Chapter 20

73.3K 1.4K 358
                                    


Chapter 20
***

Hinihimas ko ang maganda at malambot na buhok ni cash. Napangiti ako ng higpitan pa ni cash ang yakap sa bewang ko.

Magkatabi kami ngayon ni cash sa Kama ko dahil pinayagan sya ni mama na tumabi sakin.

Alas singko palang ng madaling araw at gising na gising na ako habang si cash naman ay mahimbing parin ang tulog.

Napangiti ako. Napagod siguro. Sabi ko sa sarili ko at napakagat labi ng maalala ko ang ginawa namin ni Cash kagabi. Hindi ako tinigilan.

Napakunot ang nuo ko ng may marinig akong Kumakatok sa pinto ng bahay.

Sino ang bibisita samin ng ganito kaaga?

Agad Kong dahan dahan na tinanggal ang pagkakayakap ni cash ng maisip ko na baka tauhan yun sa taniman.

Mahina akong napatili ng akala ko matatanggal ko na ang braso ni cash sa bewang ko pero mas hinigpitan nya ang yakap sakin at hinapit ako palapit sakanya.

"Where are you going?" Napapaos na tanong ni cash habang nakakunot.

Napalunok ako. Sobrang gwapo nya. "May kumakatok." Sabi ko sakanya at saktong may kumatok ulit.

Napahinga ng malalim si cash at namula ang pisngi ko ng kubabawan nya ako at madiin na hinalikan ang labi ko.

"Stay here and be ready." Pilyo nyang Sabi at tumayo na.

Napakagat ako ng labi ng Makita ko ang malaki nyang alaga at ang matambok nyang pang upo.

Natatawa Kong tinignan si cash ng mabilis nyang isuot ang boxer nya at natawa ako ng pinaningkitan nya ako ng Mata habang sinusuot ang damit nya.

Lumabas na si cash ng kwarto ko at ng lumipas ang ilang minuto, inabot ko na ang mga damit ko sa lapag at mabilis na nag bihis dahil baka may problema sa taniman.

Lumabas na ako ng kwarto at nilapitan si cash na nakatayo sa harap  ng bukas na pinto.

"Cash?" Tawag ko sakanya.

Napakunot ang nuo ko ng kinakabahan akong tinignan ni cash at natigilan ako ng may tumawag sakin.

"Diana." Tawag sakin ng mommy ni cash. Tinignan ko sya at puno ng pag sisisi ang mga Mata nya.

"Nandito ako para bumawi sayo."





"Sibakin mo lahat ng Yan. Gusto ko ganto lahat ng sukat." Utos ni mama Kay mommy Cristina, ang mommy ni cash at hinagis ni mama ang kahoy na gusto nya sa harap ni mommy Cristina.

Tumango ang mommy ni cash at pinakatitigan ang kahoy sa harap nya bago sinibak na ang kahoy.

Handa ng sitahin ni mama si mommy Cristina ng kasukat ng gusto nyang kahoy ang kahoy na nasibak ni mommy Cristina Kaya natahimik si mama.

Napatingin kami Kay chance ng tumawa sya. "papa, mas magaling pa si Lola sayo." Tukso ni chance sa papa nya Kaya natawa ako.

Ngumiti lang si cash pero agad ding Nawala. Nag aalala at natatakot nya akong tinignan.

Bumaba si chance sa kandungan ng papa nya at pinuntahan si mommy Cristina.

Huminga ako ng malalim at Hinawakan ang pisngi ni cash. "Anong problema?" Tanong ko sakanya.

Hinawakan ni cash ang kamay ko sa pisngi nya at dinala sa labi nya. "Natatakot ako na baka bawiin mo ang pagpapakasal ulit sakin dahil Kay mommy." Nag aalala nyang Sabi sakin.

Nginitian ko sya. "Cash, mag papakasal ulit tayo." Sabi ko sakanya para Hindi na sya mag alala.

Parang nakahinga ng maluwag si cash at agad na hinuli ang labi ko. "I love you, Diana. My baby, My Angel, My everything." Aniya at hinalikan ulit ang labi ko.

CEO'S BITCH [COMPLETE]Where stories live. Discover now