Chapter Five

54 11 0
                                    

Chapter Five

Nakasarado ang kanyang mga mata habang dinadama ang malamig na simoy ng umaga sa Ereindor. Naka-cross ang dalawang braso at nakapahinga doon ang kanyang pisngi habang nakapatong sa hamba ng bintana. May narinig siyang munting bungisngis galing sa labas, madalas na naririnig niya sa labas ng malaking bahay na kanyang tinutuluyan. Binuksan niya ang kanyang mga mata at sumilip mula sa ibaba. Nakita niya si Rhoia na nakikipaglaro sa tigreng alaga nila. Ang tigreng iyon ay nagsisilbing bantay sa buong Ereindor at kaibigan na din nila.

Isang linggo na ang nakakaraan pero hindi pa din siya sa sanay sa pamumuhay ng mga tao dito, pero unting unti siya natututo sa kanyang paligid.

Inangat niya ang kanyang daliri nang may makitang magandang paru-paro na malapit sakanya. Bahagya siyang napangiti na, imbis na sa daliri niya ito dumapo ay sa ilong niya na para siyang hinahalikan. Biglang lumakas ang ihip ng hangin na nagpasayaw sa kanyang buhok. Sa paglipad nito ay unting unti din itong nagbabago ng kulay na katulad ng pakpak ng paru-paro na na sa ilong niya.

“Color Blue.” Umayos siya ng upo habang tinitignan ang mahabang buhok na kulay asul. Lumipad ang paru-paro pero malapit lang sakanya ito, pinagmamasdan ang kanyang itsura. Tinignan niyang muli ang paru-paro at sa muli ay huminto ito sakanyang ilong at ito’y pagbalik ng kanyang kulay itim na buhok, kasabay nang pagalis ng munting nilalang na may pakpak.

Noong una ay halos lumuwa na ang kanyang mata ng ito ay mangyari. Sa panahong iyon ay lumabas siya at inikot ang buong bahay kasama si Rhoia na hawak ang daliri niya. Pinagmamasdan ang nga tanawin na nakapalibot sakanila at ang mga matataas na puno na sadyang kahanga-hanga. Napadaan sila sa likod at doon makikita ang hardin ng mala-palasyong tirahan. Doon nangyari ang unang pagbabago ng kanyang buhok. Ito ay naging kulay dilaw, kasing tingkad ng araw. Tawa pa  ng tawa ang maliit na si Rhoia noon dahil sakanyang reaksyon. Nagbago din ang kulay ng buhok nito at naging pink. Tuwang tuwa ang bata at naglalaro kasama ang mga paru-paro sa hardin.

Natatawa nalang siya tuwing naalala ang eksenang iyon. Hindi niya alam na hair stylist pala ng mga tao dito ay paru-paro.

“Hey.” Napatingin siya kay Ken na nasa pintuan ng kwarto niya.

“Want to come?” napataas siya ng kilay dito.

“Where?”

“Just come. I’ll show you something.”

Dahil wala na man siyang ibang gagaiwn ay sumama na siya dito. Pumunta sila sa labas ng bahay at nakitang nandoon si Rhoia at ang kalaro nitong tigre na si Puma.

“Apa! Aye!” bati ni Rhoia sakanilang dalawa ng makita sila nito. Nakasakay ito sa likod ni Puma at nagtatalon habang nakaupo. Yumuko naman si Puma bilang pagbati sakanila.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya. Tumingin ito sakanyang hababg inaayos ang nagulong buhok dahil sa lakas ng hangin. Napaiwas siya dito ng tingin.

Nitong nakaraan ay hindi niya kayang tumingin dito ng matagal. Nahihiya na siya dito simula nung...umiyak siya.

“I want to show you Ereindor.” Simpleng sabi nito bago lumapit kay Puma at hinaplos ang ulo nito bago ito muling tumingin sakanya.

“Would you come with us?” tanong nitong muli sakanya. Napatingin siya kay Rhoia na nakatingin din pala sakanya.

Napabuntong-hininga siya at timango-tango, “Sige.”

Pumalakpak naman sa tuwa si Rhoia. Kita niya ang excitement sa mukha nito, napatingin siya kay Ken na may maliit na ngiti sakanyang labi pero pilit itong tinatago. Napangiti siya at lumapit sakanila para makasakay na kay Puma. Inalalayan naman siya ni Ken para makasakay bago ito sumakay. Ang posisyon nila ay, si Rhoia ang na sa unahan at na sa likod niya si Ken.

Blood Series #1: Flesh and BloodDonde viven las historias. Descúbrelo ahora