Chapter 05

15 3 0
                                    

"Ah kung jhade na lang kaya itawag ko sayo." Medyo na kangiting sabi niya.

"Bahala ka." Sagot ko naman.

"Sige Jhade na lang, friends?" Tanong niya naman sakin.

"Ah sige friends." Tapos nag shake hands ule kami.

"Anong year ka na pala?" Tanong niya naman.

"Fourth year na ko." Sagot ko naman.

"Ah kung ganon mag ka same level lang pala tayo." Masayang sabi niya.

"Ah sige magkita tayo mamaya pag uwian para naman makilala kita." Sabi niya.

"Ah okay sige sama ko na lang yung dalawa kong kaibigang ulupong." Sagot ko naman.

"Ulupong?" Medyo taka niyang tanong.

"Ah wala yung ganun lang talaga tawag ko sa kanila pero mga kabigan ko yung mga yun mga tunay na kaibigan." Sagot ko naman.

"Ah kung ganon pakilala mo naman sakin yung mga kaibigan mo." Suhestiyon niya naman.

"Ok sige mamayang uwian."

Umalis na siya at naupo na'ko sa lagi kong pwesto. Parang napagod ako sa pag uusap naminv dalawa ni alyanna ang ganda niya naman pero ibreak siya nang boyfriend niya saka ang perfect niyang tignan ang hirap ipaliwanag basta ang ganda niya.
Teka ano ba 'tong iniisip ko na titibo na ata ako. Sabay tawa sa sarili kong naisip.
May tumutugtog nanaman kaya hindi ko na mapigilan silipin. Nakita ko yung lalakeng tumutugtog.

Teka lagi ba siya dito tumatambay? Tanong ko sa sarili ko. Nag umpisa na siyang tumugtog napapansin ko hindi niya sinasabayan kumanta.
Kaya naman sinabayan ko nang pag kanta ko yung tugtog niya.
Now playing kahit ayaw mo na.

Kahit ikaw ay magalit
sa'yo lang lalapit
Sa'yo lang aawit.
Kahit na ikaw ay nag bago na
Iibigin pa rin kita
Kahit ayaw mo na
Tatakbo, tatalon, sisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat nang ito oh~
Oh bakit ba kailangan pang umalis
Paki usap lang na 'wag ka nang lumihis
Tayo'y mag usap teka lang ika'y huminto
'Wag mo kong iwan aayusin natin 'to
'Daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag isipan mo ba ah~

Biglang tumigil yung pag tugtog nung gitara kaya napatigil din ako sa pagkanta.
Sisilip sana ako kaso may biglang nagsalita.

"Nice voice." Sabi nang isang lalaki na ngayon nasa harap ko na.

"H-ha?" Maang maangan kong sagot.

"Ganda nang boses mo pwede kang sumali sa contest." papuri niya na may kasamang suggest.

"Ha? Oo sasali nga ko kaso di ko pa alam kung kelan yung date nang contest." Sagot ko naman.

"Mabuti kung ganun may talent ka pa naman sa pagkanta." Sabi ulet nang lalaking nasa harap ko.

Napansin kong may hawak siyang gitara kaya 'di ko na mapigilan mag tanong.

"Ahm excuse me.. Ikaw ba yung nag gigitara kanina dito?" Tinanong ko na di ko mapigilan eh

"Yah, why? any problem with that?" Sagot na patanong niya naman.

"Ah eh wala naman ang galing mo kasing tumugtog eh." Sagot ko naman.

"Yah, I know." Medyo Mayabang niya namang sagot

"Wow! Ang yabang naman nito imbis na 'thank you' ang sabihin 'yah, i know' ang sagot." sabi ko sa sarili ko.

"Di ako mayabang kasi alam ko namang magaling ako tumugtog." Mayabang uling sagot niya.

"Ah sige boy yabang na magaling mag gitara alis na'ko baka malate pa'ko sa subject na susunod." Sabi ko naman

"Sige umalis ka na di naman kita kilala eh nag paalam ka pa sakin ah." Mayabang na sagot niya naman

"Oo nga di kita kilala nag papaalam lang nang maayos yung tao sa'yo eh ang yabang mo talaga!" Sagot ko naman sa Kanya.

Umalis na'ko dun ang yabang naman nung lalaking yun Pero infairness ang gwapo niya teka ano ba 'tong pinagsasabi ko!

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now