sili para masarap. Kumain na ko at ang sarap na kakamay pa ko sa gutom ko.

"Oh ano 'yang ulam mo?" Tanong ni mama "Bagoong isda na may kalamansi na may sili, kain ka na ma masarap 'to." Alok ko naman. "'Wag ka magpasobra maalat 'yan baka mag ka sakit ka niyan." Sabi naman ni mama. Di ko na siya pinansin pa at nag tuloy tuloy na lang ako sa pagkain.

Natapos akong kumain dumeretso na ko sa kwarto at nagligo na rin baka nangamoy bagoong ako. Pagkatapos kong maligo nag isip ako ng pwedeng kantahin pag nag contest na. Wala kong maisip kaya natulog na lang ako.

Kinabukasan nakita kong wala si mama baka namili. Naligo na ko di na ko nag almusal. Umalis na ko sa bahay at pumara na ng tricycle may nakasakay na isa sa loob kaya sa loob na lang ako sasakay ayaw ko sa backride baka malaglag ako eh naalala ko nung elementary ako sa backride ako naupo sa service ko nun eh bigla akong napabitaw sa hawak sa bakal 'yun boom nahulog ako. Kaya ayaw ko sa likod eh kahit na malaki na ko.

Sumakay na ko sa loob lalaki pala yung nandito. Ang bango naman nito sideview palang ang pogi rin. Di ko na siya tinignan pa mamaya sabihin niya pinag papantasiyahan ko siya.

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now