Chapter 2

75K 1.6K 372
                                    

Chapter 2
***

Nagising ako ng nakatali ang katawan ko sa upuan at nasa madilim at nakakatakot na bodega ako.

Nanlaki ang Mata ko sa takot ng maalala ko na may tumutok ng baril sa sentido ko at bigla akong nawalan ng Malay.

Ang baby ko!

Agad Kong pinakiramdaman ang sinapupunan ko at bilang ina napahinga ako ng malalim ng nararamdaman ko parin ang baby ko.

"Gising napala ang prinsesa."

Napaangat agad ako ng tingin ng may mag salita sa harap ko.

Tumulo ang luha ko dahil sa sobrang galit Kay Heather.

"Pakawalan mo ako!" Galit Kong sigaw sakanya at Masama syang tinignan.

"Manahimik ka!" Sigaw nya pabalik at lumapit sakin at malakas akong sinampal.

"Mas maganda naman ako! Mayaman ako! Sikat ako! Pero hindi ko parin mukha si Cash dahil sayo!" Galit nyang sigaw ulit at dinuro ako.

Sikat na artista si Heather at tagapag Mana sya ng isang malaking kumpanya.

Isa sya sa mga gustong umagaw Kay Cash sakin.

Fiancee ko na si Cash ng dumating sya sa buhay namin. Secretary ako ni Cash ng mahulog kami sa isa't Isa hanggang sa maging fiancee.

Naging mag business partner ang papa ni Heather at si Cash Kaya naman may mga meetings na kasama si Heather at dun nakuha ng pansin nya si Cash.

Kitang Kita ko Kung paano nya akitin si Cash at Kung pano sya Hindi pansinin ni Cash.

Hinihingal sa galit akong tinignan ni Heather at nginitian.

"Well, bastos naman Kung Hindi ko aalukin ng inumin ang bisita ko diba?" Nakangiti nyang Sabi at pumalakpak.

Pumasok ang isang lalaki na may dala ng isang basong gatas.

Nanlaki ang Mata ko ng makilala ko sya.

"Jacob?" Hindi makapaniwala Kong tanong sakanya.

Walang ekspresyon nya lang akong tinignan at inabot ang gatas Kay Heather.

Kinuha ni Heather ang gatas at lumapit sakin.

"Dahil special na bisita ka. Ako na sikat na artista, Heather Stone pa mismo ang pag papainom sayo." Pag mamalaki nya sa sarili at tinapat ang baso ng gatas sa bibig ko.

Napakunot ang nuo ko ng may kakaibang amoy ang gatas sa harap ko.

"Drink Diana." Madiin nyang Sabi at pilit na binubuksan ang bibig ko.

Madiin Kong tinikom ang bibig ko ng malaman ko Kung anong amoy Yun.

"Sabi ko uminom ka!" Sigaw nya at sinampal ako.

Napapikit nalang ako sa sakit.

"Tama na. Kaylangan mo pa sya sa Plano mo." Malumanay na Sabi ni Jacob at walang emosyon akong tinignan.

Nangingilid ang luha ko syang tinignan.

Isa sya sa mga bodyguard ni Cash at Isa din sya sa mga tinuturing Kong kaibigan.

"Walang hiya ka!" Galit at umiiyak Kong sigaw sakanya.

"Ughh! Enough!" Bored na Sabi ni Heather at hinatak ang buhok ko.

"Sundin mo lahat ng iuutos ko." Nakangisi nyang Sabi at mas diniinan ang pagkakahawak sa buhok ko.

Hindi ko sya sinagot at Masama lang syang tinignan.

CEO'S BITCH [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon