Chapter 18

81.7K 1.6K 248
                                    


Chapter 18
***

"Cash sa sofa ka matulog." Masungit na Sabi ni mama kay cash. Napatingin ako sa maliit na kahoy na sofa namin at Kay cash.

Sa sobrang tangkad ni Cash Hindi sya magkakasya dun.

"Ma, Hindi kasya si cash dyan. Pwede namang sa kwarto nyo nalang muna si chance at tabi muna kami ni cash." Suhestiyon ko dahil mas malaki ang Kama namin ni chance.

Kung kami naman ang tabi ni mama ay Hindi rin kami kasya.

"Diana." Tawag nya sakin at pinanlakihan ako ng Mata.

Napatikom ako ng bibig dahil mukhang gusto nyang pahirapan si cash.

Ang mama nya ang Hindi namin mapatawad pero.. napakibit balikat nalang ako. Mukhang gusto talaga ni cash na bumawi sa mga nagawa nya.

Sana lang ay wag syang masyadong pahirapan ni mama.

"Okay lang ako sa sofa." Sabi ni cash at tinignan ako. Maliit nyang nginitian si mama pero pinaningkitan lang sya nito ng Mata.

"Sya, matutulog na ako." Paalam ni mama at pumasok na ng kwarto nya.

Napahinga nalang ako ng malalim at hinarap si cash. Kandong nya si chance habang naglalaro sila pero nakatingin sakin. 

"Kuha lang ako ng unan at kumot mo." Paalam ko sakanya at pumasok na ng kwarto.

Kumuha ako ng dalawang extrang unan at kumot at pinalpagan muna bago binuhat na at lumabas ng kwarto.

Masaya silang naglalaro Kaya Hindi nila namalayan na nakalapit na ako. Nilapag ko ang dala ko sa gilid nila Kaya agad na nag angat ng tingin si cash sakin.

"Thank you, wife." Aniya at pinalibot ang Isa nyang braso sa bewang ko habang kandong parin si chance.

"Chance Tama na muna ang laro. Pagod si papa galing sa byahe. Mag punas ka na at matutulog na tayo." Sabi ko sakanya at agad naman syang tumango.

"Punas na big boy." Sabi ni cash at ginulo ang buhok ni chance.

Nang makalayo na si chance agad akong hinatak ni Cash paupo sa kandungan nya.

"I miss you, wife." Aniya at hinuli ang labi ko. Ginantihan ko ang halik nya pero agad ding hiniwalay.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya.

Maliit nya akong nginitian at umiling.

Napahinga ako ng malalim at tumayo na. Nag lakad ako papunta sa kusina at tinignan Kung may tira bang ulam pero ubos na.

Tumalikod ako at napahinto sa paghinga ng ilang hibla nalang ang pagitan namin.

"W-wala na palang ulam." Namumula ang pisngi Kong Sabi at iniwas ang ulo ko. May nakita akong lata ng sardinas Kaya agad akong lumayo at kinuha Yun.

"Pasensya na. Sardinas lang meron." Sabi ko sakanya at nilapag muna ang sardinas sa lamesa at kumuha ng Plato para sandukan sya ng kanin.

Nahinto ako sa ginagawa ko ng yakapin nya ako Mula sa likod. "Wife, nandito ako para bumawi. Hindi para pag silbihan mo ako. Hmm?" Bulong nya sakin at inagaw ang Plato na hawak ko.

"Kung maaari, ako na ang mag lalaba, mag luluto, mag huhugas, mag lilinis at Kung ano ano pa." Sabi nya at hinuli ang labi ko bago maglakad papunta sa rice cooker at mag sandok ng kanin.

Pinanuod ko lang si cash na masaganang kumain ng naka kamay lang at minsan pa ay inaalukan ako pero iniilingan ko lang sya.

Nang matapos syang kumain, hinugasan nya ang pinag kainan nya at nang matapos mag hugas, nag pupunas ng kamay syang lumapit sakin at hinalikan ako sa labi.

CEO'S BITCH [COMPLETE]Where stories live. Discover now