CHAPTER 06

1.6K 62 13
                                    

CHAPTER 06




ZENNIE 's POINT OF VIEW



"Best, tawagan mo na lang ako kapag papunta ka na ng canteen, ha?"


"Tigilan mo 'ko, Jeffrey!"


"Sige Bes, bye!"



Tumingin ulit ako kay Teacher Ramil pag-alis ni Jeffrey.



Kanina pa umaga ako tinatawag ng Bes ni Jeffrey. Nakakatuwa na medyo nakakarindi.


Simula pumasok ako ng classroom wala na siya iba ginawa kundi tawagin ako ng tawagin ng "Bes! Bes!" . Tinabihan pa nga ako dito sa third row eh, sa first row hanggang second row kasi sila mga nag-sisiupuan. Simula daw kasi ngayon mag-bestfriend na kami dalawa at ang bestfriend daw dapat magkatabi sa upuan. Ewan ko kay Jeffrey kung bakit n'ya 'yon naisip.



"Mukha close na kayo ni Jeffrey." Naka ngiti sabi ni Sir Ramil.


Pinaiwan ako ni Sir Ramil dito sa classroom, mayroon daw kasi importante sasabihin sa akin.



"Hindi po ah." Sagot ko.




Ngumiti si Sir Ramil. Sa limang Teacher namin siya ang pinakamabait sa lahat. Mabait naman yung iba, pero si Sir Ramil mahinahon siya mag-salita. Kahit nga pinapagalitan kami mahinahon pa rin ang boses eh.


Kinuha ni Sir ang mga gamit na nasa Teacher's table, pagkatapos lumapit sa akin. Pag-lapit sa akin, ilinapag ang papel na pinag-sagutan ko kanina sa surprise quiz namin.


Napangiti ako nung makita ang score na fifty percent ang naipasa ko. Akala ko maibabagsak ko ang quiz na 'to lalo na,'t surprise quiz. Hindi pa naman ako nakapag-review kanina o kahit nag-basa ng kung ano kagabi.



"Zennie, husayan mo pa kung ayaw mo mawala ang scholar at umalis dito sa HIS."


Napatingin ako kay Sir Ramil. Kita sa mukha niya ang pagka-dismaya sa score ko.



"Nakita mo ang mga scores ng anim diba?"


Tumango ako.



Nagulat nga ako sa scores ng anim. Kahit na mga lasing sila kagabi nagawa pa nila ipasa ang surprise quiz kanina at halos lahat sila hindi baba sa two points ang mali, bukod kay Waeil na perfect ang score at kay Storm na lima lang ang mali.



Talaga pala nakikinig silang anim kapag nag-kaklase kami.



Napansin ko kasi sa anim na, kapag nag-uumpisa na mag-turo ang mga Teacher namin bigla sila nag-tatransform. Lahat sila nagiging tahimik, lahat sila focus sa mga sinabsabi ng Teachers namin. Hindi mo alakalain na mga palaaway sila, eh. Minsan nga ang boring na kapag nagka-klase kami dahil lahat seryosong-seryoso, lahat tahimik bukod sa mga Teacher namin na nag-sasalita. Nakakaantok.



"Zennie . . . "


Tumingin ulit ako kay teacher Ramil.


"Gusto kita paalalahanan. Sa section na ito hindi pasado ang fifty percent score. Ang kailangan ay maka ninety-No, make it ninety-five percent ng score ang maipasa mo, sa mga quizzes, seatwork, assignments, or any activities para mamaintain ang grades mo at manatili ang scholar mo sa'yo. Dahil kung hindi mo maintain ang mga grades mo aalis ka dito sa HIS at hindi na makakapag-aral ulit dito. Wala second chance para section Ares."


Tumango ako. "Opo. Mas mag-aaral pa po ako mabuti."




Tumango at nginitian lamang ako ni Sir Ramil bago ito lumabas.



Itinago ko ang papel sa bag saka ako lumabas na ng classroom. Dumaan ako sa shortcut na palabas, dito sa kung saan ibinalibag ni Storm ang mga gamit ko noong lunes.




Ninety-five percent score?!



Huminto ako sa pag-lakad.



Paano ako makakakuha ng ganoong mga score kung hindi naman ako katalinuhan? Lalo naman na sa memorization mahina ako. Hanggang ngayon nga eh hindi pa rin ako makapaniwala na naging scholar ako.



Tumingala ako para tumingin sa mga ulap. Hay, kung kasing talino ako ni Kuya Zennry, magiging easy 'to sa'kin eh. Pero hindi eh. Kahit kapiranggot ng katalinuhan niya wala ako nakuha.



"HO--MY LABS!"



"My Labs ko?" Ako ba ang tinatawag ng playboy na 'yon? Iyong playboy na nakasalubong ko nung isang araw. Si Hendery. Sa laki ng HIS bakit niya ako nakita?



Kinuha ko ang cellphone na nasa palda ko nang mag-vibrate ito ng mag-vibrate. Si Andrew tumatawag. Nag-text si Andrew sa akin kanina na sumabay na raw ako kumain mag lunch sakanila magkakaklase.



"My Labs ko!" Masaya tawag pagka-lapit sa akin. "Kaya pala ang suplada mo sa akin, si Waeil pala ang boyfriend mo."


"Tsismoso ka noh?" Sarcastic ko tanong.


"Hindi ah. Kayo ni Waeil ang trending sa buong HIS. Pero totoo ba talaga boyfriend mo si Waeil?"


"Akala ko ba hindi ka tsismoso?"


"Naninigurado lang para alam ko kung naka move on na ba si Waeil sa ex-girlfriend n'ya."


Napatayo ako ng maayos. "Ex-girlfriend?" Curious ko tanong.



May ex-girlfriend si Waeil?


Sino kaya 'yon?


Bakit hindi n'ya nababanggit sa'kin?


Ay! Jowa ako?


Ni, hindi nga kami friend kahit sa facebook.



"Uuuuy, curious . . . " Pang-asar ng playboy na re.


"Hindi noh!" Hindi naman talaga.




Sinagot ko na ang tawag ni Andrew nang tumawag ulit sa cellphone ko.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon