Chapter 17

86K 1.5K 477
                                    


Chapter 17
***

"Ang tapang mo rin pala Diana para mag pakita ulit Kay Cash."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses nya. Dahan dahan akong humarap sa likod ko at nakita ko si Heather na naka ngisi sakin at nakasuot ng itim na jacket.

"Scared, Diana?" Natatawa nyang tanong.

Kinakain ako ng takot sa Kung anong maaari nyang gawin pero ng maalala ko ang mga ginawa nya sakin, ang mga mahihirap na dinanas namin ni chance at ang pag sira nya sa buhay namin ni Cash Nawala ang takot sa puso ko at napuno ako ng galit.

Masama ko syang tinignan Kaya natawa sya.

"Tumapang ka na nga talaga at mas kumapal ang mukha mo. Sabi ko na wag na kayong mag papakita Kay Cash! Ako ang nandun para Kay Cash nung Wala ka. We love each other, we acted like a real couple and we make love every single night." Nakangisi nyang Sabi at parang nang aasar.

Nginisian ko din sya. "Talaga?" Tanong ko at tumawa. "Habang Wala ka naman, Hindi makapag pigil si Cash. Paulit ulit nya akong inaangkin. Sa Kama nya, sa sofa, sa lamesa, sa office nya, minsan nakatayo lang, sa playroom." Nang aasar Kong Sabi sakanya at nag kibit balikat.

Madilim nya akong tinignan. "Ako nag turo sakanya na maging dominant!"

Nagulat ako dahil sa sinabi nya pero Hindi ko pinahalata. "Sobrang saya ni cash ng makilala nya ang anak namin. We acted like a real family. No! Hindi kami umaakte Kasi kasal kami at totoong isang pamilya kami." Nakangisi Kong Sabi sakanya.

Parang sumabog sya sa sobrang galit. "Akin dapat ang apelyido nya!" Galit nyang sigaw sakin at sinugod ako.

Bago pa sya makalapit sakin at maabot ang buhok ko malakas ng tumama ang kamao ko sakanya.

Gumewang sya at napahiga. Agad syang dinaganan at malakas syang pinag sasampal.

"Para Yan sa mga ginawa mo sakin! Sa hirap na dinanas namin ng anak ko at ni cash! Walang hiya ka!" Sigaw ko at sunod sunod syang sinasampal.

"Tama na!" Umiiyak nyang Sabi at pilit na tinatakpan ang mukha nya pero Hindi ko hinahayaan.

"Mama?" Agad akong napahinto ng marinig ko ang boses ni Chance.

Agad akong tumayo at binuhat si chance. "Mama anong nangyayari?" Natatakot na tanong ni chance.

Hindi ko muna sya sinagot at akmang baba na ng hagdan para ilayo si chance ng marinig ko si Heather sa likod ko.

"Mamatay na Sana Kayo." Sabi nya at tinulak kami.

Nanlaki ang Mata ko ng mawalan ako ng balanse at gumulong kami pababa ng hagdan.

Mahigpit Kong niyakap si chance at sinigurado ko na Hindi tatama ang ulo nya.

Tumulo ang mga Luha ko habang tumatama at gumugulong ang katawan ko sa hagdan.

Cash. Tawag ko sakanya bago mawalan ng Malay ng tumama kami sa sahig.

Agad akong nilapitan ng Isa sa tauhan ko ng malapit na ako sa security house.

"Sir. May nakapasok." Agad nyang balita.

Madilim ko syang tinignan. "Nasan ang mga bantay?" Tukoy ko sa tatlong tauhan ko na nag babantay ng gate ng Isla na ito.

"Pinatay Sir."

Mas dumilim ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Sino ang gagawa nun?

Nag pasalamat ako ng madami akong tauhan na iniwan sa mansion para bantayan ang mag ina ko.

CEO'S BITCH [COMPLETE]Where stories live. Discover now