Chapter 9

69.6K 1.4K 377
                                    

Chapter 9
***

Nagising ako ng marinig Kong bumukas ang pinto. Walang emosyon ang mukha ni Cash ng pumasok sya sa play room.

"C-cash" nanghihina Kong tawag sakanya at napapikit sa sobrang sakit ng pulsuhan ko ng gumalaw ako.

Napaangat ako ng tingin Kay Cash ng tanggalin nya ang posas sa bakal. Dahil sa ilang Oras akong nakatayo ay nanghihina ng sobra ang katawan ko.

Muntikan na akong matumba pero agad na pinalibot ni Cash ang kamay nya sa bewang ko at binuhat ako.

Naglakad sya papunta sa Kama at dahan dahan akong hiniga. Kinumutan ni Cash ang katawan ko at umupo sa gilid ko.

Wala paring emosyon ang mukha nya. Naiiyak ko syang tinignan. "B-bakit mo ginawa sakin yun?"

Gusto Kong punusan ang mga Luha ko ng sunod sunod na tumulo ang mga Luha ko pero Hindi ko magawa dahil sa sobrang sakit ng pulsuhan ko.

Napansin ni Cash na Hindi ko magalaw ang mga kamay ko kaya kinuha nya ang mga kamay ko at dahan dahan na tinanggal ang posas na nakakabit sa mga kamay ko.

Mas napaiyak ako ng Makita ko ang nangyari sa pulsuhan ko. Namamaga sya at iba na ang kulay.

Parang natauhan si cash at agad na napuno ng pag sisisi ang mukha nya. "I-I didn't mean to-- fuck! What did I do? I'm so sorry I'm so sorry." Paulit ulit nyang Sabi habang pinupunasan ang pisngi ko.

Tinabig ko ang kamay nya. "B-bakit mo ginawa Yun?" Umiiyak Kong tanong.

Napahinto si cash at nag baba ng tingin. "I was just mad." Aniya at nakakunot nuong nag angat ng tingin sakin.

Hindi makapaniwala ko syang tinignan. "Lagi mo akong sasaktan pag galit ka? S-sasaktan mo pa ako?" Puno ng sakit Kong tanong.

Natigilan si cash at nang Hindi sya makapag salita binalot ko ang katawan ko sa kumot at humiga sa Kama patalikod sakanya. Pinunasan ko ang mga Luha ko pero tuloy lang sa pagtulo ang mga Luha ko.

"I'm sorry. Simula ng iwan mo ako may nag iba sakin at may mga bagong bagay akong nadiskubre."

Paano nya nadiskubre ang bagay na ito? Tanong ko sa isip ko at nilibot ang paningin ko sa playroom.

"Diana I'm so sorry. I promise I won't do it again. Baby I'm so sorry." Sabi ni cash na puno ng pag sisisi.

Mas tumulo ang mga Luha ko. "Dalawang beses mo ng nagawa sakin to. Paano pa ako maniniwala sayo." Sabi ko habang nakatalikod parin sakanya.

"Mahal Kita Diana at Hindi na Kita ulit sasaktan."

Napatigil ako sa pag iyak at agad na umupo at hinarap sya. "M-mahal mo parin ako?"

Tumango si cash at nilapit ang mukha sakin. "Yes, baby." Aniya at magaan akong hinalikan.

Pumikit ako at dinama ang halik nya. Bigla Nawala ang sakit sa puso ko at napuno ng kasiyahan.

Matagal kaming nag halikan at tatanggalin nya sana ang kumot sa katawan ko pero tumigil sya. "Please rest baby." Sabi ni cash at hinimas ang pisngi ko.

Tumango ako at inalalayan nya akong humiga. Nang makahiga na ako tumayo sya at may kinuha sa drawer sa bedside table na ointment.

Maingat nyang kinuha ang kamay ko at maingat na nilagyan ng ointment. Napapaigik ako sa kirot pag pinapahidan nya pero hinihipan nya para mawala ang sakit.

Nang tapos na sya sa pag gamot ng pulsuhan ko. Humiga sya sa tabi ko at pinaunan ako sa dibdib nya.

"I'm sorry baby. I promise I won't do it again." Aniya at hinalikan ang nuo ko. Napangiti nalang ako at pinikit na ang mga Mata ko para matulog pero tulog na tulog na si Cash ay gising parin ako.

CEO'S BITCH [COMPLETE]Where stories live. Discover now