Chapter 8

12K 194 0
                                    

Liam's Pov

Pupuntahan ko ba siya, magso-sorry ba ako? Ok lang kaya siya?! Ang tanga mo kasi Liam... Teka nga!

Hannah naman simula nung nakasama kita ginulo mo tahimik kong buhay, imbis na wala akong inaalala... Lagot ako kay Mommy pag nalaman niya to.

Lumabas ako ng kwarto ko, nasa tapat ako ng kwarto ni Hannah, kakatukin ko na ba? Ugh... No choice.

"Pwede ba tayo mag-usap?" kinatok ko yung pinto niya. Pero di siya sumagot.

"Lumabas ka nga o gusto mo ako na ang papasok, mag-usap tayo" hinawakan ko na yung door knob di pa siya sumasagot! Baka tulog na dipa kumakain to. Pasukin ko na kaya bahala na.

"Pwede ka... Asan yun? Nasa CR kaya?"Pinuntahan ko din pero wala naman... Naku naman talaga.

Bumaba ako baka nasa kusina o nasa Laundry Area.

"Manang si Hannah ho?" tanong ko dun sa isang katulong namin na nagluluto palang ng hapunan.

"Diko napansin Sir, wala po ba sa kwarto niya?"

"Wala ho e, sige manang baka nasa Laundry Area"

"Sige"

Pagdating ko dun sa laundry area. Mukang wala pero tatanong ko na din.

"Manang nakita niyo po ba si Hannah?"

"Sir hindi po e, di niya nga po ako kinausap ngayon, wala po ba sa kwarto niya?"

"Wala po e, sige po manang! Salamat po" napakamot na ako sa ulo ko, saan naman kaya pumunta yun, di man lang nag paalam.

Tatawagan ko na ba Mommy niya. Naku naman Hannah... Bahala na nga. Dinial ko number ng Mommy niya. 5secs. Sinagot na din.

"Good evening Mommy, si Hannah po kasi, wala dito sa bahay..."

"Andito siya anak, don't worry".

"Ugh thank god! Sorry Tita"

"Ayusin niyo nalang, ok lang di lang to ang pagdadaanan niyo marami pa".

"Thank you Mommy, aayusin ko po, ako din po may kasalanan, thank you Mommy. Goodnight!"

"Sige kakausapin ko din si Hannah"

Dun natapos pag-uusap namin ni Mommy.

Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay para puntahan siya. Diko alam bat dun ako dinadala ng mga paa ko. Pagkarating ko sakanila, nag doorbell na ako. Bumungad Mommy niya.

"Good morning Mommy, si Hannah po?" bati at humalik ako.

"Tulog pa anak, puntahan mo nalang sa kwarto niya, halika!" hinawakan ako ni Mommy sa kamay.

Umakyat na kami sa taas nasa tapat na kami ng kwarto ni Hannah.

"Sige pasok ka na" sabi ni Mommy tsaka niya ako iniwan at bumaba.

Hinawakan ko na yung door knob at binuksan ko ng dahandahan yung pinto. Nung makapasok na ako, may pumukaw ng atensyon ko, yung malaking picture namin nung kasal at sa baba nun yung mahabang table pictures din namin.

"tss... buti di niya binasag tong mga to nung nakita niya, sa sobrang galit niya saakin, alam ko namang di siya ganun"

Lumapit ako kay Hannah na mahimbing parin na natutulog. Umupo ako dun sa tabi ng kama niya, may couch kasi dun.

Pinagmasdan ko siya, Anong oras ba gigising to para maka-uwi na kami.

Teka kala ko ba aayusin mo yung away niyo? Teka sino yun? Konsensya ikaw ba yun? Hindi ako mag sosorry.

Gumalaw na siya, umiinat na siya...

"Waaaahhhh....." sigaw niya pagtingin niya sa pwesto ko. "Ano ginagawa mo sa kwarto ko?"

