Chapter Seven

36 12 0
                                    

Chapter Seven

“Sinubukan mo na bang lumabas?” malungkot itong ngumiti at umiling.

“Hindi ko magawa at baka magbago bigla ang ihip ng hangin na may biglang umatake at sisihin ang aking sarili pag may masamang nangyari sakanila.”

“Sumilip?” umiiling din ito.

“Ako ay talagang natatakot lamang dahil ako lamang ang magisang nagbabantay ng lugar na ito. Kahit gusto ko man sumilip o makita ang labas ay hindi ko magawa.” Bigla siyng tumayo sa harapan nito sa naisip. Nginitian niya ito, napakunot noo naman ito sakanya.

“Kung gusto mo, ako muna ang magbantay dito habang na sa labas—” hindi pa siya tapos magsalita nang umiling ito sakanya at parang ayaw sa naisip niya.

“Salamat pero ayaw ko—”

“Kahit silip lang! O kaya naman, magtawag ako ng kasama dito para—”

“Hindi pwede!” natahimik siya bigla sa pagtaas ng boses nito sakanya, “Hindi natin alam kung sino ang kalaban sa totoo, Raizee. Mahirap na magtiwala lalo na’t ngayon, nakakatakot na ang panahon ngayon.” Malungkot siyang ngumiti dito.

“I understand.” Bigla itong tumayo at nakitaan ng sigla sa mga mata nito.

“May nais akong ipakita sayo.” Sabi nito at hinatak siya sa kung saan.

Naglakad sila sa deretsyong pasilyo doon na punong puno ng mga painting at mga lumang kasulatan. Meron din siyang nakitang obra na hindi niya alam ang tawag. Halata sa mga naka-display dun na iningatan talaga ito.

Napatingin siya kay Red nang huminto ito para buksan ang tanging pinto naNapatingin

“Tara, tayo’y pumasok.” Sabi nito sakanya bago ito naunang pumasok at pinagbuksan siya ng pintuan.

Sa labas pa lang kita niya na kung anong meron doon. Maliliit na hakbang ang ginawa niya papasok habang tinitignan ang paligid. Napatingin siya sa kasama ng sinarado niya ito at lumutang sa harapan niya.

“Kwarto ito ng aming pinuno at ng kanyang asawa.”

Mangha siyang napatingin sa malaking kwarto doon. Punong puno ito ng mga bulaklak at halaman. Dinig na dinig mula doon ang pagbagsak ng tubig mula sa falls. Kumpleto ang gamit doon, may kama, aparador, salamin at may isang cabinet na punong puno ng mga kagamitan sa pagpipinta.

“Ang ganda.” Mahina niyang sabi. Napabungis-ngis si Red sakanya.

“Ganyan din ang sinabi ng aming pinuno nuong unang dala sakanya dito ng kanyang asawa. Sa panahong iyon ay magkasintahan pa lamang sila. Nakakakilig, hindi ba?” napangiti siya at sumang-ayon sa sinabi nito.

“Nakakatuwa nuong mga panahong iyon. Halos buong baryo ay alam na nagliligawan ang dalawa at wala man lang tumutol dito. Lahat ay sangayon na maging silang dalawa hanggang sa kamatayan. Bata pa ako noon, nang mamulat ako na, geneto pala kalakas ang pagmamahal,” natatawa itong humarap sakanya, “kaya naman sabi ko sa aking sarili na, magseseryoso ako para hindi ako maloko, pero, wala namang dumadating.” Natawa na lang din siya at nilapitan ito.

“Dahil nakakulong ka dito,” tumango ito sakanya.

“Isa din iyon.” Sabay silang napabuntong-hinga at tumawa pagkatapos.

“Ahh!” bigla itong napaluhod at napahawak sakanyang dibdib, sumisigaw sa hindi niya ma lamang dahilan. Natataranta niya itong hinawakan sa balikat pero naitulak siya nito ng malakas na naging dahilan ng pagsalampak niya sa pintuan.

Napapikit siya sa sakit pero dinilat niya din ito agad ng marinig na sumisigaw pa din si Red.

“Wag kang lalapit! Umalis ka na!” patuloy pa din ang sigaw nito. Kita niya mula sakanyang kinakaupuan ang paglabas ng pangil nito at ang naninilaw na mga mata na kasing dilaw ng liwanag.

Blood Series #1: Flesh and BloodNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