Chapter 07

10 3 1
                                    

"Ang daldal mo namang babae ka!" Sigaw niya sakin. "Eh ano naman sayo ha! Boy yabang?" Sigaw ko din sa kanya.

"Ahm excuse me mga anak? Nandito kayo sa guidance konting respeto naman mga anak, ang tatanda niyo na di niyo manlang naisip na nahihirapan ang magulang niyo para makapag aral kayo tapos mag papaguidance lang kayo! Sana sabihin niyo sa mga magulang niyo na ganyan kayo kakulit at para di na sila nahihirapan magtrabaho para makapag aral lang kayo!" Medyo hingal niya pang sabi samin.

Ang drama naman nang matandang 'to anong sinasabi niya matanda raw eh 17 pa nga lang ako eh grabe siya sabi ko sa sarili ko.

"Ahm excuse po ma'am pwede niyo po ba 'kong tulungan ano po bang gagawin dito?"

"Isulat mo diyan iha kung anong ginawa mo kung bakit ka pinadala rito." Utos naman ng matandang babae.

Isinulat ko na kung anong ginawa ko nakatulog ako tapos sinigawan ko pa si ma'am hindi ko naman sinasadyang sigawan siya.

'Yun tapos na tapos pinirmahan ko na tapos inabot sa matanda. "Sige na pumasok na kayo sa inyong mga klase." Utos ng matandang babae. Puro ako matandang babae di ko alam tawag sa kanya eh, haha.

Lumabas na'ko sa guidance kaya lumakad na ko para makarating sa room ko pero maya maya may tumawag sakin. "Jhade!"Sigaw ng babae kaya liningon ko ito. Si Alyanna pala. "San ka galing?" Medyo hingal niyang tanong tumakbo kasi para makalapit sakin eh.

"Sa guidance dun ako galing." Sagot ko naman. "Ah ganun ba sige." Paalam niya pero huminto siya at nagtanong ule. "Nga pala san pala room niyo, para naman mapuntahan kita mamaya pag uwian diba sabi ko sayo kanina magkita tayo pag uwian saka isasama mo pa yung mga kaibigan mong ulupong?" Tanong niya.

"Ahh dun ako sa third floor sa tapat ng building ng guidance office." turo ko naman kung saan yun. "Ah okay sige see you later!" Masayang paalam niya.

Nakarating na'ko sa room namin at yung dalawa kong kaibigang ulupong tinatawanan ako. "Ano ginawa sa'yo?" Habang nag pipigil ng tawa si Brigette. "Wala sinulat ko lang yung ginawa ko kung bakit ako pinapunta dun." Tawa parin sila ng tawa. Teka ano bang nakakatawa baliw talaga 'tong mga 'to mga ulupong talaga eh.

"Bahala nga kayo diyan." At umupo na.

"Psst!" Tawag sakin nung mga ulupong kaya liningon ko naman sila.

"Bakit?" Tanong ko.

"Aj alam mo ba?" Tanong sakin ni Brigette.

"Di ko pa alam." Sagot ko.

"Gaga! wala ka talagang kwenta kausap kahit kelan. May mga boys kasi dito sa school tapos may banda sila kaya pinag kakaguluhan na sila ng mga girls!" Kinikilig na kwento niya.

"Nakakadiri ka naman kiligin Brigette!" Asar ko naman sa kanya.

"Anong kadiri ka diyan baka nga mas kadiri ka pa kiligin pag nakita mo sila eh!" Sigaw niya naman sakin.

"Tsaka may mga boyfriend na kayong dalawa diba?" Tanong ko sa kanila.

"Alam namin pero mas gwapo sila sa mga bf namin ngayon eh pero di ko naman na pangit yung bf namin pero, parang ganun na nga." Sabay tawa ng dalawa.

"Hoy! Mga ulupong may papakilala pala ko sa inyo mamaya paguwian natin."

"Sino naman lalake ba 'yang papakilala mo samin gwapo ba siya? Cute?" tanong nung dalawa sakin.

"Gaga hindi babae friends na daw kami sabi niya." Paliwanag ko naman.

"Ha! Baka mamaya pinagpalit muna kami dun ah!" sigaw naman nila sakin.

"Hindi ah tsaka gusto nga kayong makilala eh." Sabi ko naman.

"Kung ganon sige tignan natin kung okay ba siya maging kaibigan mamaya agawin ka nun samin eh!" Sabay nilang sabi.

Natawa naman ako sa mga reaksiyon nila kala mo mga naagawan ng kendi eh.

I'm In Love With A Guitar PlayerWhere stories live. Discover now