Chapter 16

87.7K 1.5K 198
                                    


Chapter 16
***

Hinihintay Kong maluto ang niluluto ko na chicken adobo habang ang mag ama naman ay nag lalaro sa magiging kwarto ni chance.

Masaya ako na Hindi na ilalayo ni cash si chance sakin at masaya silang dalawa.

Alam ko na madaming tanong si cash at galit sya sakin dahil Hindi ko sinabi agad sakanya ang tungkol Kay chance pero nangunguna ang pag kasabik nya sa anak nya.

Sasabihin ko na ang lahat Kay cash pero hahayaan ko muna syang bumawi Kay Chance.

Pinatay ko na ang kalan ng luto na ang adobo at tinakpan ko muna ang niluto ko at tumaas ng hagdan papunta sa kwarto ni chance.

Maliit Kong binuksan ang pinto at parang may humaplos sa puso ko ng Makita Kong nag tatawanan sila habang nag kukulitan.

Kitang Kita ko ang saya sa mga Mata nila Lalo na Kay Cash. Simula ng bumalik ngayon ko nalang ulit sya nakita na ganito kasaya.

Pumasok na ako Kaya nakuha ko agad ang atensyon nila.

"Mama!" Masayang tawag ni chance sakin at niyakap ako. Napangiti ako at pinunasan ang pawis nya sa nuo.

"Tama na muna. Kakain na muna tayo  ng gabihan." Sabi ko sakanya at agad naman syang tumango.

Nag angat ako ng tingin Kay Cash at tumibok ng mabilis ang puso ko ng madiin nya kaming Pinapanuod.

Nag angat sya ng tingin sakin at may galit akong nabasa pero nag uumapaw ang pag mamahal.

Napalunok ako ng tumayo na sya at nag lakad palapit samin. "Come on, big boy." Sabi ni cash at binuhat si chance gamit ang isang braso lang.

Namula ang pisngi ko ng pinalibot nya ang Isa nyang braso sa bewang ko at hinalikan ako. "Nagugutom na kami, wife." Napapaos nyang sabi.

"N-nakaluto na ako."

Nginitian nya ako at pinagsalikop ang mga kamay namin. Nauna na syang nag lakad habang buhat si chance at habang magkahawak kamay kami.

Nang nasa kusina na kami pinaupo ko na sila sa dining table at kumuha na ng mga Plato at utensils.

Nag aayos ako ng lamesa habang nag kukwento naman si chance sa papa nya. Nag angat ako ng tingin Kay cash habang nag lalagay ng mga baso at naabutan ko syang Pinapanuod ako.

Tumalikod na ako para kumuha ng kanin at ulam at nailang ako ng nararamdaman ko parin ang tingin ni cash.

Hinain ko na sa table ang pagkain at umupo na sa gilid ni cash at katapat ni chance.

"Kain na tayo!" Masayang Sabi ni chance Kaya natawa kami ni cash. Pinanuod ko si cash na sandukan ang anak namin at napangiti ng masaya sya sa ginagawa nya.

"For my big boy." Sabi ni cash at ginulo ang buhok ni chance. Hinarap ako ni cash Kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"And for my baby." Napatingin ako Kay Cash ng sandukan nya rin ako ng pagkain. Tinignan ko ang Plato ko at nagulat ako ng ang dami nyang nilagay.

"Cash hindi ko mauubos to." Reklamo ko sakanya.

"Ubusin mo yan wife." Sabi nya habang nag sasandok para sa sarili.

"Pero." Reklamo ko pa pero nag salita si chance.

"Ubusin mo po Yan mama." Sabi ni chance at nag apir sila ni cash.

Napanguso ako. Pinagtutulungan nila ako.

Masaya kaming kumain ng gabihan namin habang nag kukwentuhan sila at minsan ay sumisingit ako.

CEO'S BITCH [COMPLETE]Where stories live. Discover now