"Wag ka ngang maingay, bawal ba asawa mo ko kaya pwede ako pumasok sa kwarto mo" tumayo ako "mag-ayos ka na mag-uusap tayo" tsaka ako lumabas ng kwarto niya.

Bumaba na ako at pinuntahan ko si Mommy, oo mommy tawag ko sa mommy niya, yun daw itawag ko sakanya.

Nakita ko si Mommy sa Garden inaayos mga halaman niya. Umupo ako sa swing.

"Gising na ba si Hannah?"

"opo, pababa na rin po yun!"

"Pagpasensyahan muna anak ko, ahaha!"

"Ok lang po ganun naman po ang babae"..

Hannah's Pov

"Waaaahhhh....." sigaw ko pagtingin ko sa may gilid ng kama ko habang nag iinat ako. "Ano ginagawa mo sa kwarto ko?" bat andito to???

"Wag ka ngang maingay, bawal ba? asawa mo ko kaya pwede ako pumasok sa kwarto mo" tumayo siya, ni minsan di niya ako tinuring na asawa "mag-ayos ka na mag-uusap tayo" tsaka siya lumabas sa kwarto ko.

Kahit kailan ang yabang talaga. Pagkasara niya ng pinto binato ko yung unan. Gaya ng sabi niya nag-ayos na ako, tsaka bumaba.

Narinig ko sila ni Mommy nag-uusap sa may Garden. Kaya pumunta ako dun.

"Morning Mi" bati ko.

"Oh morning, sige mag-usap na kayo kukuha ako ng makakain niyo."

"thanks Mi" sabay naming sabi ni Liam.

Umupo ako sa dulo na swing, di lumapit sakanya. Cross arms and close legs.

"Oh ano pag-uusapan natin?" panimula ko.

"Kalimutan nanatin yung nangyari, ok di ko naman alam na masasaktan ka dun"

"Oh tapos?"

"Kalimutan na nga natin"

"ganun nalang yun?"

"ok sige mali na ako, ok na sayo?"

"hindi"

"Naayos niyo na ba problema niyo? Tama na yang awayan niyo. Magbati na kayo." sabi ni Mommy habang pinapatong yung tray sa Lamesa.

"oh magbati na daw tayo sabi ni mommy"

Diba marunong magsabi ng Sorry to! Bati agad? Ayos to ah...

"Ok na sige na" sagot ko, pero pilit!

"after lunch na kayo umuwi, dito na kayo sa maglunch magluluto ako"

"Ok po" tsaka umalis si Mommy..

"Di ka ba marunong magsabi ng Sorry ha?" pagsusungit ko ulit.

"Ah kaya pala ayaw mo makipag ayos yun ang hinihintay mo, diko alam yung salitang yun e"

Sabay inom ng juice, ano kaya itulak ko yung baso ng matapon sakanya yung iniinom niya. Bastos talaga to!

"So kailangan masanay ako sa ganun, ok" yan pala gusto niya ha. Eh di hindi ako magsosorry sakanya.

Matapos kami dun umakyat ako sa taas hawak ko na door knob ng kwarto ko diko muna binuksan kasi nasa likod ko siya.

"Hoy bat ka sumusunod? Bawal kang pumasok sa kwarto ko!"

"Pwede kasi mag asawa tayo!"

"Asawa? Asawa ba talaga? Parang di naman kaya bawal ka pumasok!"

"Ah ganun?" hinawakan niya ako sa kamay at binuksan yung pinto ng kwarto ko, sabay kami pumasok!

"Ano ba? Lumabas ka nga! Bat ba ang kulit mo?"

"Ang gwapo ko sa mga kuha natin no? Kaya ka nainlove saakin".

"Ang yabang mo, di ka gwapo ok!"

Mas gusto ko pa ngang Fake Marriage kaysa Secretly Married. Inayos ko na mga damit na dinala ko.

Secretly Married ( Completed )Where stories live. Discover now