Chapter 04

10 3 0
                                    

Nakarating na'ko sa school at himala di ako hinintay sa gate ng mga kaibigan kong ulupong.
Pagkarating ko sa room namin wala pang teacher kaya umupo na ko sa pwesto ko. Pero yung dalawa hindi ata ako pinansin. Linapitan ko sila para tanungin.

"Hoy! Mga ulupong ba't ang tahimik niyo di niyo manlang ako hinintay sa gate kanina." Di parin sila umiimik matapos kong sabihin yun.

Ano ba 'tong mga ulupong na'to wala ba silang mga bibig?! Kinalma ko ang sarili ko sabay tinanong ko sila.

"Ah Brigette, Kendyl may problema ba kayo pwede niyo naman sabihin sakin." Di pa rin sila sumagot. Maya maya nag salita si Kendyl.

"Ah eh ih oh uh di ka ba magagalit samin ni Brigette?" Tanong ni kendyl"bakit ako magagalit ano bang ginawa niyo?" Tanong ko.

"Ah kasi may boyfriend na kaming dalawa ni Brigette." Si kendyl.

"Oh anong pinoproblema niyo diyan may boyfriend lang kayo ang laki nang problema niy-" napatigil ako sasabihin ko dahil ano daw boyfriend?!

"Teka nga mga teh anong boyfriend sinasabi niyo!" Tanong ko.

"Oh kita mo na kaya nga ayaw namin sabihin sayo eh kasi alam naming magagalit ka." medyo malungkot na sabi ni kendyl.

"Sige payag ako na mag boyfriend kayong dalawa basta 'wag na 'wag kayong magpapalokong dalawa ah! saka 'wag niyong pabayaan yung pag aaral niyo." Giit ko sa kanila.

"Oo promise di kami magpapabaya sa pag aaral." Sabi nilang dalawa sabay taas pa ng kanang kamay.

"Oh sige na babalik na ko sa upuan ko ayusin niyo lang dalawa ah."
Umalis na ko sa pwesto nung dalawa at nakinig na lang sa lesson namin ngayong araw.

Bigla akong napahawak sa bulsa ko tumunog kasi yung cellphone ko nag text si mama. "Anak mag ingat ka diyan sa school niyo makinig ka lesson niyo magluluto ako mamaya ng masarap na ulam para makakain ka nang masarap na luto ko."-mama matapos kong basahin yun rineplayan ko na lang siya nang "okay po ma." Sabay tago na sa bulsa ko nang cellphone.

Pagkalagay ko sa bulsa ko ng cellphone may nahawakan akong manipis na bagay kaya tinignan ko ito. Nakita ko yung nakita kong hugis triangle kahapon sa inupuan nung nag gigitara. Naalala ko tuloy parang gusto ko ule marinig yung pag tugtog niya ng gitara.

Mamaya nga pag break time dun na lang ako tatambay. Pinasok ko na sa bulsa ko yung hugis triangle at nakinig na.
Lumipas ang oras, minuto, at segundo break time na.

"Ahm Aj gusto mo bang sumabay samin mag break time para naman makilala mo yung boyfriend namin." Suhestiyon ni Brigette. "Ah dina muna siguro bukas na lang sabag ako sa inyo." Sabi ko "Ah okay kung ganun mauna na kaming bumaba sayo ah." Silang dalawa

Dumeretso na rin ako sa tambayan ko kahapon nag mamadali akong pumunta nang bigla akong may mabanggang babae.

"Aray!" sabi nung babae kaya napatayo ka agad ako para tulungan siyang tumayo.

"Ahm sorry di ko sinasadya." panghingi ko nang tawad. Nagulat ako nang bigla niya na lang akong yinakap at humagulgol sa pag iyak.

"Ah eh teh bakit po kayo umiiyak saka yinakap niyo pa'ko di niyo naman ako kilala?" Medyo taka kong tanong.

"Break na kami nang boyfriend ko." Sabay hagulgol nanaman sa pag iyak niya.

Yinakap ko na lang siya para icomfort na rin ganun kasi ginagawa nung nasa TV eh.

"Ahm pasensya na di ko lang talaga mapigilan hindi maiyak." Usal niya naman.

"By the way I'm Alyanna." Pakilala niya sakin sabay abot sakin ng kamay niya habang ang isang niyang kamay nag pupunas nang luha.

"Ah Aj, Aj ang pangalan ko" sabay shake hands, di pa muna siya naka pag salita medyo maluluha nanaman siya.

"Teka may nasabi ba'kong masama?" tanong ko.

"Ah yung pangalan mo kasi kapangalan ng boyfriend ko na ngayon ex na Aj din kasi ang pangalan niya." Maluluhang sabi niya

"Ahm pasensya ka na di ko sinasadya." Sabi ko naman " wala yun di mo naman alam eh." Sabi niya naman.

"Kung naiinis ka sa pangalan niya ang pangalan ko ay Alexis Jhade bahala ka na kung anong gusto mo itawag sa kin." paliwanag ko naman.

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now