Chapter Twelve

73 9 0
                                    

SORRY FOR THE DELAY UPDATE. MAY IBA KASI AKONG GINAGAWA NGAYON NA INTERESADO AKO KAYA, NAURONG NA NG NAURONG ANG PAGSUSULAT KO😅

°°°

Chapter Twelve

“Wake up! Wake up! Dada! Ate!” isang matinis na boses ang gumising sakanila sa umagang iyon. Kahit inaantok pa ay dinilit niya na ang mata niya dahil sa paguga-uga nito.

“Ughh, Rhoia, baby, later.” Rinig niyang sabi ni Ken na hindi gaanong maintindihan dahil may nakatabon na unan sa mukha nito. Na sa kama ngayon si Rhoia at tumatalon-talon habang tinatawag ang tatay niya sabay dagan dito. Narinig niyang napaungol si Ken sa sakit pero hindi ito gumalaw. Natawa na lang siya dahil lumalaki at bumibigat na ngayon si Rhoia. Tumayo siya at lumayo sa dalawa.

Nagunat-unat muna siya habang tinitignan si Ken na matigas at ayaw bumangon.

Yakap-yakap ni Ken yung unan habang si Rhoia ay nakapatanong dito at tinatampal-tampal ang pisngi, yinuyugyog at kinakagat ang tenga nito. Bahagya nitong nilalayo ang mukha sa bata pero wala iyong silbi dahil mas nahihila siya ni Rhoia.

Wala namang magawa si Ken para doon.

Umagang umaga ay nakaayos na si Rhoia na nakatiger overall outfit. Excited na ito para sa gaganaping selebrasyon mamaya.

Wala ng nagawa si Ken dahil ayaw siya tantanan ng anak ay bumangon na ito na parang lantang gulay, halatang ayaw pa bumangon.

“Puyat na puyat ang loko.” Bulong-bulong niya habang naka-cross arm na pinagmamasdan ito.

Nakakunot-noo naman itong nakatingin sakanya, inis na inis sa nangyayari sakanya.

Nagsisigaw naman si Rhoia na bumaba sa kama at pinuntahan siya.

“Ate! Ate! Dress up! Let’s go!” nagulat siya sa biglang pagtuwid ng salita nito. Napatingin siya kay Ken na nakatingin ngayon sakanila.

“Vampire thing.” Sagot nito mula sa isip.

“Yes, yes, baby. Go down and eat. Susunod kami, we will just get dress up.” Sabi niya dito. Agad naman itong nagtatalon sa tuwa.

“Okay!” sigaw nito bago lumabas ng pinto while hopping.

Napatingin siya kay Ken ng bumagsak ito pabalik ng kama at yinakap ang unan nito. Napailing nalang siya.

Binuksan niya ang kurtina at bintana ng kanyang kwarto para pumasok ang sinag ng araw. Deretsyo naman ang tama nito kay Ken kaya nagsumiksik pa sa mga unan para hindi tamaan.

“Rise and Shine, Ken. Tayo na, excited na si Rhoia kanina pa kaya bumangon kana.”

“Mamaya na.” Sabi nito na paungol at mas lalong siniksik ang sarili sa mga unan sa kama.

Lumapit siya dito at tinanggal ang kumot na nakabalot dito bago hinatak ang paa nito.

“Tara na! Tayo na! Maliligo pa ko.” Hindi niya ito nahatak sa bigat nito. Naingat niya lang ang paa nito at hindi man lang nagalaw sa pwesto. Hindi siya nito pinansin kaya hinampas niya ang likod nito.

“Ken!”

“Susunod ako,” binitawan niya na ang hawak dito at namewang dito. Sumilip ito sakanya pero agad ding pinikit ang mata na parang hindi niya ito nakita. Tinaasan niya ito ng kilay at tinalikuran, kinuha ang bath towel na nakasabit malapit sa aparador niya habang bumubulong bulong.

Blood Series #1: Flesh and BloodWhere stories live. Discover now