Chapter Eight

44 11 0
                                    

Chapter Eight

Nagpakita ang mga asul na mata nito habang nakatingin sakanya, mga pangil na sumisilip dahil naka-awang ang labi nito, pero hindi man lang niya magawang ma-attract dito. Iniisip pa din niya iyong lalaki na kanina niya lang nakilala. Naluluha siya tuwing naalala ang sinapit nito dahil sa lalaking kaharap niya.

Deretsyo niya lang ito tinignan at hindi man lang nailang sa titig nito sakanya. Sinundan niya ang bawat kilos ng mga mata nito sakanya. Mabagal na bababa ang tingin nito sabay angat ulit ng tingin sakanya at baba at hihinto muli ito sa mga labi niya.

“Baby, nauuhaw ako. Pakagat saglit.” Sabi nito sa kanya habang nakatingin pa din sa labi niya.

“W-what?” nautal siya bigla, shock sa sinabi nito.

“He wants to what?” she ask on her mind. Napaurong siya ng lumapit ito sakanya pero pinigilan nito ang paggalawa niya at hinawakan ang bewang at batok niya papalapit dito.

“K-ken, w-w-what are you doing?”

“Sorry, but I need to do this.” Sabi nito at tuluyan ng lumapit sa leeg niya at dinidilian ang maliit na parte doon. Making two circles slighty apart at each other, bago niya naramdaman ang pangil nito na kumikiskis doon.

Napahawak siya sa balikat nito, hindi alam ang gagawin.

“Stay still.” Sabi nito bago niya naramdaman ang pagbaon nang pangil nito sa kanyang leeg. She expected pain, pero hindi niya ito naramdaman. Para lang siyang tinusok ng karayong habang binabaon nito ang pangil sa balat niya at ang tunog ng pagsipsip nito doon.

Napapikit nalang siya bigla habang dinadama ang bawat pagsipsip at pagdila nito doon. Nakaramdam siya ng panghihina habang ginagawa nito iyon sa kanya, para siyang nililipad sa sarap sa ginagawa nito sa kanya. Walang sakit at puro sarap sa buong minutong ginagawa nito sa kanyan hanggang sa tuluyan siyang manghina. Inalalayan ang kanyang para makaupo ng maayos habang nakatingin ito sa kanya, tinitigan niya ito. Damang dama niya ang pagkinang ng kanyang mga mata habang nakatingin dito. Napalunok ng bumaba ang tingin niya sa leeg nito. Nakita niya ang paggalaw ng adams apple nito, inangat niya ang kanyang tingin sa mga mata bago muling bumaba sa leeg nito. Nakita niya itong natawa sa kinikilos niya.

“We need to go.” Binuhat na siya nitong muli. Hindi pa din maalis ang kanyang tingin sa malapad nitong leeg. Ngayon na binuhat siya nito ay kita niya ang mga lumalabas nitong ugat dahil sa pagbuhat sakanya. Napasulyap ito sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Mas inilabit niya ang kanyang sarili dito habang inaamoy ang panglalaking amoy nito na ngayon niya lang napagtuunan nh pansin.

“We should really need to go.” Natatawa nitong sabi sa kanya. Napanguso naman siya dito at pinagmulahan ng mukha bago pumirmi sa bisig nito.

She get easily addicted on his smell in instant. Mas naging agrisibo din siya sa hindi niya malamang dahilan. Ang alam niya lang ay nanunuyot ang kanyang lalamunan at nagiinit ang katawan. Paniguradong nararamdam nito ang init niya kaya naman nakangisi ito sa buong byahe nila paguwi na parang walang nangyari sa kanila.

Sumalubong naman agad sa kanila si Layla at Zaine pagkadating nila.

“Saan kayo galing? Lumamig na tuloy yung pagkain.” Sabi ni Layla na nakataas na may nakakalokong tingin dahil sa posisyon nila. Pasimple siyang napabuo at nakaramdam ng hiya.

“Nagpahangin lang,” sabi ni Ken, “paki-akyat na lang nung pagkain namin at doon na kami kakain.”

Hindi niya na nakita ang naging tugon ng dalawa dahil mabilis na umakyat si Ken sa hagdanan. Binitawan lang siya nito ng pinasok siya nito sa kwarto nito. Napalunok siya nung binagsak siya nito sa kama habang hindi inaalis ang mapanuksong tingin nito sa kanya.

Blood Series #1: Flesh and BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon