Chapter Ten

38 9 0
                                    

WARNING! Rated SPG scene on this chapter.

(You are warned)

Chapter Ten

Nagiba ang lugar na inaapakan nila simula nung marinig si Layla. Ang bayan ay naging isang sirang battlefield na unting unti nagpapakita sakanila. Lumabas na din ang tunay na mga itsura ng kanilang mga kalaban at sinimulan silang palibutan.

"Be quick. I'm at the back." May biglang pumasok na salita sa isip niya, parang boses ni Layla. Nagulat siya ng biglang nagsipagkilos ang lahat para makipaglaban. Parang narinig din ang boses na iyon na naging signal nila para umatake. Hinawakan agad ni ken ang bewang niya at binuhat sa malayong banda kung saan may naglalaban.

"Hey," sabi nito na agad niyang sinagot.

"I can help—"

"No. Just stay here and keep us alert. Kung may mangyayaring masama sa amin, tumawag ka ng ibang kasamahan. That is the only thing you will do, Raizee. Hindi ka pwedenh makipaglaban lalo na ngayon na hindi ka pa marunong at hindi ka pa sanay maging bampira."

Tanging tango nalang ang sagot niya. Tama ito. Baka mas lalp pa siyang makagulo kung sasama pa siya sa laban na hindi pa niya alam kung paano.

"Just stay on my sight." Sabi nito bago tinignan ang dalawang lalaki na sabay aatake sakanila pero inunahan na agad ito ni Ken.

Wala siyang gamit na armas kaya kamo aang ginamit nito para mapabagsak ang dalawa. Nakakamangha dahil may armas ang dalawa pero hindi ito nakaubra kay Ken na sinapak lang sila at tulog na. Bahagya siyang natawa sa naisip, "weak pala kayo eh."

Hindi siya makapaniwala na natatawa pa siya sa lagay na iyon kahit nakikipagsapalaran na ang nga kasama niya.

"Chill lang." Isip-isip pa niya.

Napalingon siya sa ganyang gilid na may gustong umatake sakanya pero may biglang tubig ang sumaboy doon at unting unti na itong natunaw. Napaiwas siya ng tingin dahil kitang kita ang laman-loob nito habang unting unti nasusunog.

"May lason yung tubig," isip niya.

May presensya siyang naramdaman sakanyang likod pero bago siya tuluyang makalingon ay nakita niya si Ken sakanyang likod. Doon palang niya nakita ang pagbagsak ng kalaban na malapit na sakanya.

"Bilis ah?" buro pa niya. He smirked and continue fighting down those vampires behind him.

Mabilis ang bawat galaq nito. Halatang mahusay ito sa pakikipaglaban.

Hinablot niya ang kalabam sakanyang kanan at pinilipit ang kamay nito na may hawak na matulis bago ito tinadyakan. Umikot siya at sinipa ang kalaban sakanyang likod bago niya siniko ang kalaban sa kanyang kaliwa bago ito sinutok ng tuluyan. Nawalan ito ng balanse at napahiga sa sahig pero bago ito makatayo ay tinapos na ito ni Ken ng isang malakas na suntok na nakapagbale sa leeg nito.

May biglang tunog ng tubig ang nag-ingay sakanyang likod, kasabay nun ang sigaw ng mga lalaki at babae sakanyang likod. Napaatras siya sa gulat at takot dahil hindi man lang niya naramdaman na may aatake na pala sakanyang likod. Napatingin siya kay Ken na nakikipaglaban pa din sa hindi matapos maubos-ubos na kalaban.

"I-ikaw yun?" tanong pa niya.

"Ang alin?" hinihingal nitong sabi dahil sa sunod-sunod na kalaban.

"Yung tubig? Saan galing iyon?" hindi muna ito sumagor sakanya at tinapos ang huling kalaban na lumapit dito bago siya hinarap.

"Eto?" sabi nito sabay pakita sa kamao nito na may umiikot-ikot na tubig na parang ipo-ipo. Nagulat siya doon, tinawanan lang siya nito bago sinapak ang kalaban sa likod nito.

Blood Series #1: Flesh and BloodOù les histoires vivent. Découvrez maintenant