Chapter 3

72.6K 1.6K 278
                                    

Chapter 3
***

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa pang sampung restaurant na may nakapaskil na nangangailangan ng waitress.

Mag gagabi na at Hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.

Pagpasok ko naabutan ko na madaming tao at nag mamadali ang mga waitress dahil sa dami ng customer.

Nilapitan ko ang isang waitress na may dalang isang tray na puno ng order.

"Hi ahmm pwede po bang matanong Kung nasan ang manager dito?" Tanong ko sakanya habang sinasabayan ang lakad nya.

Hindi nya ako pinansin at dumiretso sa isang table na puno ng mga studyante.

Isa Isa nyang sinerve ang mga order at dahil sa bigat ng tray ay muntikan na nyang mahulog ang mga order.

Buti nalang at nahawakan ko agad ang tray.

Puno ng pasasalamat nya akong tinignan at tinuloy ang pag serve. Tinulungan ko na sya dahil Masama syang tinitignan ng mga studyante.

"Muntikan pang mahulog ang order tatanga tanga Kasi." Bulungan ng dalawang babaeng studyante.

Nilapag ko na ang huling order at gulat akong napatingin sa lalaking customer na humawak ng kamay ko.

"Hi Miss pwede ko bang makuha ang number mo?" Aniya at dinilaan pa ang labi nya.

Huminga nalang ako ng malalim at pilit na binabawi ang kamay ko pero mas diniinan nya ang pagkakawahak sakin.

"Hoy! kayong mga studyante Kayo! Mag aral Kayo ng mabuti at wag puro landi ah!" Pangaral ng waitress na kasama ko at isa't Isang tinuro ang mga studyante na nakikipag lampungan sa mga nobyo nila at hinatak ang kamay ko sa pagkakahawak ng lalaking studyante.

Galit na tumayo ang humawak sa kamay ko at dinuro ang waitress. "Hoy ikaw! Waitress ka lang dito Kaya mag hinay hinay ka sa pananalita mo!" Sigaw nya Kaya naman napatingin ang ibang customer sa gawi namin.

Ngumisi ang lalaking studyante at Hinawakan ang kamay ng waitress "pero sabagay maganda ka naman." Aniya at dinilaan ang Labi nya at puno ng pagnanasang tinignan ang katawan ng waitress.

Tutulungan ko Sana ang waitress ng agad na nyang sinampal ang lalaki. "Gago ka pala eh!" Aniya at tinulak ang lalaki.

Galit na tinignan ng lalaki ang waitress at susugudin Sana ang waitress ng agad na dumating ang guard at ang manager.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng matandang babaeng manager sa mga studyante.

"Yang waitress nyo bastos mag salita sa mga customer." Galit na Sabi ng lalaki sa manager.

"Hoy! Manyak ka kasi!" Sigaw ng waitress at susugudin Sana ang studyante pero agad ng pinigilan ng manager.

"Go to my office Sandra!" Sigaw ng manager sa waitress at puno ng paumanhing tinignan ang mga studyante.

"Pasensya na Kayo..." Hingi ng paumanhin ng manager.

"Tsk" Sabi ng waitress na pangalan ay Sandra at nag dadabog na naglakad palayo.

Napalunok nalang ako at napakagat labi.

Mukhang masisisante pa si Sandra dahil sakin.

Nang matapos ng kausapin ng manager ang mga customer ay tinaasan nya ako ng kilay.

"Mag a-apply ka ba ng trabaho?" Masungit na tanong ng manager sakin.

Agad naman akong tumango kahit na nababahala parin na baka matanggal ang waitress na Yun.

CEO'S BITCH [COMPLETE]Onde histórias criam vida. Descubra agora